Unang Kabanata

5000 Words
"Nakita ko ang picture mo doon sa friends list ng ate ko, pero bakit ang bata mong tignan" natatawang tanong ni Alfred sa noon pa lang ay kaka accept na request ni Lea. " Ah kasi me filter yan" sanay na ako sa ganyang tanong, "Sayang naman ang filter kung hindi natin gagamitin ". Noon madali lang ako bolahin, pag medyo cute tapos mukhang mabait kinakausap ko agad. Noon yon, nung hindi ko pa alam kung ano ang tutuong pakay nila sa akin.Natuto akong bumasa ng ugali ng ibat ibang klase ng tao. Sa boses at pananalita nila, sa facial expression at lalo na sa galaw at tunay na intensyon nila. Isang kakayahang waring Isang regalo at sumpa. " Pede ba tayo magkita?" sabi niya kay Lea, kaso lang hindi rin ako ganyan kagwapo sa personal. "Mabuti yun it's a tie", pabirong banggit ni Lea sa ka chat nya na nakakabatang kapatid ng klasmeyt nya. " Tignan ko kung uubra kasi madami din ko lakad next week" palusot ni Lea na noon ay hindi pa sigurado kung ano plano niya." Hay " sa isip nya kakatapos nga lang ako lokohin ng ex ko eto meron na uling kasunod".Pero paano nga ba natin malalaman kung hindi natin susubukan . Sabi niya sa sarili, edi kung hindi tutuo move on. Mukha lng siyang uto uto kasi madali siyang maniwala, me tao kasing tingin nila mabuti ang pakay ng kapwa nila sa kanila. Kahit ang daming red flags. Naalala niya tuloy kung paano niya nagawang magtiwala ng husto sa salitang kasal. Natatawa na lng siya ngayon pero dati hindi niya mapulot ang sarili dahil sobrang nagkalasog lasog ang piraso ng pagkatao niya pagtapos niya magtiwala sa tatay ng anak niya. " Ano ka ba naman uso na yan ngayon. Kaya nga me benefit na ang single parent di ba. Pag eenganyo ng kaibigan nyang positive thinker na ginawang trend ang pagiging hiwalay sa asawa. "Kahit pa kawawa naman ang mga bata." Hahaha" malakas ang tawa ni Emily, yung kaibigan ni Lea mula pagkabata nya. Narinig niya kasi ang usapan ng mag ina kanina. "Ano ka ba Ma move on na, kung ayaw na sayo tanggapin mo na". Tapos bata pa rin ang idadahilan mo. "Ok cge, Sabi ko nga ganyan talaga ang buhay, ibigay mo kung ano makapagpasaya sa iba, kasi di nga ba maikli lang ang buhay kaya hindi kelangan maging killjoy. Sa ngayon kelangan alam mong kumbinsihin ang sarili mo na kaya mo. Ika nga mindset. Pag kaya mo kontrolin Ang emosyon mo sa mga nakakadismayang sitwasyon. panalo ka. Pumunta si Lea sa me durungawan at itinuro niya Ang babaeng nakaupo sa malapit sa tindahan ni Aling Nena. " Malungkot siya ramdam ko". malakas na tawa ang iginanti ng kaibigan si Emily sa kanya. "Eh paano mo naman nalaman eh kita mo nga nakangiti". Malalim na buntong hininga bago nya sagutin ang tanong ng kaibigan. "Nararamdaman ko kasi". magkahalong awa at pagtataka ang makahulugang tingin na ibinalik ni Emily kay Lea. "Kumain ka na ba?", baka kasi gutom ka lng.tara kumain ng lomi doon sa me tindahan ni Aling Nena tapos itanong mo na din doon sa babae kung talagang malungkot siya, pabirong wika ulit Ng kaibigan niya. Matipid na ngiti ang ibinigay ni Lea. "Sige na nga". Habang papalapit sila napansin ni Lea ang blackeye sa mata ng babae. Hindi rin nakaligtas yun sa mapanuring mata ng kaibigan niya. "Sabi ko na sayo, mukhang me problema yung babae na yan", sinaktan yan ng jowa nya.paliwanag ni Lea ." Haiist, eh judger ka pala". ngisi ni Emily parang nanunuya at wariy inis sa kaibigang lagi na lng nauuna sa storya. "Martha" Sabi ko na nga ba andito ka lang." sigaw ni Ka Iska, nanay nung babae na me blackeye. Ano ginulpi