[Lea's POV]
Hindi na umimik pa si Eli, kahit nung makauwi na kami sa bahay nila.
"We'll review about Physics tomorrow, Lea." Hindi ko maiwasang mapairap dahil iyun agad ang sinabi ni Cy sa akin pagkapasok ko sa bahay nila.
"Seriously, Cy? Pwede mo namang kamustahin mo muna siguro 'yung training namin?" Sarkastiko kong responde bago komportableng umupo sa couch nila.
"Kamusta?" Taena, sinunod nga niya.
"Ayos lang," peke akong ngumiti at tumango sa kanya pero mabilis niya akong tinalikuran.
"What do you want for dinner?" Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ako ba 'yung tinatanong niya o si Eli.
"I'm asking you," nung humarap siya sa akin ay doon ko lang nakompirma na ako nga ang kinakausap niya.
"Sa akin ka kasi tumingin kapag ako kinakausap mo." Suplada ko siyang inirapan at napataas naman ang kilay ko nung maglakad siya papalapit sa akin. Tumigil siya sa mismong harapan ko nang hindi inaalis ang pagtitig sa mga mata ko.
"What do you want for dinner?" He sweetly asked that made me swallowed real hard.
"K-kahit ano lang," gusto kong kurutin ang sarili ko. Gosh, sobrang pabebe ko naman. Ang jeje!
"Hindi available ang kahit ano lang."
"Eh, ewan ko naman kung anong pagkain ang kaya mong lutuin."
"Just name it," walang kaemo-emosyong aniya.
"Fish fillet... i'm craving for some. Ayos lang ba?"
"Sure, if that's what you want."
Napalunok muli ako at nung tumalikod siya ay agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog. Pakshet, paano ko ba maa-unlove ang isang gaya niya kung ganyan siya ka-sweet?
Pumunta siya sa kusina at binuksan ang ref nila, habang abala siya ay pinuntahan ko si Eli sa kanyang kwarto at naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang kama habang tulala.
"Hey, ayos ka lang?" Agad na lumipat ang tingin niya sa akin nung papasok ako sa kanyang kwarto.
"Yung mga gusto ni Eion sa isang babae... he's not just describing about his own ideal, he's referring to a specific person."
"Sino?" Tanong ko pero ilang segundo lang siyang tahimik at nakatitig sa mga mata ko na parang ine-examine niya ako.
"N-nevermind," iniwas niya ang kanyang tingin at tumayo bago ako hinila papalabas ng kwarto niya nang nakangiti.
"Kuya, I think i'll be having a boyfriend." Natigilan si Cy sa paghihiwa ng isda at agad kaming hinarap.
"Are you crazy?"
"Crazy? Sabi ko, magkaka-boyfriend na ako!"
"Hindi ako bingi, Elizabeth. Baliw ka kako sabi ko."
"Baliw? Why would you say that?" Nananatiling nakahawak si Eli sa braso ko habang nagbabangayan silang magkapatid.
"You're in love with Eion, you won't settle with someone who is not him." Napalunok ako nung sabihin iyun ni Cy. I hope alam niya rin na ganoon din ako sa kanya.
"Exactly!"
"Hindi kita ma-gets, Eli." Kahit ako ay naguguluhan din sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Eli.
"I'll make him mine." Napakurap si Cy dahil sa naging sagot ni Eli, kahit ako ay napatanga.
"Stop joking around, Eli." Ani Cy bago tumalikod para ipagpatuloy ang paghihiwa ng isda.
"I am not. Ininform lang kita kasi baka sa mga susunod na araw ay dadalhin ko siya rito."
"Why would you think that Eion is capable of loving someone like you?" Natahimik si Eli at napataas naman ang kilay ko sa suplado niyang naging responde.
"Ba't parang ini-imply mo na hindi worth it si Eli? Cy, she's your sister." Nagsalubong ang kilay niya nung sumabat ako.
"I'm just saying the truth. Eion is well-successful to be reach by Eli." Naramdaman kong napayuko si Eli dahil sa depensa ng kanyang kapatid. I can't help but scoffing because of it. "Right. Parang sinasabi mo na rin na sobrang layo mo para maabot ko."
Natigilan siya at napaawang ang kanyang labi. I can see that he was caught off-guard by what I said.
"Why would you bring your feelings up with this matter, Lea?"
"Because I know what your sister feels, Cy. Eli has a chance to fight, why are you telling her to give up?!" Hindi ko na naiwasan at tumaas ang boses ko dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman.
"I know guys. Eion doesn't like her at all. I don't like the idea of my sister forcing herself to someone. It's not a De Jesus way."
"Eion can love her back, I know it." Matapang na saad ko nang hindi inaalis ang titig ko sa kanyang mga mata hanggang siya na mismo 'yung umiwas ng tingin.
"No, he won't. Trust me." Parang tinurok ang puso ko sa naging sagot you. I feel like those words are meant for me.
"Yeah, Eion doesn't like her... for now. Dadating din ang panahon na mahuhulog si Eion sa kanya, kagaya kung paano ka mahuhulog sa 'kin." Huli ko na lang napagtanto ang katangahan ng bibig ko nung maramdaman ko ang reaksyon ni Eli. Natigilan ito at nakanganga sa akin, nung humarap ako kay Cy ay nakayuko ito.
"Okay," 'yun lang ang narinig ko mula sa kanya bago tumalikod na at inabala ang sarili sa paghahanda ng hapunan.
"I-i'm sorry, nadala lang ako. I didn't mean what I said." Pagrarason ko para pagtakpan ang kahihoyang ginawa ko.
"I know."
Naging awakward and hapunan naming tatlo at sinisisi ko ang sarili ko dahil doon. Nagpadala ako sa emosyon ko. Hindi na ako kinausap ni Cy at habang kumakain kami ay nananatiling tahimik lang kaming pareho ni Eli. We keep exchanging glances while Cy didn't even bother to raise his gaze. Tahimik lang itong kumakain at hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Does he think na nagiging desperada na ako?
Nasa kalagitnaan kami ng hapunan nung tumunog ang doorbell. Bago pa sila maka-react na dalawa ay mabilis na akong tumayo para tingnan kung sino.
Just expected, it was Eion. Nangako ito na susunduin ako and knowing Eion, he's a man of his words.
"Hey, tapos na kayo? I was wondering if I can take you to dinner–"
Hindi ko na pinagpatuloy pa ang gusto niyang sabihin at mabilis ko na siyang hinatak papasok sa loob. Let's make everything less awkward.