bc

Pleasure Me, Uncle Eros (SSPG)

book_age18+
23
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
age gap
opposites attract
friends to lovers
badboy
gangster
heir/heiress
bxg
lies
addiction
like
intro-logo
Blurb

Para kay Luna ang gusto niyang kumawala sa liwanag na meron ang kaniyang pamilya. Sa edad na 25, hindi niya mahanap ang kalayaan sa buhay niya. Hanggang isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasilayan niya ang isang lalaking matipuno, puno ng tattoo ang dibdib, at malapit ng pumutok na tshirt nito dahil sa laki ng muscles nito ang pumukaw sa kaniyang atensyon. Tila ang kaniyang p********e ay nagising at tila namukadkad sa pagdating ng binatilyo. Ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang siyang sinampal ng tadhana ng malaman na ito ang ampon na anak ng kaniyang Lola, na siyang tinuturing ng kaniyang Ina na kapatid. Paano niya iiwasan ang kaniyang uncle Eros, kung sa maraming beses ng paglapit nila sa isa't isa ay pagnanasa ang kaniyang nadarama?

chap-preview
Free preview
01 LUNA
I stared at myself in front of the mirror. Nakasuot ako ng maayos na dress and need to prepare myself looking decent in front of our family. “Luna, baby are you ready?” Napatigil ako at napatingin sa pintuan. Am I ready? Mukhang hindi naman. Sadyang present lang ako dito dahil gusto nila mom na m9erong ipagyayabang sa mga kamag-anak nila. “Do I have a choice?” Tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay naglakad papalapit sa akin. “Yes, and your choice is to become the beautiful daughter of ours. And of course, para ipagmalaki ang narating mo.” Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Of course iyon ang pinakaunang rason bakit kami pupunta sa reunion na ito. “Magiging masaya ang lola mo once she knew na nandoon ka. Isipin mo iyon, meron na siyang pinakabatang architect sa pamilya.” This is not even my choice, it’s theirs, pero sinunod ko ang kagustuhan nila. “Hindi pa ako architect mom, hindi pa ako nakakapag-boards.” “Kahit na, it’s already an achievement. Hindi gaya ng iba na nanatili na lang sa pagiging, nasa baba. I know it’s hard for you to study, pero nakaya mo. As part of Montefalco.” “Mom we’re not Montefalco, Severano tayo.” “Kahit na, it’s still our name, kaya nga maging proud ka. Huwag kang gumaya sa ibang pamilya natin, na pariwara at puro lang kahihiyan ang dala dito.” Alam ko kung sino ang sinasabi niya, kahit hindi niya sabihin damang-dama ko kung sino iyon. It’s Eros or uncle. Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya dahil hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa. “Siya na nga ang ampon, siya pa ang may gana na maging pariwara.” Napatingin ako kay mom at kita ang inis sa mukha niya. “Kaya huwag mo itulad ang sarili mo sa kaniya, be a professional.” “Stop comparing me to him mom, ilang beses mo ng ginagawa ang bagay na iyan. Still sikat pa rin siya kahit na masama na ang reputation niya, he even got praised kahit na babaero siya.” “Exactly, kaya huwag mong i-associate ang sarili mo sa kaniya. Kung pwede lang tanggalin siya sa pamilya, matagal ko ng ginawa noon pa man.” Napahinga na lang ako nang malalim sabay napailing-iling. Alam ko na iyon ang dala-dala niya, nilang magkakapatid. “Let’s go. Baka hinihintay na tayo ng lola mo,” sabi ni Mom bago tuluyang tumalikod at lumabas ng kwarto. Napabuntong-hininga na lang ako. I took one last look in the mirror, smoothing down the edges of my dress. Perfect. I looked exactly like the trophy daughter they wanted me to be. Paglabas namin ng unit, ramdam ko agad ang pamilyar na ingay mula sa function hall ng Monte-Carlo Residences. This luxury condo complex has been our family’s generational property for as long as I can remember, and tonight, the penthouse was packed. Pagpasok pa lang namin, sumalubong na agad ang amoy ng mamahaling wine, ang tunog ng nagtataasang baso, at ang plastic na tawanan ng mga kamag-anak namin. “Sandra! Luke! At siyempre, ang pinakamagandang future architect natin!” Agad na lumapit si Tito Theodore, ang panganay na kapatid ni Mom. May hawak siyang baso ng scotch at malawak ang ngiti, pero kilala ko ang ngiting ’yan. Plastikan at may kasamang kalkulasyon. “Theo,” bati ni Dad habang nakikipag-shakehands. “Kumusta ang business sa Singapore?” “Going strong. In fact, my son, Kevin, just got promoted as a senior analyst there. High-yield accounts ang hawak,” pagmamalaki ni Tito Theodore, bahagyang itinataas