Chapter 3

1128 Words
Pagod na pagod ang lola niyo, curacha talaga ang peg ko ngayong araw. Nagmuse, nagvolleyball at nagbadminton. Sumabay pa tong makulit na Cooper na to. Andito kami ngayon sa Chowking sapilitan niya akong hinila dito paano dala dala na niya lahat ng gamiit ko. "Ano gusto mo kainin?" tanong niya nakapila na kami sa counter. "Libre mo ba to? Lakas mo makahila baka mamaya kkb to ah." paninigurado ko. "Oo naman syempre first date natin to eh." nakangising sabi nito. Binatukan ko nga siya. "Ang kulit mo hindi mo ako jowa ah tigilan mo ilusyon mo." "Seryoso kaya ko, hindi ako nagbibiro hindi ako naniniwala sa ligawan mas okay yun tayo kaagad, kaplastikan lang yang ligaw ligaw na yan kunyari mabait maginoo tapos hindi naman." "So ibig mo sabihin hindi ako pangligawan?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. "Hindi, ikaw yung dapat minamahal kaagad." sagot nito sabay kindat sa akin. "Ashoo ganyan kayo mahal mahal sa una lang tapos sakit sakit naman ang dulot in the end." kontra ko sa kanya. "Hello Mam Sir welcome to Chowking may i take your order?" Hindi na nakasagot si Cooper turn na namin para umorder." "Sabi mo libre mo to ah." tumango lang siya. "Ate isang chicken lauriat, isang siopao ung jumbo huh, isang halo halo yung large, siomai 8pcs, molo soup, 1 chicken meal yung with pancit ah saka hmm ano pa ba extra hmm buchi 6pcs." "Sweet mo naman sinama mo na ako sa order mo." ani Coopoer sabay akbay sa akin. "Ano ka sa akin lang yan noh, umorder ka ng sayo." "Hehe grabe girlfriend ko ate hindi ko alam saan niya ilalagay sa tiyan niya yung mga inorder niya." nagtawanan sila ni Ate cashier. "Eh sabi mo libre mo diba? Nilulubos ko na since and first last naman na to." sabi ko sabay kuha ng gamit ko maghahanap na ako ng mapwepwestuhan namin. Dinamihan ko talaga ang inorder ko para maturn-off siya. This is the normal test i do with men, hindi naman sa may phobia na ako sa mga lalaki it's just that parepareho lang sila. Ang gusto lang nila nakikita sa atin ay yung mga magagandang traits natin once nakita na nila ang mga mali natin, shortcomings ang mga panget sa atin nawawalan na sila ng gana. Nakikita ko ng papalapit na si Coooper, akalain mo nabangga ko lang siya kanina ngayon nilibre na niya ako ng dinner. "May laro ka ba bukas?" umupo siya mismo sa tabi ko. "Secret!" "Nood ka naman ng game ko cheer mo din ako like what i did to you." "Why will i do that? Saka last na to huh after natin kumain magkanya kanya na tayo." "Ouch naman! Mukha lang ako hindi seryoso pero seryoso talaga ako gusto kita maging girlfriend." I rolled my eyes 360 degrees para feel na feel niya na inis ako. "Wag ako Coooper! Nananahimik ang buhay ko wag mo guluhin." "Hindi ko naman guguluhin eh lagyan natin ng kulay buhay mo." Napanguso ako ang cheezy non infairness. Nanlaki ang mga mata ko ng ninakawan na naman niya ako ng halik. Agad ko siyang tinulak at sinuntok ang matigas niyang braso. "Grrr bakit mo ako hinalikan ang manyak mo talaga nakakailan ka na!" "Eh akala ko gusto mo ng kiss ngumuso ka kasi." he said at ginaya niya pa ang ginawa kong pag pout. "Ayshhh! Ways ways ka eh manyak!" iritang sabi ko. "Hindi ko na kasalanan yun mahal kong Nadine don't pout para hindi mamagnet ang labi ko diyan." he said while looking at my lips. Buti na lang dumating na order namin, nabigla din ako sa mga inorder ko punong puno ang mesa namin. "May laro ka nga bukas?" tumango na lang ako puno kasi bibig ko. "Sunduin na lang kita sabay na tayo." "Kulit mo naman eh, after nito wala ng pansinan after." Napainom ako ng iced tea nang makita kong lumungkot ang mukha niya hindi na siya sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain namin. Medyo nacoconscious na ako kanina pa kasi nakatingin lang sa akin si Cooper tinitignan siya siguro paano ako ngumuya. "Pwede ba ihatid kita?" "Hindi na kaya ko naman umuwi mag-isa." Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Gusto ko lang safe ka paguwi mo last naman na diba?" "Hindi na last na nga diba bakit pa?" matigas na sagot ko. "Please, please." "Ayaw pa rin, grab naman sasakyan ko safe ko okay." Tapos na din naman ako kumain kaya nagbook na ako ng grab. Sakto 5mins away lang ang driver. "Oh paano malapit na yung driver thank you sa libre mo ah. Goodluck sa game mo." kinukuha ko na mga gamit ko pero ayaw niya ibigay. "Kahit diyan lang sa labas kita ihatid ako na maghahahawak muna nito." napakibit balikat na lang ako ang kulit eh. "Oh siya andito na sundo ko thank you ulit." pumasok na ako sa back seat. Pero laking gulat ko ng sumakay siya sa passenger seat. "Hoy! Bakit andito ka pa!! Baba!" "Let's go na kuya nagiinarte lang tong girlfriend ko ayaw magpahatid alis na tayo." "Ayssshhh! Ikaw talaga ang kulit kulit mo." Napadiin tuloy ang sandal ko sa upuan, bakit ba kasi ayaw niyang tumigil. "Kuya dito na lang po." Kahit isang kanto pa sa apartment ko ay pinatigil ko na si kuya grab. "Mam malayo pa sa pin po." "Wag ka makinig diyan sa girlfriend ko kuya may topak lang yan ngayon." Ayun na nga hindi ako pinapakinggan ni Kuya grab ako talaga nagbook sa kanya pero si Cooper lagi sinusunod niya. Pagkatunog ng waze ni Kuya na andito na kami ay agad ako dumukot ng pambayad ng makababa na kaagad. "Ako na mahal." Hindi na ako nakipagsapilitan pa pinasok ko na ang pera ulit sa wallet ko ay bumaba na ng kotse. "Nadine." Hindi ako lumingon, pagod na pagod na ako gusto ko na humiga. Patakbong lumakad si Cooper papunta sa akin at hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. "Hindi mo man lang ba ako pagkakapehen?" "Walang patay ngayon dito walang pakape!" Natawa siya sa sinabi ko, napaatras ako ng kurutin niya ng mahina ang magkabilang pisngi ko. "Ang cute mo talaga, lalo na pag nagtataray ka. Sorry ang kulit ko, coz i really wanna know you more seryoso ako sa lahat ng sinabi ko, dinadaan ko lang sa biro yung iba pero i'm serious when i said that i want you to be my girlfriend." "Paulit ulit naman eh magbrebreak din tayo, yang mga katulad mo na tall, macho and malakas ang dating ganyan ang mga habulin ng babae. Wit hindi ko bet!" "Hindi mo pa nga nasusubukan hinuhusgahan mo na ako kaagad." "Wit pa din! Ayokong maheartbroken!" "Give me one month, let's try gagawin ko lahat para mainlove ka sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD