CHAPTER 1
" Ano ba naman yan!" irita kong saad habang kinakapa ang side table kung saan nakalagay ang alarm clock at agad itong pinatay, pero hindi parin matigil ang tunog kaya naman sa irita... binato ko ito.
Saglit akong napangiti ng bumalik na ulit ang katahimikan at balak na sanang matulog ulit ng ang cellphone ko naman ang nag-ring, agad ko itong sinagot at napalayo ang tenga ng may marinig akong sumigaw sa kabilang linya.
" Ano? wala ka pang balak tumayo d'yan Xyrine? malalate kana!ilang beses kana nabigyan ng warning ni head nurse tungkol sa pagiging late mo!" mahahalata mo dito ang pagkakakunot ng noo at alam kong kagat-kagat na nito ang labi sa inis.
" Okay, fine! give me 30 minutes to get ready." hindi na ako nakipagtalo at agad na ibinaba ang tawag para makapag-ayos.
Wala pang 30 minutes ng matapos ako at hawak ko na ang seradura ng pinto para makalabas ng may kumatok mula rito.
" Ito na nga Irish palabas na, masyado ka namang atat! bakit hindi ka nalang mauna d'on ng hindi pumutok butsi mo d'yan." Nagtaka naman ako ng hindi ito kumibo, pero ipinagsawalang bahala ko nalang dahil busy ako sa paghalungkat ng bag ko para hanapin ang susi.
Napangiti ako ng masilayan ito at agad na nilock ang pinto. Pero nagulantang ako na sa pag-harap ko kay Irish, hindi pala ito ang inaasahan kong tao.
It's a guy who stands 5'7, has kissable lips, mesmerizing blue eyes, and snow-white skin. Saglit pa akong napatulala dito ng makilala ko kung sino itong kaharap ko. He is Kent Lee an actor from korea who's also very famous here in the Philippines.
Aaminin kong gwapo sya but that's it! nothing more, nothing less, he's not a typical guy na magugustuhan ko, sabihin nyo ng maarte ako pero I feel uncomfortable around him, he stare at me coldly na ibang-iba sa personality n'ya sa tv.
I snap with my own thoughts and ask him
"what do you want?" Kumunot ang noo nito at saglit na hindi naka-imik
" What do your parents say to you? " he said coldly, parang nilamig naman ako sa boses nya kaya pasimple akong yumakap sa sarili ko.
" What do you mean?" I said while staring at him ng naka-kunot ang noo. Saglit s'yang natigilan at may nilabas na envelop sa bag at inabot sakin.
" Here, take a look inside." basta nalang nito binitawan ang envelop kahit hindi ko pa nahahawakan, pakiramdam ko may sumabog naman na bulkan sa utak ko dahil sa ginawa n'ya.
"Jerk!" sabi ko sa maliit na boses, waring nag-iingat na hindi n'ya ako marinig.
Pasalamat s'ya at nasalo ko kung hindi... may kalalagyan s'ya. Agad kong binuksan ang bigay n'ya and take a look at the documents inside.
Nagulantang ako at nabitawan ang hawak ng nasa taas palang ay nakalagay na ang pinaka-malaking sulat na marraige certificate at ang mas nakakagulat pa dito ay may pirma ko ito at hindi ako pwedeng magkamali na pirma ko ang nakalagay, dahil kilalang kilala ko ang sulat ko.
"What the hell?! are you joking right?" I said while looking at him with a big eyes.
"tss.. Stupid! nakita mo na nga yung pirma mo d'yan nagtatanong ka pa?" kitang-kita dito ang inis dahil sa pagkaka-kunot ng noo nito.
" It's impossible, wala akong matandaan na pinirmahan ko." I said in a verge of panic. tinignan n'ya lang ako ng malamig at sumagot.
" My Grandpapa said that you're the one who signed that when he visited you at your work."
"But-" naputol ko ang sasabihin ko, when I remember what happened last week.
"Good evening, can I see Nurse Xyrene Sy?" narinig kong tanong ng isang matandang lalaki habang nakikipag-usap ako sa mga kapwa ko Nurse. Napalingon ako ng marinig kong may naghahanap sakin na pamilyar na boses at nakita si Lolo Bernard na kausap ang isa sa mga Nurse na napadaan.