ang baso niya. “Pero siyempre, iba pa rin itong si Luna. Pambato niyo sa sining at kalkulasyon, ’di ba?” “Of course,” Mom chimed in, leaning her hand on my shoulder. Ang higpit ng hawak niya, parang may invisible clamp na nagdidikta na dapat tuwid ang tayo ko. “She’s the youngest potential architect in the family. She graduated with honors, and the board exams will just be a formality for her.” Napakagat-labi ako. A formality. Ang daling sabihin para sa kanila, pero hindi nila alam ang mga gabing wala akong tulog at ang takot na bumagsak. “Mabuti naman kung ganoon,” nakangiting sabat naman ni Tita Elise, ang ate ni Mom, habang marahang lumalapit hawak ang isang mamahaling designer bag. “Kasi ang anak kong si Alyssa, kapapasa lang sa Medical Boards last month. She’s now a licensed physician. It’s a lot of pressure, you know? Hindi pwedeng magkamali sa pamilyang ito. Excellence is in our blood.” Habang nag-uusap sila, unti-unti akong umaatras. The air inside the hall felt heavy, suffocating even. Bawat usapan, bawat tawa, may kalakip na kumpetisyon. Akala mo may ongoing war kung sinong pamilya ang may pinakamasaganang buhay at pinakamatataas na achievements. Failure was not an option here. It was a sin. I grabbed a glass of champagne from a passing waiter’s tray and walked toward the edge of the hall. Nakita ko ang ilang mga pinsan ko sa isang couch na nagtatawanan, kasama ang ilang malalapit kong kababata, pero wala ako sa mood makipag-plastikan ngayon. I just wanted to drown out the noise. Nilagok ko ang alak sa isang inuman lang. Suddenly, the loud chattering in the hall died down. Coincidentally, the heavy double doors of the penthouse opened. Nalingat ang tingin ng lahat sa bagong dating. It was Eros. He was wearing a black button-up shirt with the top three buttons undone, exposing his collarbones and a silver chain. Gulo-gulo ang buhok niya na parang kakagising lang, at may nakasabit na jacket sa isang balikat niya. He looked completely out of place in this formal setup and he didn’t seem to care one bit. He looked wild, untamed, and effortless. Ramdam ko ang biglang pagbago ng timpla ng hangin. Tumingin ako kina Mom, Tito Theodore, at Tita Elise. Ang kaninang mga nakangiting mukha, biglang napalitan ng talas at disdain. Sila ang mga tunay na kadugo, pero kung tignan nila si Eros, parang isang malaking mantsa sa puting tela. But then, an old, fragile voice broke the silence. “Eros, irog ko! Nandito ka na pala.” Mula sa gitna ng hall, dahan-dahang tumayo si Lola mula sa kaniyang wheelchair, assisted by a nurse. Ang mukha nitong matanda na laging seryoso kapag kami ang kausap ay biglang nagliwanag. Eros smirked, a lopsided, charming smile that could melt anyone’s anger except his siblings’. Naglakad siya palapit kay Lola at hinalikan ito sa pisngi. “Happy anniversary, Mom. Sorry I’m late. Traffic sa EDSA, alam mo naman.” “Anong traffic? Baka galing ka na naman sa kung sinong babae mo,” pabulong na asik ni Mom sa tabi ko, pero sapat na para marinig ko. Ang higpit ng kapit niya sa baso niya. The party resumed, but the tension was already at its peak. Maya-maya lang, nang magsimula ang hapunan at maupo ang lahat sa mahabang lamesa, hindi na nakatiis si Tito Theodore. Nag-angat siya ng boses habang nakatingin kay Eros na prehong kumakain sa dulo. “I heard your name came up again in the news last week, Eros. Ang gulo na naman ng bar na pinapatakbo mo sa BGC. May gulo na naman daw dahil sa mga babae mo?” seryosong saad ni Tito Theodore, ibinababa ang kubyertos niya nang may tunog. “Theo, stop it. We are at a celebration,” saway agad ni Lola, halatang pinoprotektahan ang paborito niyang anak. “No, Ma. Kailangan niyang marinig ito,” dugtong naman ni Tita Elise, sumasali na sa krusada. “He’s running a business funded by the family, tapos ang dinadala niya sa atin ay puro kahihiyan at bad image. Sikat nga ang pangalan niya, pero sa maling dahilan naman.” “He is still your brother,” matigas na sabi ni Lola. “Ampon, Ma. He’s an adopted brother,” malamig na pagtatama ni Mom. “At masakit lang isipin na kaming mga tunay mong anak, nagpapakamatay para mapanatili ang dangal ng Severano at Montefalco, habang siya, ginagawa lang tayong katatawanan sa publiko.” Eros didn’t even flinch. He just chewed his food calmly, swallowed, and took a sip of his wine. He looked around the table, his gaze lingering on me for a split second before looking back at his step-siblings. He let out a low, amused chuckle. “Kung naiinggit kayo sa atensyon na nakukuha ko, sabihin niyo lang. I can give you some tips,” Eros said, his voice dripping with arrogance and mockery. “Huwag niyo namang sirain ang gabi ni Lola dahil lang sa insecurity niyo.” “You piece of—” Tito Theodore stood up, bago pa lumala ang eksena, hindi ko na kinaya. