5: After years of seclusion

1281 Words
Third Person POV Sa limang na taong lumipas ay hindi rin lumabas sa mansyon ang batang si Huazen, madalas ay sa silid nya lang ito o kaya ay sa library, walang nakaka alam sa kung ano ang ginagawa ni Huazen sa araw araw Tila wala siyang existence sa mundo, ni hindi na siya nakikita man lang ng kaniyang pamilya, kahit na sa iisang bubong lang naman sila nakatira, at ngayon ay labing isang taon na ang batang Huazen Walang sino man ang makapagsabi kung anong kalagayan ni Huazen, dahil kahit kaarawan nito ay hindi nila ito mahagilap, hindi ito lumalabas ng silid at ayaw nitong maistorbo, lalo na kung hindi naman naka-kainteres ang sadya ng sa kanya ay naghahanap Pati ang mga taong nakakakilala sa kanya ay halos nakalimutan na ang kanyang pag-iral sa mundo bilang isang indibidwal, kumalat din ang balita sa mga mamamayan na baka pumanaw na ang batang Huazen dahil sa sakit nito "Young master, ito na po ang pananghalian mo" saad ng damang si Jen "Put it on my bedside table" tugon ng labing dalawang taong gulang na si Huazen Sinunod ng dama ang utos ng amo at agad ding nilisan ang silid dahil ayaw ng young master nito na naiistorbo ito o kaya ay may ibang taong kasama sa kanyang silid "What to do next?, I have read all the books I need in the library and I'm getting bored" saad ni Huazen sa sarili Kumurba sa labi nito ang isang ngise ng may maisip ito, kumain ito at nang matapos ay ipinaligpit sa dama ang kanyang pinagkainan, pagkaalis ng dama ay binilinan nya ito na ayaw nyang maistorbo Naunawaan ng dama ang nais ng amo at tumango ito bilang tugon sa utos ng batang amo, bakas sa mukha ni Huazen ang galak na may bahid ng nakakakilabot na mumunting ngiti sa labi Nagbihis ang batang Huazen, ang suot nito ay lumang kasuotan na may mga punit sa ilang bahagi, may mga tagpi din ito kaya nagmukang pulubi ang batang Huazen, kinuha nito ang isang kulay lupa na roba Nababalot ng kulay lupang roba ang kabuuan ng batang Huazen hangang paa, isinuot nito ang talukbong ng roba kayat pati ang mukha ay hindi na makita ng buo Naitago ng kasuotan ang tunay na katauhan ng batang Huazen, nagtungo ito sa bintana ng kanyang silid at mula roon ay tumalon pababa sa lupa, oras ng palitan ng mga gwardya, kaya naman wala ang gwardya na naka destinong magbantay sa tapat ng kanyang silid Tahimik na umalis ng bakuran ang batang Huazen at nagtungo sa kapitolyo ng kaharian, inabot siya ng dalawang oras sa paglalakbay dahil kinailangan pa niyang makasiguro na tama ang daang kanyang tinatahak sa tulong ng isang mapa Isang maingay na pamilihan at maraming tao sa paligid ang bumungad sa batang Huazen, Sensitibo ang kanyang pandinig ngunit wala siyang nagawa kahit na ayaw nya sa maingay Sa isang tindahan ng mangangalakal ay pumasok siya, malaki ang tindahan at sakto lang para sa mga gamit na itinitinda rito, karamihan ay sandata, kalasag, supot(bag), at mga kasuotan May ilan ding tinda na pang personal na pangangailangan ng tao tulad ng sabon, pabango at iba pa.Tinungo ng batang Huazen ang pwesto ng nagtitinda upang magtanong, iyon lang naman kasi ang sadya nya "Where can I buy a house and lot? " Agad na tanong ng bata "Oh!,we have here, pls wait and I'll show you some available property" tugon ng babae Napansin agad ng batang Huazen ang pagka bihasa ng dalaga sa wikang ingles at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng dalagang nakatalikod, napagtanto ni Huazen na hindi ito trabahador kundi ay anak mismo ng may ari ng tindahan Isinawalang bahala nya na lang ito at pinagtuunan ng pansin ang nais niyang gawin, bumalik ang dalaga na may dalang ilang papel na hawak, ito ang mga papel kung saan nakaguhit ang itsura