[Lea's POV]
"Uhm, guys. Is it okay if Eion joins us for dinner?" Tanong ko kay Cy at Eli matapos kong kaladkarin si Eion papasok ng dining.
"I-i don't mind," sagot ni Eli at napaayos ng upo. Inipit niya ang iilang hibla ng kanyang buhok sa likuran ng tenga niya nung tumingin si Eion sa kanyang gawi. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa kanyang inakto.
Napatingin kaming tatlo kay Cy nung hindi siya sumagot. Napataas ang kilay ko nung nakatitig siya sa kamay namin ni Eion na magkahawak. Nung ma-realize ko 'yun ay walang pag-aalinlangang binitawan ko ang kamay ni Eion.
"S-sure, it's fine with me." The tone of his voice says otherwise, nevertheless he already agreed.
Bago pa maka-react si Eion ay mabilis ko siyang hinila paupo katabi ko at kaharap ni Eli. Si Cy naman ay parang hari na nakaupo sa pinakadulo ng mesa. Hindi siya umimik bago ipinagpatuloy ang pagkain.
Like I said, I need to make things less awkward.
"Bago matapos ang sem-break, naisipan namin ni Eli na magkaroon tayong lahat ng beach party." Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Eli pero makahulugan na ngumiti lang ako sa kanya. We actually never talked about it, gawa-gawa ko lang 'yun.
"What do you guys say? Of course, we'll be inviting Pierce, Eve, and Ron. You can also invite your friends, Cy." Pagkuha ko ng atensyon niya.
"I don't have any friends," malamig na tugon niya pero wala iyung epekto sa akin.
"What about Sheldon and Martin?" Tukoy ko sa dalawang kaklase niyang palagi niyang kasama.
"They're just my classmates."
"Well, then, invite them." Mas lalong lumapad ang ngiti ko nung mapagtanto ang pagkahanga sa kanyang mga mata. Iniwas niya ang kanyang tingin bago sumagot ng, "i'll talk to them about it."
"Are you bringing anyone, Eion?" Kita kong napalunok si Eli. She wants to have a conversation and I find it cute. Bumaling ako kay Cy at nakita ang pagkunot ng kanyang noo habang nakatingin sa kapatid niya. Nung makita niya akong nakatingin sa kanya ay tinaasan ko siya ng kilay. Agad niyang iniwas ang tingin niya bago napayuko.
"I can't think of anyone. You?" Palihim kong sinipa ang paa niya nung mahimigan ang kawalan ng interes sa kanyang tono.
"I'll just bring my best-friend. So konti lang tayo kung ganoon?"
"I don't think so," sagot ko. "Kung sasama si Ron ay baka isasama niya rin si Belle at ang tatlo niya pang kapatid, but don't you guys worry, ako ang bahala sa lahat ng preparation." Excited kong ani.
"The Harris Brothers will come?" Nakakunot-noong tanong ni Eion. He's talking about Ron's brothers.
"Well, iyun ay kung sasama si Ron, but we all know na hindi umaayaw si Ron when it comes to parties."
"f**k and heck, no."
Kumunot ang noo ko sa pagmura niya. "What do you mean 'no'?"
"Alam natin na may gusto sayo 'yung tatlo, e."
"May gusto sa akin? You got it wrong. Mahilig lang talaga silang mantrip like their brother Ron. They're loud but they don't romantically like me, so chill."
"That's why we shouldn't invite Ron."
"Ron is our friend, specifically your best-friend–"
Napatigil ako sa kakadada nung marinig ang pagtikhim ni Cy. Tumingin ako sa kanya at matatalim na mga tingin ang natanggap ko. Ano na naman ang ginawa ko para tingnan niya ako nang ganyan?
"What?" I mouthed at him but he shake his head before looking away.
"So kailan ba 'yan?" Si Eion.
"Mga dalawang araw bago ang start ng klase. Hindi pa ako sure kung saan."
"What about sa Palawan?"
"Too overrated," mabilis at supladong sagot ni Eion na naka-pokerface nung magsuhestiyon si Eli.
"Aklan?"
"Masyadong malayo."
"Iloilo?"
"Mas malayo na talaga."
"Boracay?"
"Too crowded." Napapasimangot ako sa bawat rejection na binibigay ni Eion kay Eli.
"Siquijor. You can't say no to this one. It's underrated, malapit din since katabi lang ng Cebu and we can tour the entire island in just one day. It'll be worth it," she stared at him so intently as she waited for his response. Ilang segundo ang pananahimik ni Eion at nung iniwas niya ang kanyang tingin ay malapad akong napangiti.
"Yes!"
.
[Pierce: Oh gosh, ito talaga ang hinihintay ko. Finally!]
[Eve: Hindi tayo mag-oovernight?]
[Me: No, we need to rest din a day before ang klase.]
[Pierce: Sino-sino ang sasama?]
[Me: Si Eli at 'yung best-friend niya. Si Cy naman ay dadalhin niya ang dalawa niyang kaklase at tayong lima.]
[Eion: Ron is not invited.]
Napairap ako nung biglang mag-reply si Eion. He's still not over it. Hindi ko alam kung ba't big deal 'yan sa kanya.
[Ron: I'll crash the party.]
[Me: You're invited, Ron. Don't mind him, may dalaw 'yan.]
[Ron: Read that, @Eion Nathaniel ?]
[Eion: Fine, you can bring Belle if you want. Basta, huwag ka nang magsama ng iba pa.]
I can picture out Eion's face with an irritated frown. Alam kong nababanas lang siya sa mga kapatid ni Ron, hindi dahil playboy ang mga ito kundi dahil nayayabangan siya. Magagaling din sa sports ang mga kapatid niya. 'Yung kasunod na kapatid ni Ron na si Kuya Lourie na dalawang taon lang ang tanda sa amin ay magaling sa volleyball. Isa siyang varsity sa isang chinese academy kaya expected na magaling talaga siya. Kuya Lourie is a setter, nakakahanga ang timing at kung paano niya kontrolin ang bola.
Iyun nga lang ay sobrang yabang nito. I can say na magkapatid nga talaga sila ni Ron pero yung kayabangan ni Ron ay hindi gaano ka-obvious kung ikukumpara sa kanyang mga kapatid.
[Ron: Lea won't mind if my brothers want to come, right?]
[Me: Of course, I don't. Kahit mayayabang ang mga 'yun ay mabait pa rin sila.]
Their brothers once helped us in our research report last school year. They were patient with us, at doon ko lang nalaman kung gaano ang pinagkaiba ni Ron sa kanyang mga kapatid. His brothers can be called geniuses.
[Eion: Lea naman.] Hindi ko maiwasang mapangisi. I could almost hear him begging.
[Me: Huwag ka ngang KJ. Tsaka, hindi mo naman sila makakasalamuha nang madalas because you'll be spending time with Eli.]
[Eion: What?!]
[Eve: This is your chance, Eion. Cy's sister really likes you.]
[Pierce: Yeah, your chance to move on from your first and greatest love.]
Agad na nagsalubong ang kilay ko nung basahin ko ang chat ni Pierce. Anong first love? May alam ba sila tungkol kay Eion na hindi ko alam?