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi na nakakaginhawa. Pataas nang pataas ang emosyon sa loob ng kwarto, at pakiramdam ko ay sasabog ako kung mananatili pa ako roon. Dahan-dahan akong tumayo mula sa upuan ko nang hindi napapansin ng mga magulang ko na abala sa pakikipag-talo. I quietly slipped out of the function hall. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang rooftop button. Kailangan ko ng hangin. Kailangan kong makahinga. Pagdating ko sa rooftop, sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng gabi at ang nagtataasang skyscrapers ng siyudad. Lumapit ako sa railings, hawak pa rin ang isang baso ng alak na kinuha ko bago lumabas. I let out a shaky breath, tears of frustration threatening to fall. Why does it always have to be like this? Bawat galaw ko, bantay-sarado. Bawat milestone, kailangang ikumpara. Mapapasa ko ba ang boards? Paano kung magkamali ako? Mapapariwara din ba ako sa tingin nila gaya ni Eros? “Fvck this life,” I muttered under my breath, bago inumin ang natitirang alak sa baso ko. I felt so alone, carrying the weight of expectations that weren’t even mine to begin with. “You know, it’s bad for a pretty girl like you to curse alone in the dark.” Napatigil ako. Agad akong lumingon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Eros na nakasandal sa may pintuan ng rooftop. may hawak din siyang bote ng alak. Gulo pa rin ang buhok niya, pero may kakaibang kinang sa mga mata niya sa ilalim ng liwanag ng buwan. Wala akong sinabi. I just stared at him, my heart beating slightly faster from the shock. Eros walked closer, stepping up beside me at the railing. He took a long swig directly from his bottle, letting out a satisfied breath before laughing softly. “Ano, stressful ba ang nangyari sa baba?” Tumingin siya sa akin, ang pilyong ngiti ay bumalik sa mga labi niya. “Just fvck it out, Luna. Huwag mo silang seryosohin.” Nairita ako sa tono niya. Narito ako, nasasaktan at naguguluhan, tapos siya, tinatawanan lang ang lahat. “You think this is funny?” I snapped, rolling my eyes at him. “Babaero na nga, manyak pa. Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa lahat ng bagay? Isang malaking biro?” Natawa si Eros nang mas malakas, napailing-iling siya habang pinagmamasdan ako. Lumapit pa siya ng isang hakbang, reducing the space between us. I could smell the rich scent of his expensive cologne mixed with the bitter aroma of alcohol. “Wow, high defense mechanism,” he teased, his voice dropping into a low, playful cadence. “Told you, kung stressed ka, may outlet ka na dapat paglabasan. Masamang kinikimkim ’yan.” He leaned down slightly, focusing his intense gaze on my face. “Bakit, hindi mo ba alam kung paano mag-release ng stress? Oh, wait...” Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mukha niya habang tinititigan ang reaksyon ko. “Don’t tell me... virgin ka pa?” pabulong na asar niya, tila ba tinitingnan kung hanggang saan ang pasensya ko. Ang dugo ko, biglang umakyat sa ulo ko dahil sa naririnig ko. Bago pa siya makalayo, mabilis kong iniabot ang kamay ko at marahas na hinawakan si Eros sa kwelyo ng kaniyang polo shirt. I pulled him down roughly, forcing him to look straight into my eyes. Ang distansya namin ay ilang pulgada na lang, ramdam ko ang mainit niyang hininga sa mukha ko. “Huwag mo akong subukan, Eros,” may panginginig pero matigas kong banta, habang nakatitig sa mapanuring mga mata niya. “Lumalaban ako. Hindi mo ako katulad.” Instead of being threatened, Eros didn’t even try to remove my hand from his collar. His eyes darkened with sudden interest, and a slow, wicked smirk spread across his lips. “I like that,” he whispered, his voice dangerously low. “Let’s see how long you can fight, then.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
311.8K
bc

Wife For A Year

read
74.2K
bc

My Cousins' Obsession

read
197.4K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
70.1K
bc

His Six Months Rule

read
34.5K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
289.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook