"So... okay lang po sa inyo kung lalaki rin ang gusto ni Sir Coco?" paanas kong tanong. Pigil-hininga kong hinintay ang magiging sagot ni Sir Mhilo sa tanong ko habang may pagrerebelde akong nararamdaman sa loob. Pinagdadasal ko na sana ay iba sa una kong narinig kanina ang magiging sagot niya ngayon. "Like I said, there's nothing wrong with liking a man—especially since I happen to admire one myself," walang gatol na pahayag ni Sir Mhilo. Parang malakas na putok ang dating sa'kin ng mga narinig ko. Halos ikabingi ko iyon, pero hindi iyon galing sa paputok tuwing bagong taon o putok ng baril kundi ay putok ng katotohanan na hindi ko alam kung ikakaiyak ko ba o ikakamatay. O baka both. Ako po si Mico, at sa puntong 'to ay gusto kong bigla na lang maglaho gaya ng pangakong hindi natupad