ka na naman ni Obet, bat kasi hindi mo pa iwan yang boyfriend mo na yan", Shhhh, pagpapatahimik na tugon ni Martha sa kanyang nanay sabay tayo para makaiwas sa sermon at kahihiyan. Nagkatinginan Ang mag kaibigan at hindi maiwasan humagalpak ng tawa sI Emily dahil tumpak na naman ang hula mg kanyang kaibigan . Habang nakatingin naman si Lea sa kaawa awang babae. " Naka tsamba ka don Lea, sabagay experience is the best teacher" makahulugang tingin ang ibinigay ni Lea sa kaibigan niya habang humihigop ng softdrinks na ka partner Ng lomi ni Aling Nena. Gabi na pero hindi pa rin makatulog si Lea, tinitignan niya Ang litratong Padala ni Alfred sa kanya. "tutuo Kaya ito?, para naman artista, siguro hindi na lang ako magpapakita., sa isip niya mas tahimik pa nga ang buhay pag sarili at anak lang ang iispin nya". Masakit ang karanasan niya sa pag aasawa, yung nagtiwala at nag mahal ka ng tutuo, pero ipagpalit ka sa iba ay nakakatakot ng ulitin. Pilit niyang ikinubli ang kalungkutan sa mga ngiti at biro dahil walang salita ang pedeng ihambing sa sakit ng pagtataksil ng taong lubos mong pinagkatiwalaan. Hindi namalayan ni Lea ang unti unting pagpatak ng luha niya kasabay ng parang imahe ng alaala na biglang gumuhit sa kanyang isipan. Pitong taon na pala ang nakakaraan. " Ikaw po ba ang girlfriend ng asawa ko" ? Chat niya sa messenger sa babaeng nagbigay ng pera sa kapatid ng asawa niya para makalabas ito ng kulungan. Kahit nakaka bobo na tanong inisip niyang magpaka totoo. Ilang araw na pero kahit seen hindi binasa ng may ari ng account ang chat. Lumapit si Lea sa me durungawan at inaliw ang sarili sa bilog at maningning na buwan. Malamig ang hangin, at ang tunog ng dahon sa puno ang tanging ingay na naririnig niya sa paligid.Unti unting napapikit ang mga mata ni Lea ng hindi nya namanalayan at pinahinga ang pagod na katawan at isip habang umaasang magiging mabuti rin ang lahat. Ang tilaok ng tandang ang nagsilbing hudyat ng bagong unaga. Umagang puno ng pagasa at pagpapasalamat. Inunat ni Lea ang mga braso habang pinipilit imulat ang mga mata. Papasok na ulit siya sa trabaho, tanging pinagkakitaan niya na pangtustos sa lahat ng gastusin. Dali Dali siyang bumangon para magluto ng almusal, Ng tignan niya ang oras sa celfon niya tumambad ang sunod sunod na message mula kay Alfred. " Good morning, kumain ka na" tanong ng gwapong ginoo , kalakip ng mensahe ay ang picture nya habang nagaalmusal. Hindi maiwasan ni Lea ang mapangiti dahil napaka cute ng lalaki. Tiia ba ay myembro ng boy band na nagpakilig sa kanya. Sa isip ni Lea, bakit sa edad na 45 parang hindi tumanda si Alfred. " Hindi pa po, kakagising ko lang". hindi mapigil ni Lea na mag reply na parang naenganyo na siyang sakyan ang trip ng binata. Kinuha niya ang earphone kinabit sa celfone sabay nag browse sa f*******:, habang patungo sa kusina. Tinignan niya muli ang chat ni Alfred pero hindi pa ito nag rereply. "Magluluto pa lang ako ng almusal". Binuksan ni Lea ang ref kumuha ng bacon at itlog saka nilagay ang kawali sa lutuan. Good mood siya bigla, meron talaga mga taong kahit hindi nila batid nagagawa nilang magbigay saya sa ibang tao.Hindi niya maipaliwanag pero sa matagal na panahon, ngayon niya lang ulit naramdaman ang kiligin. Pag lingon niya sa fon nya meron ulit message galing kay Alfred. "'Anong ulam mo?". Napatawa ng maglakas si Lea dahil parang bata ang nagtatanong sa kanya. "Hulaan mo".sagot niya. Nagpadala ng picture ng hotdog at itlog si Alfred bilang sagot sa tanong niya. "Mahilig