" LOLO BERNARD!" I scream with an excitement in my voice, agad naman akong nahiya ng pinagtinginan ako ng mga doctor at pasyente, humingi naman ako ng tawad sa mga ito when our head nurse glare at me.
Agad akong lumapit kay Lolo Bernard ng may malaking ngiti sa labi at kumapit sa braso n'ya.
"It's been a while since I last saw you Xyrene, you grow into a beautiful lady." I blushed with his compliments and smile shyly.
Dinala ko si lolo Bernard sa may garden para makalanghap kami ng hangin at naupo sa isa sa mga bench doon. Pinagmasdan ko naman si Lolo Bernard ng saglit itong lumanghap ng hangin.
I can say... that nothing change a lot to Lolo Bernard, Matipuno parin ang pangangatawan nito at hindi pa masyadong kulubot and balat, I'm still mesmerize by his smile and blue eyes.
Actually hindi ko sya kaano-ano tinulungan nya lang ako sa mga nam-bu-bully sa'kin noong bata pa ako and lagi kaming naglalaro dati sa playground malapit sa school pag iniintay ko sila nanay na sunduin ako. I just lost our contant when he and his family decided to migrate in korea.
" Apo, I'm still hoping that you will marry my grandson someday." he said while daydreaming, I still didn't meet his grandson kahit matagal na kaming magkakilala ni lolo Bernard, ang sabi pa nga ni Lolo hindi daw ito mahilig makipaghalubilo sa ibang tao.
I mentally laugh sarcastically... not mahilig my ass tss.
" Lo naman, ngayon nalang tayo ulit nagkita tapos 'yan pa bungad mo sakin." I said while awkwardly laughing, I will never, ever marry someone I do not love.
"Pasensya na apo naaalala ko lang s'ya sa tuwing nakikita kita anyway..." he said at nagpatuloy na ang masaya naming kwentuhan, pero napahinto din kami sa pakikipag-kwentuhan ng mero'ng tumawag sakin at sinabing may pasyente at kailangan ng Nurse.
I guess it's time to go back to work.
Malungkot akong sumulyap kay Lolo Bernard at nag-paalam.
"Sorry Lo need ko na pong bumalik sa loob." sabi ko at nag-pagpag na ng pang-upo at handa ng umalis pero tinawag ako ni Lolo Bernard.
"It's okay iha, But before you go, I have a quick game for you.." I sigh because I already expected this, pag nag-papaalaman kami sa isa't-isa nagbibigay pa ito ng small games n'ya.
"sure lo.." I said and He smiles and instructs his little game.
"Can you put your signature here, without looking at the paper?" He said excitedly, nagtaka pa ako kung ano yun pero hindi na ako nakapag-tanong when one of my colleagues call me again, I signal them to wait and face my lolo.
when he handed me a pen to use, I close my eyes when he instructed me to do, at nilapit nya ang kamay ko sa parte na dapat pirmahan. After signing it, dumilat na ako at naabutan kopa si lolo Bernard na binabalik ang papel sa loob ng envelop.
"What's that lo?" Hindi na ito nakasagot dahil nahila na ako ng kasamahan ko kaya nakangiting nag-paalam nalang ako kay lolo Bernard.
" Naalala mona?" Kent said while he's smirking before he became serious. Nabwisit naman ako sa pinapakita nitong emosyon at handa na sanang makipag-talo ng tumunog ang cellphone ko.
Agad ko itong sinagot habang masama parin ang tingin sakanya, while him? he just stare at me as if I am a wall.
" Xyrene where are you? malalate na tayo?" Irish said impatiently
"Pababa na ako sandali lang." sabi ko bago ibaba ang tawag at tumingin ulit kay Kent.
"Look, kung ano mang nakalagay d'yan sa papel na'yan ipagsawalang bahala mo nalang, at wala akong balak na sundin 'yan." I said at hindi na hinantay ang sasabihin nya at agad na tinalikuran ito para puntahan si Irish.
siguro naman I made everything clear to him at aalis nalang siguro yo'n kasi wala naman s'yang mapapala sakin at halata naman sa mukha n'ya na napipilitan lang s'ya. well, I can say that we both don't want this marriage.