Nakatapos na akong kumain ng agahan at naubos ko na iyong milk tea ko pero nandito pa rin kami ni Gon sa isang sasakyan at wala pang signal mula sa amo namin na tapos na ito sa pakikipagchikahan. Talo pa namin ni Gon ang naka-standby para sa next scene pero walang script. "Gon, sa tingin mo ba ay okay pa si Sir Coco?" hindi ko napigilang itanong sa kasama ko. Nanghahaba ang leeg ko sa kakatanaw sa sasakyan ng amo namin dahil nakapuwesto kami malayo roon. "Dapat ay roon tayo sa medyo malapit nag-park para mabilis ang gagawin nating responde kung sakaling nanganganib ang buhay niya," dugtong ko pa. Hindi ako totoong bodyguard at wala akong alam sa standard operating procedure nila kapag kasama si Sir Coco pero kailangan kong umaktong kunwari ay concern sa safety ng client at alam ang g