ka ba sa ganyan?". Hindi maalis sa isip ni Lea na parang double meaning ang gustong ipahiwatig ni Alfred sa kanya. "Hindi, ayaw ko na sa ganyan", sagot ni Lea. "Nakakalungkot naman ang sagot mo", pero me laughing face sa dulo ng reply ni Alfred. Hahaha, send pa ulit ni Alfred sa kanya na parang nanunuya. Hindi alam ni Lea kung mao offend ba cya o matatawa lang. Pinicturan na lang ni Lea ang bacon at itlog sa kawali." Kain tyo". sabay alok sa ka chat kahit alam naman niyang impossible makapunta don si Alfred para saluhan siya sa breakfast niya. "Eat well". reply back naman ni Alfred sa kanya sa isip ni Lea parang me mali kay Alfred, na parang babae ang nag chachat sa account nito. Hmmm. kasi kung lalaki yun, hindi ganon ka sweet. Naisip niya ikumpara kung paano Sila dati mag usap ng ex nya as fon. Diretso halos walang paligoy ligoy. Madalas tungkol sa anak nila ang pinaguusapan nila. Bayad sa bahay, tubig ,internet at kuryente. Walang I love you o I miss you. Usap na tungkol lang sa obligasyon pinansyal ng padre de pamilya. Dahan dahan niya ninamnam ang simpleng umagahan na niluto niya. Kelangan niya ng magmadali at baka ma late pa siya. Isang sakay ng jeep mula sa pinagtratrabahuhan niya, dalawang oras na lang ang natitira at maliligo pa siya. Sinilip niya ang anak sa kwarto habang mahimbing pa itong natutulog. Umorder cya ng pagkain sa Foodpanda dahil pihikan ito at hindi basta kumakain ng lutong ulam. Mas gusto ni Ron sa fastfood. Binata na ang kaisa isahang anak nila ng ex husband niya na sumakabilang bahay na. Matagal na ring panahon na hindi sila nito nagkikita at tinanggap niyang meron talagamg mga taong makikilala natin pero hindi makakasama ng habang buhay. Kahit pa nga kasal pa kayo, ganon talaga ang buhay. Tinungo ni Lea ang banyo para maligo, nagmanadali gumayak para hindi ma late sa opisina. Nag ring ang fon at sinagot ang tawag ng rider na nag aabang sa labas ng bahay nila. " Bale 180 po lahat" Sabi Ng naka pink na rider habang iniabot ang inorder niyang pagkain sa KFC. Nag bigay ng 2 one hundred peso bill si Lea at ang 20 ay tip nya sa rider na medyo pawis na dahil mainit ang panahon. Bahagyang tinapik ni Lea ang anak sa braso para gisinging.. "Ron aalis na po Ang mommy" sabay abot ng pagkain at Isang daang pisong baon nito sa skul. Na text ko na po ang service mo at susunduin ka niya ng alas onse" , huwag po magpapa late sa skul. " Sabay kiss niya sa noo ng anak, na bahagyang tumang tango tanda na naiintindihan niya ang instructions ng ina .Nagmanadaling lumakad patungo sa pila ng jeep puntang Ayala si Lea. Tulad ng dati milya milya na ulit ang pila bago siya makasakay ng jeep. Pagtingin niya sa fon sunod sunod na message ulit ang tumambad sa kanya. " Musta,.asa opis ka na ba?" tanong ni Alfred. Pinicturan ni Lea ang mahabang pila ng mga taong papasok sa opis na kapareho niya rin ay matyagang nag aabang. "Grabe naman yan, parang concert ni Taylor swift hahaha. " chat ni Alfred na nag pakunot sa noo ni Lea. " Fan ka ba ni Taylor Swift' medyo taka si Lea dahil bukod sa 45 years old na si Alfred ay barako pa ito. hmm, napaisip ulit siya, mabuti na lng nagpadala ng picture si Alfred na me hawak na poster ni Taylor, para kumbinsihin si Lea na siya talaga ang kausap nito. Hindi mapigilan ni Lea ang mapahagalpak ng tawa ngunit t sa lakas ng tunog Hindi maiwasang napatingin lahat ng nasa pila malapit sa kanya. Nginitian niya ng bahagya yung mga nakamasid sa pila para ikampante sila na okay lang siya Sa isip ni Lea bakit kaya naagtataka ang ibang tao kung tumaawa siya mag isa, Basta naman hindi nanakit dapat ayos lang. Sa wakas png lima na siya sa pila. Medyo ngalay na din siya pero parang hindi niya ito naramdaman kasi impit ang tawa niya sa mga joke ni Alfred na bentang benta sa kanya. Pag ka upong pagka upo ay nag send siya ng selfie patunay na nakasakay na siya ng jeep at sa wakas ay makakarating na sa opisina. Pigil ang tawa ni Lea lalo na ng namalayan niyang 2 kanto ang nalagpasan niya dahil sa pakikipag chat Kay Alfred. Panay naman ang padala ng laughing emoji ni Alfred at gif na merong tumatawa "Pede ba kitang I call", baka kasi hindi ikaw yan, pabirong sabi ni Alfred. Kahit hindi pa nakasagot si Lea ay tumunog agad ang fon niya. " Hello, musta ka". natawa si Lea dahil sa sobrang distinct ng puntong Batangueno ni Alfred. "Ayos Naman, eto sasakay na ako sa elevator kaya baka hindi mo na ako marinig.". Pede ba kita tawagan mamayang lunch mo?", para matanong ko sayo kung kumain ka na ?Nagkatawanan ang dalawa sabay nag pagpaalam na sa isa' t Isa. "Siya cge na at akoy mahuhuli na sa trabaho." bahagyang nakaramdam ng lungkot si Lea pagkatapos niyang patayin ang fon. Sa matagal na panahon, ngayon lang ulit meron nakapag patawa sa kanya ng ganon. Matagal ang oras at pasulyap sulyap si Lea sa kanyang relo. Hindi niya masyadong mapagtuunan ng pansin ang mga tanong ng customer na tumatawag sa telepono. Paulit ulit niyang tinatanong ang customer kung ano nga ba Ang dahilan.ng pagtawag nila. Nagulat na lng siya ng me tumapik sa likod niya. "Log out" nakaismid na sigaw ng team leader dahil naka barge pala ito at nakikinig sa calls niya. "So ilang beses mo nga ulit tinanong yung pangalan at date of birth ng customer mo?" , tapos hindi ka pa nakuntento, pinaulit mo ulit yung reason ng pagtawag niya ng 3 beses." nanlilisik ang mata ng boss ni Lea sa inis sa kanya. Pakipaliwanag please? Alam ko malapit ka na mag senior citizen, pero hindi ka naman ganyan last week.'. Napabuntong hininga na lng si Lea, sabay taas ng kanang kamay, " promise last na to, meron lang kasi akong iniisip.'. Hayyst alam ko madami kang bayarin, pero wag ka dito magisip ng ganyan., kung anong problema mo sa bahay iwan mo don pag pasok mo sa trabaho.". panguso nguso ang visor ni Lea habang padabog na umalis, sabay turo na bumalik na siya sa upuan niya. Sinulyapan muna siya ng visor niya bago bumalik sa station nito. Nakangiti si Lea, habang naka tingin sa kisame. " Ano kayang nangyari dito Kay Lea, parang Ewan, cguro nakulam ito o nagayuma" kwento ng team.leader niya sa katabing ka teammate nito " Hahaha, sabay nagkatawanan na lang ang dalawa sa tila joke pero pwedeng tutuong obserbasyon ng visor". Lunch time na at dali daling pinuntahan ni Lea ang locker niya kung saan nakatago ang bag. Excited na binuksan ni Lea ang bag niya para kunin ang celfon sabay upo sa tabi ng kaibigan niyang sarap na sarap na kumakain ng baong lunch. "Anong niluto mo Lea", Wala, bibili na lng ako mamaya dyan sa nagtitinda ng ulam. "Eh bakit ndi pa ngayon, baka maubos na yun". Parang walang narinig si Lea sabay check kung meron bang text na pinadala si Alfred sa kanya."hmm. medyo malungkot at dismayado kasi yung last message ay nung nakasakay pa siya ng jeep. "Hoy, kumain ka na". pagpapaala ni Dhez , yung close friend niya sa opis. Mauubos na yung tinda sa canteen, sabay tayo sa upuan dahil ma lalate na din siya." Una na po ako sayo", magalang na paalam ni Dhez na halos 20 taon ang agwat sa edad niya. Tunango tango si Lea, bilang tanda ng pag sang ayon sa kaibigan. Sige, mamaya na lang ulit tayo mag usap. Tipid ang ngiti ni Lea, dahil dismayado siya na hindi siya naalala ni Alfred. "Pare pareho lang talaga ang mga lalaki, paasa, "sa isip ni Lea nag trip lang siguro ang damuho. Mas focus na siya ng bumalik sa upuan pilit inalis sa isip niya Ang posibilidad na baka sakali merong tutuong magmahal sa kanya. Mahirap kasi siyang mahalin.Meron kasing taong ganon, siguro kasi bukod sa ndi naman siya kagandahan, me edad na din siya , 46 ay parang Lola na. Sa isip niya ndi na bagay ang kilos at nararamdaman niya sa ganitong edad. " Congrats, Paul kaw na ulit siguro Ang ippadala sa Australia', napatingin si Lea sa grupo ng talobatang kasamahan niya sa trabaho." Salamat" sagot naman ni Paul sa maagang pagbati ng mga ka opisina niya. Isa sa reward na binibigay ng kumpanya ni Lea sa top performers ay ang pagpapadala nito sa Australia. Kahit hindi niya ito inaasahan meron pa rin pag asam na baka sakali balang araw isa siya sa maipadala Ng kumpanya para magbakasyom sa Australia. Tutuong mababait at palakaibigan ang mga Australian bagay na naghikayat kay Lea na mag stay ng matagal na panahon sa ganong larangan , syempre bukod pa sa morning shift , dahil hirap na rin siya sa pang gabi. Parang multong nakalutang ang pakiramdan ni Lea nung ilang beses niyang subukang mag night shift. Meron mga taong sanay na sanay na sa pang gabing trabaho pero hindi siya kabilang diuon. Pag labas na pag labas ng elevator biglang tumunog ang fon ni Lea. " Musta ang trabaho, nakarami.ga ng benta?" , pangungumusta ni Alfred na nagpa ngiti at nagpalukso sa puso ng dalaga. "Konti lang", tipid na sagot ni Lea sa kausap dahil hindi niya masabi na magulo ang isip niya dahil si Alfred ang laman nito. Minsan nakakainis yung pakiramdan na ang daling mahulog ng loob niya sa Isang tao, kahit pa nga alam naman niya na hindi naman tutuo sa kanya ang mga ito. Hangang sa paglabas ay kausap niya si Alfred ,nakamasid ang mga ka opismate niya na tila ba aliw na aliw sa nakakaintrigang eksena. "Sino kayang kausap ng Lola mo?'. bulong ni Andrea kay Dhez, sabay silang natawa sa pagtawag niya ng lola kay Lea. Kumaway at tumango si Dhez para ipaalam na lalakad na siya palayo sa kabilang street kung saan siya sasakay ng jeep. Bahagya na rin binagtas ni Lea ang kabilang kalsada habang patuloy pa rin ang tawa niya sa nakaka aliw na usapan nila ni Alfred. Hangang sa nakasakay na siya ng jeep ay magkausap pa rin silang dalawa. Baba na ako ng jeep, magluto ka na muna ng hapunan .niyo" Paalam ni Lea, dahil me Isang oras na silang magkausap ni Alfred mula opisina hanggang makauwi sa bahay. " Bakit mo naman ako pinagtatabuyan" pabirong sabi ni Alfred, " Ngayon pa lang tayo nagkakakilala ng mabuti eh". Nangiti lang si Lea dahil Ang tutuo kahit buong araw man sila mag usap masaya siya kasi si Alfred yon. Minsan meron mga usapan na wala naman ng kwenta talaga, tulad ng ano ang dahilan bakit galit ang aso sa pusa, basta lang me mapagusapan para lang marinig ang boses ng taong hinahangaan mo o minamahal. " Hindi mo ba ako pipigilan, haha kasi ibaba ko na ang fon", pabirong Sabi ni Alfred, " Goodnight" wika namn ni Lea na desidido Ng tapusin Ang usapan na tumagal Ng mahigit 2 Oras. Ganon talaga sa una,marami pa kayong gustong malaman sa isat Isa. Excited kyong tuklasin kung ano ang pagkakaiba o pagkakapareho nyo sa sa isat Isa. Merong mga relasyong tumatagal ng dekada pero meron din panandalian lang. Parang umusok Ang tenga ni Lea sa tagal na nakalapat sa fon, nauhaw din siya sa kakatawa sa mga jokes ni Alfred, iyon pa naman ang weakness niya, mga lalaking kwela at magaling magpatawa Ipinagluto ng spam ni Lea ang anak niya na nuon ay busy sa pag gawa Ng homework. " Kain ka muna Ron", sumulyap lng Ang binata sabay sarado Ng librong binabasa niya. Mabait at magalang si Ron, para Kay Lea siya ang dahilan kung bakit siya lumalaban sa hamon ng buhay. Hindi madaling maging single mom, kahit pa nga nagbibigay ng financial support ang ama sa anak nila, hindi naman yun lang ang kelangan ng bata. Ganon pa man natutunan na ni Lea maging mapagpasalamat sa kung ano mang blessing Ang dumarating sa buhay nila. Yun Ang isa sa qualities na meron siya kung bakit palagi pa rin siyang nakangiti at masaya. Tumayo si Ron at inintay ang pagkaing ihahain ni Lea sa lamesa. Nagbuhos siya ng tubig sa baso para uminom. " Kakain ka po ng marami" paalala ni Lea sa anak, sabay ininit nya yung tinapay na binili niya sa canteen na hindi niya nakain knina. Maayos naman silang mag ina, paminsan minsan nakakapasyal din sila sa Mall para manood ng sine o kumain sa labas. Hindi man magarbo ang pamumuhay ang mahalaga ay napapagkasya nila ang budget para sa png araw araw. Pagtapos ng hapunan bumalik na sa kwarto si Ron at tinapos ang assignment. Samantalang si Alfred ay nakikipagusap sa tutuo niyang minamahal. " Bakit ba natin ito kelangan gawin Love?, ano ba ang ginawa sayo ng babaeng yun at ganon na lang ang galit mo sa kanya? medyo inis na tanong ni Alfred sa kausap niya sa fon. " Kelangan ba talaga ma stress sya at ma depress para lang maka ganti ka, ok na cge na.. gagawin ko lahat ng utos mo dahil alam mo namang mahal na mahal Kita" I love you. sabay binaba ni Alfred ang fon sa kausap niya. Malungkot Ang mukha niya at waring nag aalala, Tama bang paasahin mo at saktan Ang ibamg babae para lang maiganti mo Ang tutuo mong minamahal?. Alam niya sa sarili niya na mali, pero bulag at bingi siya s nararamdaman pagibig kay Rochelle. Si Rochelle na kabuuan ng pangarap niya, maganda, seksi , smart at maraming nagkaka gusto. Para kay Alfred gagawin niya ang lahat para sa girlfriend nya kahit pa masama at makakasakit ng ibang babae. Tinanggap niyang sa mahabang panahon na patago siyang karelasyon nito. Hindi pwedeng I broadcast o ipost sa social media. Para kay Alfred privilege ang maging boyfriend ni Rochelle at ayaw niya itong sayangin. Nag bukas ng Isang bote ng redhorse si Alfred habang napayuko dahil labag sa loob niya ang balak nilang gawin. Meron din kasi siyang mga kapatid na babae at kahit paano naiintindihan niya na masakit ito kong sa kanila ito mangyayari. Meron mga tao na kahit asa kanila ng lahat hindi pa rin magawang makuntento. Ang pighati ng iba ang kasiyahan nila. Hindi pa rin binanggit ni Rochelle kung ano nga bang atraso ni Lea sa kanya, Basta ang instruction niya ay paibigin at lokohin pagka tapos. Kasama rin sa plano nila ang Isa publiko lahat ng masamang ginawa ni Lea. Ipamukha sa lahat na masama siyang tao at ang panghihiya sa kanya ay reward para kay Rochelle. Madami silang kasali at unti unting malalantad kay Alfred kung anong talagang pakay ng mga ito kay Lea. Bumuhos ang malakas na ulan at hindi niya namalayang mahimbing na pala siyang nakatulog sa sofa. Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Alfred, bahagyang iniunat ang braso para maalis ang ngalay mula sa mahimbing na pagkakatulog. Kinuha ang fon sa me lamesa at ng buksan tumambad ang sunod sunod na message na kunwari ay pinadala niya Kay Lea. Meron kasing password si Rochelle sa f*******: account ni Alfred at may access siya para magbasa at mag message sa account nito. Nakikinita na ni Alfred ang ngiti sa mukha ni Rochelle habang nagagawa niyang paniwalain si Lea na si Alfred ang kausap niya. Magaling talagang mambola si Rochelle, may ilan na nga bang lalaki ang napaniwala niya na tutuong gusto niya ang mga ito. Magkahalong awa at panghihinayang ang naramdaman ni Alfred, Hindi niya rin maisip kung bakit ang katulad ni Rochelle na nagtataglay ng halos magagandang katangian pisikal ay nag aaksaya ng panahon para makapanakit ng kapwa niya babae. Meron ganda na panlabas lang talaga at na gulity siya na Isa siya sa mga lalaking nasisilaw sa ganong ganda. Sa isip niya single mom na nga si Lea tapos sapat lang kinikita tapos gagawan pa nila ng masama. Bumangon siya sa sofa na hinihigaan nya tapos ay nagtimpla ng kape. " Love gising ka na ba?" tanong ni Rochelle sa noon ay pupungas pungas na katipan. "Oo love, kakagising ko lang ". Nag send ng naghahalikan gif at emoji sa Rachelle,, tayo yan love. Hindi maipaliwanag ni Alfred ang excitement na naramdaman niya. Bigla niyang na imagine si Rochelle, ang mapang akit nitong mga mata at halos perpektong hubog ng katawan, porselanang kutis at kissable.lips. Napahawak siya sa kanyang harapan at hindi sinasadyang maalala ang ginagawa nila pag sila lang dalawa ang magkasama. Parang obsessed na siya sa babaeng ito kahit madalas siyang pinag mumukhang tanga. " Love pede mo bang tawagan si Lea, bolabolahin mo para ma fall agad sayo." nakaismid si Alfred habang binabasa ang chat ng gf sa gusto nitong ipagawa sa kanya. " Please love, mamaya naman magkikita tayo, ako ng bahala sayo." nakangiti si Alfred sa tinuran ng kasintahan. " Ok love tawagan ko na siya ngayon." Maka ilang beses pina ring ni Alfred ang fon pero hindi sinasagot ni Lea. " Love nag riring lang pero hindi niya sinasagot." chat ni Alfred Kay Rochelle. " Pwede bang ikaw na lang ang tawagan ko, miss ko na kasi ang boses mo" . pag mungkahi ni Alfred sa kasintahan na noon ay waring yamot dahil hindi nasunod ang gusto niya. " Pag natawagan mo si Lea at nkausap mo na , saka tayo magusap na dalawa" Sabay baba ng fon kay Alfred dahil dismayado na hindi niya natupad ang plano niya. Tumayong nkasinangot si Alfred at tumungo sa kusina para maghanda ng agahan. Habang kinukuha ang itlog sa ref ay tumunog ang phone at dali dali niyang sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang natawag. "Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis Love" Nalito si Lea sa sagot ni Alfred pero mas lalong na sorpresa si Alfred na si Lea pala ang natawag sa kanya. " Ah, musta, mag gogood morning lang sana ako sayo, kumain ka na ba? palusot ni Alfred habang napakamot na lang ng ulo. " Magluluto pa lang ako ng agahan" sagot ni Lea habang nkakunot ang noo dahil naramdaman niyang waring may mali sa pagbati ni Alfred sa kanya kanina. "Wow, sabay pala tayong mag bre breakfast, png bobola ni Alfred, " kung andito ka sa tabi ko susubuan kita" sweet ang pagkakasabi ni Alfred pero alam niyang laro lang lahat ang balak nilang gawin kay Lea. Kahit batid ni Lea na mabilis ang mga pangyayari hindi niya pa rin maiwaksi ang katotohanang unti unting nahuhulog ang loob niya kay Alfred. Medyo kinilig siya sa part na merong gustong mag asikaso sa kanya, bagay na hindi niya naranasan. Sapol pagkabata palagi siya ang kelangan mag aalaga sa iba. Kahit madalas nahihirapan na siya, pilit pa rin siyang