[Lea's POV]
[Me: First love? Sinong first love?] I keep tapping my phone when I saw that all of them had seen my message. It took a couple of seconds before I finally saw that Pierce is typing something.
[Pierce: The girl during our eighth-grade summer camp. He fell in love at first sight.]
[Me: Ba't hindi ko alam 'to?] I never heard them mention anything related to Eion's love life.
[Eve: Nasa Russia ka nung mga panahon na 'yun. Hindi na kami nag-open up tungkol don since it was just a petty crush.]
[Eion: Don't believe them. They're just pranking you.]
[Me: Pero seryoso ako, @Elliot Nathaniel you should spend some time with her. Eli is really cool.]
[Eion: Really? Is she cooler than you?]
[Me: Kinda the same. She's like my 2.0 version.]
Nakaka-relate ako kay Eli. Actually, madami kaming pagkakapareho na dalawa at isa na roon ay ang paghahabol sa lalaki na hindi kami ang gusto. Eli is also passionate in lawn tennis though not that passionate compared to me, but I could feel her love for that sport. I love how she smiles everytime she plays. Eli is like a younger version of me, the childish one.
[Eion: Okay then.]
Halos mapunit ang labi ko sa sobrang lapad ng aking pagkakangiti. Nae-excite na tuloy ako sa kung ano man ang patutunguhan ng relasyon nilang dalawa.
.
"Valence Electrons are the electrons located on the last orbit of the atom." Nakatulala lang ako sa kanya habang ine-explain niya ang kung ano-anong bagay tungkol sa chemistry. Ni isang salita ay wala akong maintindihan.
"You mean electron ang Neptune?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko.
"Neptune? Why are you talking about planets, Lea?"
"Huh? Hindi 'ba? You said orbit–"
"Orbit sa atoms, hindi sa solar system. Atoms have orbits, right?"
"Really? Akala ko wala." Inosente kong sagot at agad niya akong sinamaan ng tingin.
"You know the Quantum Model of an Atom?" Tanong ko sa kanya at unti-unting nanlaki ang mga mata niya. "What?"
"In 1962, Erwin Schrodinger proposed that, rather than electrons moving in fixed orbits and shells, the electrons behave as waves. 'Yung parang sa electric fan, kapag pinapaandar hindi ba ay hindi masyadong makikita ang blade, it's just a cloud... so parang ganoon din ang electrons. Atoms doesn't have any orbit." Napatitig siya nang matagal sa mga mata ko matapos kong magsalita.
"Tama naman, diba?"
"Yes, but as you know, the Quantum Model of an Atom still needs further study. It's still a theory, Lea."
"Ay, okay. Now I know." Tumango ako at tumango rin siya bago tipid na ngumiti. Napanguso ako para pigilan ang pagngiti ko dahil sa reaksyon niya sa sinabi ko.
Nung tumingin muli siya sa akin ay iniwas ko na ang tingin ko bago pa magtama muli ang mga mata namin. "Ba't ito 'yung pinag-aaralan natin? It's for Seniors, Cy. I-review natin 'yung lalabas sa next exam." Reklamo ko at pinakita sa kanya ang pagkunot ng noo ko.
"Anong subject ba gusto mong tutukan natin?"
"Lahat syempre! Tutal bobo naman ako sa lahat ng subject." Maligaya kong sagot na ikinatawa niya.
"You're not dumb."
"Yes, I am. 'Yung top one namin sa room, bobo nga 'yun pagdating sayo." Pagmamayabang ko at halos mapunit na ang labi niya sa lapad ng kanyang pagkakangisi.
Kinuha niya ang maliit kong notebook at nagsulat nang kung ano. Hindi ko mapigilang ngumiti nung hindi pa rin napapawi ang ngisi niya.
"Cy?"
"Mmm, yes?" Malambing na responde niya at inangat ang tingin niya sa akin. I was mesmerized when our faces are just inches away from each other.
"Why are you so harsh on Eli?"
"I don't want her to get hurt."
"Eli wants to be happy. Being happy needs risk." I want him to understand that Eli is allowed to be happy with Eion.
"She can be happy without begging, Lea." Sumeryoso ang boses niya na ikinanguso ko.
"Stop pouting," he said in a soft voice as he gently pinch my chin.
"If I beg right now, would you love me?" Napaawang ang labi niya sa tanong ko. Nananatili akong nakatitig sa mga mata niya hanggang sa siya na 'yung umiwas ng tingin.
"Theo..." tawag ko at bahagyang inilapit ang mukha ko sa kanya. Hindi niya iniwas ang kanyang mukha mula sa akin pero bumaba ang tingin niya sa mesa.
"Even if you push me away, Theo... I will always love you." Sabi ko sa mahinang boses. Alam kong narinig niya iyun pero nananatili ang kanyang mga tingin sa baba.
"Theo," nagmamakaawa ang boses na tawag ko sa kanya pero hindi pa rin siya tumingin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at maingat na hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Theo, look at me." I said and I was breathless for a moment when I saw how fragile his eyes are. There were hidden emotions that I couldn't comprehend. There were tears hiding on the side of his eyes.
"What is it, Cy?" I asked. I've never seen Cy this fragile before. Hindi siya sumagot, bagkus ay umangat ang tingin niya sa labi ko.
Napalunok ako nung napatitig din ako sa mapula niyang labi. His lips are tempting, it seems like it's summoning me.
"Can I kiss you?" I asked in a soft voice.
"Yes, please." Napaawang ang labi ko sa kanyang sagot. Hindi ako nakagalaw kaya siya na mismo ang sumakop sa labi ko.
Bahagya akong napaatras kaya agad niyang hinawakan ang likod ko bilang supporta. Otomatiko akong napahawak sa matigas niyang dibdib nung mas nilaliman niya pa ang paghalik. I found myself responding to his kiss as I close my eyes. His kisses were sweet and addicting. Ang isa niyang kamay ay pumulupot sa beywang ko.
I could hear our heart beats moving in synch; fast and loud. I couldn't get enough of him and kissing him right now is one of the things that i've ever wish.
"C-cy..." hinihingal kong tawag sa kanya nung maputol ang halik na pinagsaluhan naming dalawa.
Ngumiti ako sa kanya nung magtama ang titig namin. Kita ang gulat sa kanyang mga mata at halatang hindi makapaniwala sa nangyari.
"T-this is a mistake."