ng mga tahanan Ang iba ay maliit at ang iba ay sobrang laki, hanggang sa makuha ng atensyon ni Huazen ang isang bahay, katamtaman lang ito at hindi kalayuan sa Centro ng kapitolyo Tamang tama ang lugar para sa negosyo na naisip ng batang Huazen, sinamahan sya ng dalaga na tignan ng personal ang mga lugar at ito lang talaga ang kanyang nagustuhan Walang pagdadalawang isip na binili ng batang Huazen ang bahay at lupa, nang makuha ang mga kapapelan nito ay agad din siyang umalis sa tindahan, sunod ay bumili siya ng wagon at kabayo na hihila sa wagon. Matapos ay sinimulan na ng batang Huazen ang pagbabago sa lumang bahay na nabili...... After a few hours of renovation with the use of magic, natapos ang batang Huazen sa pagbabago sa lumang bahay na nabili, malinis na ito, maayos at maganda ang bahay, mas malaki na rin ito kung ikukumpara sa lumang bahay na binili nya Malawak ang yard sa gilid, harap at likod ng bahay, kaya balak nya itong taniman ng mga halaman, gulay at prutas na gusto nya, isang kainan ang naisip ng batang Huazen na gawing negosyo, o sabihin na lang nating libangan ng batang Huazen Matapos igugol ang higit pitong oras sa ginawa ay napagpasyahan ng batang Huazen na bumalik na sa mansyon nang mga magulang kung saan siya nakatira Sa too lang ay hindi niya gusto ang manatili sa tahanang iyon dahil sa inang lagi na lang syang pinag-iinitan at sa amang parang wala namang pakialam sa ibang bagay bukod sa trabaho at posisyon sa kaharian. Nang makarating ang batang Huazen sa tahanan ay muli itong dumaan sa bintana ng kanyang kuwarto, walang nakapansin sa kanyang pagalis at pagdating, liban sa isang taong ilang araw na siyang binabantayan Hindi lingid sa kaalaman ng batang Huazen ang pagpapabantay sa kanya ng kanyang ama, ngunit hindi siya nasusundan ng inatasan ng kanyang ama sa oras na makalabas siya sa bakuran, nalalaman lang nito na umaalis siya at dumadating, ngunit hindi nito nalalaman kung saan siya pumupunta at ano ang ginagawa niya sa labas ng tahanan Sinisiguro ni Huazen na hindi malalaman ng ama ang kanyang mga pinag gagagawa sa labas ng tahanan ng pamilya Vuerer " Master, naririto na po ang iyong hapunan" katok ni Jen sa kanyang pintuan " Come in" tugon ni Huazen Pumasok si Jen sa silid dala ang tray ng pagkain ni Huazen, tahimik nitong inilapag sa bedside table ang tray "Master, Paalala po ni Lord Hawyen na pumunta ka sa opisina niya bukas ng maaga" Saad ni Jen Tumango si Huazen bilang tugon kaya umaalis na ang damang si Jen Napabuntong hininga si Huazen bago tumayo, mula sa kanyang study table ay tinungo ang bedside table saka kumain, nang matapos ay kinuha niya ang pinagkainan at inilagay sa labas ng pintuan ng silid Naupo si Huazen sa kanyang single sopa at saka nagpalabas ng mahika sa kanyang mga palad, sa kanyang harapan ay until unting nabuo ang isang manika, kamuka niya ito saan mang angulo tignan Matagal nang balak ni Huazen na gumawa ng isang doll clone, matagal na niya itong pinag aralan dahil alam niyang dadatinng ng araw na kakailanganin niya ito, dumating na nga ang araw na iyon Kaya lang mayroon siyang problema, ang doll clone ay hindi kanyang imimik ang ugali ng master, kaya ang doll clone na nagawa niya ay may kaunting pagkakaiba sa kanyang tunay na ugali Ang tunay na Huazen ay tahimik, mahilig magbasa at may kabaitan, habang ang clone ay magsasalita kung kailangan, ang hilig nito ay hindi pagbabasa kundi ay pagpipinta, masyado rin itong pranka at pilosopo Ang katangian ng doll clone ay ang mga lihim na katangian ni Huazen, isang split personality ang doll clone kaya ang ugali nito ay ang other side personality ng tunay na Huazen.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD