Juzmeyo marimar ang sakit ng buong katawan ko para akong nastucked sa kama ko hindi ako makatayo ihing ihi pa naman ako. Inistretch ang mga binti ko pati ang mga kamay ko, nang medyo nagkaron na ako ng enough energy ay agad akong umupo sa kama ko pinilit ko na tumayo at nagunat-unat tumalon talon din ako para maalog naman ang utak ko.
Agad akong tumakbo sa banyo hindi ko na talaga keri ihing ihi na ako. Habang lumalagasgas ang ihi ko sumabay naman ang may kumakatok sa pintuan.
Ang aga nitong landlady ko mambulahaw eh alam ko due date ko na pero sobrang aga ah.
Padabog akong naglakad papuntang pintuan walang kaabog-abog na binuksan ko ang pintuan wala pa ako hilamos o toothbrush para marealize niya na ang aga niyang maningil.
"Maganda pa ako sa umaga Aling Zoraida! Hindi pa ako nakakapagwithraw." nakapikit na sabi ko pagbukas ko pa lang ng pinto.
"Ay siyang tunay mas maganda ka nga sa umaga Mahal ko mas maganda ka pala pag bagong gising!" nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nasa harap ko potek! Si Cooper pala nakafit na sando siya, basketball short at nakacap na white wow ang fresh ah, agad akong napayakap sa sarili ko wala akong bra at nakasando na white lang ako baka bakat ang twinkle twinkle little star ko.
"Bakit andito ka?!" singhal ko sa kanya.
"Dinalhan kita ng almusal, saka sinusundo kita diba manonood ka ng laro ko?" nakangiting sagot nito.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh kaya ayaw ko magpahatid eh, kukulitin mo ako eh. Tapos magiging tayo niyan tapos magbrebreak din tayo ang kulit kulit mo naman eh." iritadong sabi ko.
"Mahal sobrang advance mo naman mag-isip eh. Papasukin mo naman ako baka pwedeng makikape na."
"May choice pa ba ako! Sige pumasok ka na, mag-init ka na ng tubig diyan magbibihis lang ako."
Pumasok ako sa kwarto para kunin ang tuwalya ko ng makapaghilamos na. Sinulyapan ko muna si Cooper na kasalukuyang nilalagay niya sa plato ang dala niyang pagkain tinignan niya ako sabay ngiti inirapan ko nga ang aga aga masaya samantalang ako ang sakit ng buong katawan ko.
Pagkatapos ko maghilamos at toothbrush ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, ang gulo pala ng buhok ko sobra.
"Dami mo dala food ah." puna ko sa kanya pagdating ko sa mesa umupo na ako natimplahan na din niya ako ng kape. May dala siyang iba't ibang kakanin, may biko, sapin sapin, palitaw, kutsinta, puto at suman. May spaghetti with chicken din from jolibee.
"Baka kasi kulangin pag yung mga kakanin lang dala ko."
"So tinatak mo na sa utak mo na matakaw ako ganon ba?"
"Yes bawal magutom ang mahal ko."
"Ayssh tantanan mo nga yang mahal mahal na yan nakakakilabot"
"Ano gusto mo itawag ko sayo? Ikaw na lang magdecide."
"Ganda!"
"Oh" natatawang sabi niya, natawa na din ako.
"Angal ka?" nakataas ang kilay na sabi ko.
"Hindi ah, kaya lang gusto ko exclusive lang ung tawag ko sayo pwede ka naman kasi sabihan ng kahit sino na ganda eh. Gusto ko ako lang ang tatawag sayo ng ganon."
"Ay iba may pa exclusive, papaalala ko lang sayo hindi tayo ah at wala pa akong balak magboyfriend."
"Bakit naman? Hindi mo ba ako type?" humina ng konti ang boses niya.
Hindi ako nakasagot kaagad don ah, tinignan ko ulit ang kabuohan ni Cooper.
Matangkad check sa lola niyo yan.
Moreno check din sa lola niyo yan.
Matigas na muscles ay naku nakakapanghina.
Malakas ang appeal ng face niya mga seswa, may dalawa siyang mahaba na dimple sa magkabilang pisngi, gwapo naman si Cooper kaya medyo hindi ko bet.
Check naman siya pasok sa banga pero wititit na talaga ako sa mga ganyang klaseng lalaki, mapanakit kasi yang mga ganyan. Basta pogi mapanakit!
"Are you done checking on me mahal ko? Gusto mo ba tumayo pa ako para makilatis mo buong katawan ko?" naalimpungatan ako nang magsalita siya jusko nakatigtig lang ba ako sa kanya for few minutes?
"Tseee! Makakain na nga lang." binuksan ko na lang ang dala niyang jolibee at kumain na.
"Bakit hindi mo masagot ang tanong ko? Hindi mo ba ako type?"
"Hindi ko alam masyado ka kasing mabilis daig mo pa si flash kung makapagdeclare ng tayo na."
"Pwede naman yun, tapos araw araw na lang kita liligawan." napataas ang kilay ko na naman
"Bakit ako ba ang kinukulit mo? Anong meron?" curious na tanong ko. Natatawa lang siya sa tanong ko pambihira.
"Ang weird eh, you know diba normally mata ang unang makakakita sa isang tao. Pero ikaw you knock into my heart first inalog mo ang puso ko nang bumangga ka sa akin. May naramdaman akong kakaiba, dumeretso kagad sa puso ko eh."
Natameme ako sa sagot niya, ang cheesy po kasi mga seswa! Hala yung mga labi ko hindi ko napigilan napangiti ako. Agad kong tinakpan ang mukha ko shocks hindi ko alam ano ba to kinilig ba ako?
Nadine! Wag kang marupok!
Tumayo ako at kumuha ako ng tubig para malunok ko tong kilig ko. Na love at first bump ganern? Nakatatlong tubig ang lola niyo ayaw pa rin maalis eh.
"Mahal okay ka lang?" sinundan niya pala ako andito siya sa gilid ko.
"Oo okay lang ako, nalunok ko kasi ng buo yung balat ng manok." alibi ko.
Bumalik na kami sa mesa at kumain na lang ng tahimik, hindi na ako nagsalita. Pagkatapos kumain ay naligo na ako. Maaga ang laro nila Cooper ako naman 11am ang badminton ko tapos may pasok pa ako mamaya sa work kaloka.
Pagdating namin sa gymnasium madami ng tao, pinakilala ako ni Cooper sa mga ka-team niya.
"Girlfriend mo pala talaga siya tol?" tanong ng isa sa kateam niya.
"Yes." proud na sagot niya.
"Cooper don na lang ako sa mga ka-officemate ko uupo ah nakakahiya kasi dito wala akong kakilala."
"Sige okay lang hahatid na kita ah." hinawakan niya ang kamay ko naiilang pa rin ako pero kahit tanggalin ko naman lagi naman niya kinukuha.
"Wala man lang akong goodluck kiss mahal?" anito sabay nguso sa akin.
"Badluck kiss gusto mo? Suntukin ko yang nguso mo eh."
"Ang bait talaga ng mahal ko eh. Okay lang suntukin mo pero dapat gamit lips mo ah." nilamutak ko nga mukha niya masyadong makulit eh.
"Umalis ka na." pagtataboy ko sa kanya.
"Sige na mahal kahit sa cheeks lang, para lumakas ako."
"Aysshh ginawa mo pang energy drink tong pisngi ko sige na mabilis lang ah." nginitian niya muna ako then kiss me softly in my cheek nagulat ako ng niyakap niya ako sobrang higpit.
"Yan ang feeling ko ang dami ko ng lakas. Salamat mahal." patakbo siyang umalis tinatawag na kasi siya.
"Ay ibuh talaga ang ang lola Nadine niyo." pang-aasar sa akin ni Charlotte.
"Tsee wag mo ako ichismis ang aga aga."
"Woshoo ang aga aga may kiss sabay hug anong ganap?"
"Walang ganap okay?"
Nasa gitna na sila Cooper kalaban nila ang team nila. Pumito na ang referee to start the game. Nakita kong kumakaway sa akin si Cooper tinanguan ko lang siya nagulat ako ng mag flying kiss siya sa akin.
Nagsigawan ang mga katabi ko.
"Waaahhhhhh ang tamis." lakas ng sigaw ni Charlotte sabay alog alog sa akin.
"Nakakakilig gurl! Ang cute ng fafa mo Nadine." kinikilig na sabi ng kateam ko na si Monay.
"Tsee wag niyo nga ako inaasar."
Nagsimula na ang game, hindi ko inaasahan na ang bilis pala ni Cooper nakakailang minuto pa lang pero mostly ng points ay galing sa kanya.
"Siya pala ang star player ng team nila friend." si Charlotte na kakagaling lang ng cr.
"Nachismis mo na kagad yun?"
"Oo naman may mga friendship ako sa company nila."
Hiyawan ang mga tao sa side nila Cooper ng makashoot siya ng 3 points, nagulat ako ng tinuro niya ako sabay nag flying kiss ulit.
"Inspired ang fafa mo Nadine, talo na tayo dahil sayo pasyal pasyal muna." aba tinataboy pa ako ng mga to'.
Natapos ang game 1 tambak kami 44 sila Cooper at 22 lang kami. Nilapitan ako ng coach ng basketball team namin.
"Nadine boyfriend mo ba yung center nila don? Yung number 16."
"Hindi po coach." agad na tanggi ko.
"Bakit lagi nakatingin dito, sayo." hindi ako makasagot.
"Mahal" speaking of andito na siya. "Punasan mo naman ako ng pawis please, hi coach." bati rin niya sa coach namin.
Napafacepalm na lang ako. Parang ako pa tuloy masisisi nito pag natalo kami.
"Galing ko mahal para sayo lahat yun."