nagpapakatatag. " Salamat, pero kaya ko naman subuan ang sarili ko" ,nangiti na lang si Alfred dahil hindi sumakay si Lea sa joke niya. para sa kanya biro lang ang lahat dahil sa puso at isip niya si Rochelle lang talaga ang mahalaga sa kanya. Tumambad ang nakasilaw na kaputian ni Rochelle ng buksan ni Alfred ang pintuan para tignan kung sino ang kumakatok. Pasado alas otso na ng gabi at hindi niya inaasahan na totohanin ni Rochelle ang pangako na pupuntahan siya nito namaya. Hindi maalis ang pagkakatingin ni Alfred sa mala dyosang kagandahan na tumambad sa kanyang harapan. Naka suot ng maikling palda at croptop na pang itaas si Rochelle. Hindi maiwasang makaramdam ng kakaiba si Alfred sa angking ganda ni Rochelle. Kinabig niya agad ito sa baywang at sabik na hinalikan ang labi. Parang isang taon silang hindi nagkita sa kasabikan niya sa katipan. Mabagal na gumapang sa may bandang dibdib ni Rochelle ang kamay ni Alfred ngunit mabilis ding inalis ito ng dalaga. Malakas ang tawa ni Rochelle dahil tulad ng inaasahan niya, kandarapa na naman si Alfred para maangkin siya. Kakaiba kasi talaga ang ganda ni Rochelle, punong puno ito ng s*x appeal. " Love hindi naman ito ang pakay ko sa pagpunta dito, pero talagang nasabik din ako sa mga halik mo". Nainis si Alfred dahil nabitin siya sa pag angkin sa dalaga. " Pwede naman natin pagusapan yung pakay mo pag tapos natin mag love making di ba? nagsindi na lng si Alfred ng sigarilyo sa inis niya sa dalaga. "Or pwede naman natin yan gawin mamaya, tugon Naman Ng dalaga.Tumayo at lumakad palayo si Alfred pagtapos lumingon Kay Rochelle. " Ano ba talaga ang atraso sayo.nung Lea na yun. Bakit ganon na lang ang pagkamuhi mo sa kanya?" Kasi wala naman akong special na nakikita para kainisan o kainggitan mo siya." Malakas na tawa ang isinagot ni Rochelle sa nobyo. Ako maiingit sa kanya?, ang tutuo ni hindi ko nga siya personal ba kakilala, meron kasi akong kaibigan na labis ang galit sa kanya, willing siyang magbayad ng malaking halaga para maka ganti lang siya kay Lea". Gusto niya paibigin mo tapos iwanan. Hihiyain natin siya sa mga tao, hanggang ma depress, gawing miserable ang buhay para sa kanya". Nakatingin lang si Alfred sa pangit na planong gusto nilang gawin sa kaawa awang babae." Sa tingin ko yung pinagpalit siya ng asawa niya sa iba at iwan silang mag ina ay sapat ng sakrippisyo para sa kanya. Ano pa bang ganti ang gusto ng kaibigan mo? bwisit na pahayag ni Alfred. " Lumapit si Rochelle at hinimas ang kamay ni Alfred. " Hindi kasi makita ng kaibigan ko na apektado siya, parang wala lang kay Lea yung mga nangyari sa kanya. " Malaki din kasi ang halaga na ibibigay sa atin ng kaibigan ko, kaya please Love pumayag ka na." Para makapag bakasyon din tayo sa ibang lugar, nangako kasi siya na kasama yun sa bonus. Basta makita niya lang na miserable ang buhay ni Lea." tumango tango na lng si Alfred tanda ng pag sangayon, kahit andon pa rin ang pag aalinlangan niya sa binabalak nilang pagpapahirap kay Lea. Tanghali na ng magising ang magkasintahan. Napuyat sila sa pag chachat at pagtawag sa kawawang biktina nila, , andyang kantahan ni Alfred ng love song si Lea at pangakuan na magiging espesyal ang pagkikita nila. Tawang tawa naman si Rochelle dahil ramdam niya ang kilig ni Lea habang pinapaasa nilang dalawa " Madali lang itong utuin, siguro akala niya sa edad niya meron pang gwapong lalaking seseryoso sa kanya." Nakatingin lang si Alfred. "Basta ako, solve ako sayo kagabi ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD