Nakailang round pa at tuluyuan ng sumuko si Alfred sa pag angkin kay Rochelle. Iba talaga ang kaligayahan niya pagkasama niya ito, ika nga para siyang naka lutang sa cloud 9. Tinignan niya ang katipan na mahimbing ng natutulog. Puno ng pagmamahal na hinagkan niya ang noo nito." Mahal na mahal kita" pabulong niyang nasambit, sabay buntong hininga. Dahan dahan siyang tumayo para kumuha ng sigarilyo na nakapatong sa maliit na lamesa. Sinindihan ang sigarilyo ar sumilip sa durungawan.
Gabi na ulit, Naalala niya kung paano sila nagkakilala ni Rochelle. " Fong, sino yung magandang dilag na kausap mo, pakilala mo naman ako". Ah si Rochelle ba?, pinsan ko yan.Tinitigan ni Alfred ang kaibigan sabay iling, bat hindi halata. Habang tawang tawa siya sa sarili niyang joke ay nakakunot nman ang noo ng kausap..Tumalikod si Fong, na kunwari ay napikon sa tinuran ng kaibigan. Ang tutuo sa tagal na nilang magkakilala parang wala na lang sa kanila ang ganitong biruan. Lumapit si Fong kay Rochelle at bumulong habang nakatingin Kay Alfred. Nag pa cute naman si Alfred at pinapakita ang mapungay niyang mata at malalim na dimples. Sabay kaway na wari bay nag papansin sa dalaga.Malakas na tawanan ang ipinalit ng magpinsan sa ginawa ng binata. " Gwapo naman siya Fong, kaso lang ang liit." hahaha, ndi napigilan ni Fong ang matawa sa sobrang obvious na obserbasyon ni Rochelle. Mas matangakad pa nga ako. Asa 5'3 lang ang height ni Alfred pero ang charisma at cuteness nito ay kakaiba. Para kamukha niya si Tom Rodriguez, di ba? Napatingin si Fong na naguluhan, saang banda yun kamukha, insan. Napatawa si Rochelle habang hindi na napigilan ni Alfred at siya na ang kusang lumapit sa magpinsan na hindi pa rin tapos ang tawanan. " Hi I'm Alfred, iniabot niya ang kamay para makipag shake hands kay Rochelle, iniabot naman ng dalaga ang malambot niyang kamay, na nagpapikit kay Alfred. Sa isip niya para na agad siyang naka jackpot sa lotto." Ang ganda mo naman binibini, para kang ilaw ng Meralco sa liwanag" sa sobrang lakas ng tawa ni Fong napatingin halos lahat ng asa party, " Hanep pare, di ba doon nagtatrabaho ang ex mo.Sshh, monstra ni Alfred sa kaibigan na nabigla dahil hindi niya inaasahan na ipapahiya siya nito. " Eh ex naman na pala, sabay ay depensa naman ni Rochelle. Saka nakikipagkaibigan lang naman sa akin ang friend mo Fong.di ba ? Tom. Medyo namula si Alfred dahil hindi niya inaasahan ang papuri galing sa magandang dalaga. Sa isip niya type din siguro ako nito.
Habang naka ngisi siya mag Isa, at binabalikan ang sweet na nakaraan. Hindi niya namalayan na nkapagbihis na pala si Rochelle at magpapaalam.na uuwi na." Aalis na ako love, Maaga pa ang work ko bukas". Dismayado ang tugon ni Alfred, "Pede bang bukas ka na lang ng umaga umalis, ihahatid naman kita sa inyo," pakiusap ni Alfred dahil gusto niya pang makasama ng mas matagal ang gf . Haisst, eto na naman tayo, pagpupunta ako dito halos ayaw mo na akong paalisin. " Alfred madami pa akong kelangang gawin. Yung career ko at pagpapayaman ang priority ko".Tinignan ni Alfred si Rochelle, na parang nagmamakaawa. Mahal mo ba ako Rochelle"? , Hindi maalis ang pagkairita niya na para sa kanya ay walang kabuluhang tanong. Hindi pa ba sapat na binibigay ko ang sarili ko sayo. Sobrang nonsense ng tanong mo. Medyo pasigaw na ang pag sagot ni Rochelle. " Sorry, gusto ko lang naman marinig din sayo na mahal mo ako. naka pout ang nguso ni Alfred na parang batang kawawa. "Kasi ako lahat gagawin ko para sayo. " Napangiti si Rochelle, ngiti na naging malakas na halakhak. " I message mo nga si Lea, tapos makipagkita ka na sa kanya. Tama! kasi mas mabilis natin siyang mauuto at mapapahirapan, mas madali tayong makakahingj ng pera at travel Kay Big Boss. Parang nag sisi si Alfred dahil imbis maging drama at amuin siya ni Rochelle nakaisip na naman ito ng hindi magandang plano. Tumayo siya habang paikot ikot na dini discuss ang detalye ng gagawin nilang dalawa.
" Good morning miss beautiful, kmusta ang sleep mo". Naalimpungatan si Lea sa tunog ng alarm at napa lukso sa tuwa ng makita niya ang maagang message ni Alfred sa kanya. As usual me tanong siya sa sarili kung bakit pagkausap niya ito sa phone, hindi naman inglesero. " Mabuti naman ako, nkatulog ako ng mahimbing" , simpleng sagot ni Lea sa message ng binata. " Ikaw kmusta ang gabi mo". Mabilis ang tugon na mensahe ang ipinadala ni Alfred sa kanya.. " So far so good, sobrang saya ko dahil napanaginipan kita kagabi" Me smiley face at heart icon pa itong kasama. Napangiti si Lea sa tinuran ng binata, talaga ba ? Tungkol naman saan ang panaginip mo sa ating dalawa. Curious na tanong ni Lea. Bale tayo daw ay, at nagpadala ng emoji na naghahalikan si Alfred. Sabay nag send siya ng super cute na picture niya habang asa kotse. " Me kotse ka pala?' Bagay sayo lalo kang gumwapo. Napaismid si Rochelle kasi ang tutuo siya ang nag message kay Lea at yung kotseng sinasakyan ni Alfred ay sa kanya. Napatawa si Alfred sa itsura ni Rochelle na hindi natuwa sa compliment ni Lea sa bf niya." Eh bolera din pala etong girl na to." Nakatingin lang si Alfred na natutuwa dahil feeling niya ay nagseselos si Rochelle sa ibang babae.
Sobra kasi ang confidence ni Rochelle, para sa kanya hindi basta basta lang maagaw si Alfred Ng iba" So kelan tayo magkikita?, Meron kasi akong balak ibigay sayo". Napabuntong hininga si Lea kasi hanggang ngayon meron pa rin syang pag aagam agam sa pakikipagkita kay Alfred. Pag nagkita sila wala ng filter. Imagine ang ibinabata niya sa picture ay halos 10 taon. Paano kung hindi siya makilala ni Alfred sa personal. Pero kasi naiintriga din naman siya kung ano mangyayari kung magkita sila. Nagpaalam na si Alfred sa chat nila pero nag bigay ito ng date kung kelan sila mag me meet. " Wag ka mag alala gagawin kong espesyal ang araw na yun para sayo, bye bye na. Keep safe pag pasok sa work". Nakatingin sa kisame si Lea dahil hindi niya maalis sa isip niya kung bakit ganito mag message si Alfred. Madalas yung instinct niya tutuo pero kung I block niya si Alfred dahil lang sa kutob, malulungkot siya.
Pakanta kanta habang marahang gumagayak si Lea papunta sa opisina. Sinasabayan niya ang tugtog sa radyo ng bandang UpDharmaDown. " Bat di sabihin, ang hindi mo maamin? Ippaubaya na lang ba ito sa hangin? Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo, naririto ako' nakikinig sayo". Maganda ang boses ni Lea, nung kabataan niya sumasali din siya sa mga singing contest, madalas hindi siya nanalo pero ang importante ay sumubok siya. Hope, Faith at Determination tatlo ito sa values na pinaniwalaan ni Lea. Para sa kanya palaging me pag asa basta mananampalataya ka at determinado kang makamtam ang pangarap mo. Marami ng panahon ang nakalipas, madami ng pagkakataon ang nawala, madaming maling choice na pinagsisihan niya, pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag asa.Tinignan niya ang noon ay tulog pang anak. Habang tumatagal mas nakakahawig na ng ama ang binata. Tulad ng dati, inihanda na ni Lea ang pagkain, gamit sa school at baon ni Ron. Na message na rin niya ang tricycle na service ng anak sa school. " Ron aalis na po si mommy, sabay abot ng 100 pesos at McDo na chicken meal. Kinuha ni Lea ang medyo kupas na nyang shoulder bag at tulad ng dati, lumakad papunta sa mahabang pila ng jeep puntang Ayala.
Tahimik , ngunit malungkot ang byahe ni Lea puntang opisina. Panay sulyap pa rin siya sa fon niya sa pag asam na maalala siya tawagan ni Alfred .Haisst, sobrang nakakabagot at napakahaba ng oras ng paghihintay, hiindi katulad pagkausap niya si Alfred, masaya, mabilis at parang walang stress. Biglang tumunog ang fon niya at sobrang excited na kinuha niya ito para basahin ang message ni Alfred. " Hi Lea, si Jane ito musta ka na? " Laking gulat ni Lea na makatanggap ng chat mula sa school friend niya nung college. Matagal na panahon nung huli sila nitong nagkita. " Classmate meet naman tayo paguwi ko. para makapag kamustahan tayo". Si Jane ay Isa sa mga kaibigan na itinuturing ni Lea, bukod sa kaklase niya ito nung college, boardmate niya rin ito. Maganda, sweet at mahinhin si Jane, para kay Lea madali siyang kapalagayan ng loob. Napalitan ng excitement ang boredom niya " Sige neng, kelan ka ba uuwi?"tanong ni Lea kay Jane na halos 8 years na niyang hindi nakikita. Last sila nagkausap ng personal, hindi pa siya hiwalay sa asawa. Malungkot si Jane noon, kasi hindi niya akalain na ipagpapalit siya ng asawa niya sa iba. Kahit naman si Lea nagulat din. Bukod sa maganda at matalino si Jane, sobrang dami ng nagkkagusto dito. Tinitignan niya ang kaibigan habang marahang kinukwento ang nangyari. Nakaramdam ng awa at panghihinayang si Lea sa noon ay kinahinatnan ng relasyon ni Jane. Syempre hindi naman niya alam na mangyayari din yun sa kanya. " Wag ka mag alala, sobrang ganda mo kaya, pagpapalakas ng loob sa kausap niya na noon ay muntik ng umiyak. Ramdam niya ang sakit na pinagdaraanan ng kaibigan nung mga panahon na yun. Tuloy tuloy ang kwento nito sa nangyari habang matyaga siyang nakikinig. Meron kakayahan si Lea na I absorb ang lungkot, saya o kahit minsan ay sakit na nararamdanan ng kausap niya. Yung mga mata ni Jane ay sobrang lamlam ibang iba sa dating masiglla at masayahin niyang personalidad. Kahit nman siguro sino ganon din ang mararamdaman kung masisira ang pamilya. Madalas ang mga anak ang iniisip natin kesa sa sarili natin.Hinawakan niya ang balikat ng kaibigan sabay pinalakas niya ang loob nito."Alam mo marami pang mas higit at mabait na lalaki ang magmamahal sayo."
Tumingin lang si Jane noon sa kanya, kasi ndi niya alam kung nagayuma ba yung mister niya" Bumili nga ako nitong mga lucky charm, love charm' habang ipinapakita ang suot na pink bracelet. Tumango tango lang si Lea, bilang pag sang ayon na maari nga siguro itong makaalis ng badluck, magic spells at iba pa. Hinanap ni Jane sa phone gallery ang picture nung girl ng asawa niya , Sabay iniharap ito kay Lea.Tutuo ngang sobrang layo ng itsura nito kay Jane, "Oo nga baka nga nagayuma ang asawa mo, Nagkatawanan na lang sila sa noon ay pareho nilang opinyon. Natuwa siya na kahit paano napangiti niya si Jane. Malayo.ang tingin ni Lea at hindi na niya namalayan na malapit na pala siya sa opisina." Sige Jane message mo ako kung kelan ka uuwi Ingat ka dyan plagi".sabay send ng message para I confirm na willing siya makipagkita dito.
Marahang binagtas ni Lea ang daan punta sa opisina nila, me ilang sikat na establishment pa ang madadaan bago marating yung building nila. Starbucks, Shakeys, North Park, Jollibee etc.,pag salary o me extrang pera, kumakain sila ng mga kaibigan niya dito. Eto na yung luxury of life na tinatawag niya, Ganon lang ka simple ang kasiyahan niya. Ilang hakbang na lang at mararating na niya ang opisina ng biglang tumunog ang fon nya. " Hello, musta ga ikaw asa opis ka na?, Yes! si Alfred ang tumawag at biglang kumabog ang dibdib niya." Medyo malapit na din" sagot niya kay Alfred. Ah ganon ga, sige mamaya na lang ako tatawag sayo" sambit ng binata na nagpataranta kay Lea. " Wait, malayo pa nman pala. pede pa tayo mag usap."Tumawa na lang si Alfred dahil halatang atat si Lea na makausap siya. Wala sa mood si Alfred, pilit ang tawa niya habang panay naman ang kwento ni Lea, me pagkakataon.na ipapaulit niya yung sinasabi ni Lea dahil hindi niya naiintindihan. Ganon naman madalas pag napipilitan lang, ndi tayo masaya sa ginagawa natin. Yung focus ni Alfred nakay Rochelle. " Ang ganda mo talaga" , nasambit niya, Thank you, kahit ndi mo pa naman ako nakikita" wika naman ni Lea. Dito sa mga pictures mo.Ndi sumagot sii Lea, pero sa isip ni Alfred ang papuri ay para kay Rochelle.
Ibinaba na ni Lea ang fon, habang kinukumbinse niya ang sarili na walang mali sa mga sinabi ni Alfred, kahit naramdaman niya ito at na makikipagkita siya dito sa Sabado, syempre magiging masayang araw ito.
Ang mindset kasi pwede natin I condition, pag positive yung inisip natin magiging maganda yung outcome at kung hindi maging maganda kahit ginawa naman natin yung best natin, ibig sabihin ndi ito para sa atin.Haha, natawa.siya sa kung paano niya inaaccept ang mga bagay bagay. Positive mindset with anticipation.Inalog alog ni Lea ang ulo niya bago sumakay sa elevator, para alisin yung mga agam agam niya since nag ooverthink na naman siya.Mabilis niyang inilagay ang bag niya sa locker.Halos tumakbo na siya para ndi malate kasi 10 minutes na lang at magsisimula na ang shift. Kumaway si Dhez kay Lea dahil ipinag reserve niya na ito ng station. Wala kasing permanent sitting arrangement sa opis nila. First come first serve ito. " Hay, thank you Dhez anghel ka talaga'. Angel or anghel ay mga taong andyan sa panahon ng pangangailangan, ginagawa nilang magaan ang buhay natin. Nabasa ni Lea dati merong mga "Light workers" siguro si Dhez ay isa don. Hala, mommy 7 mins na lang pero kaya pa yan. "Minsan Lea lang ang tawag niya kay Lea , Minsan mommy, depende sa trip niya. Honestly mas gusto niyang mommy ang tawag sa kanya ng mga opismate niya kahit pa nga madalas mas matured pa silang kumilos at mag isip kesa sa kanya. Yes! sakto lang. para siyang tumama sa jueteng na umabot siya on time. On the dot, haisst kala ko talaga' malalate na ako buti na lang andyan ka Dhez.. haha, " Eh bakit ka po ba muntik ng malate? " Napansin na din ni Dhez na me pinagkkaabalahan si Lea nitong mga nakakaraang araw, pero gusto niya dito manggaling ang paliwanag.
Ngumiti si Lea, "mamaya ko sayo ikukwento after shift, tutal sweldo naman kain tayo nina Bambi sa labas". Pataas baba ang kilay ni Dhez sa pagsangayon sa magandang idea. Sige mi, para maka pag unwind din tayo, at ngumiti sa katabi na halos ay nanay na niya. Me mangilan ilang calls na pumapasok pero ndi masyadong busy ngayon. Me pagkakataoong nagkakatawanan sila lalo at naririnig nila kung paano mag calls ang isat Isa. Para Kay Dhez sobrang tiyaga at pasensyosa si Lea lalo sa mga nakakatandamg customer, Sa isip niya nakakarelate ang Lola niya kasi kaedaran niya na ang mga ito. Pag mga ibang nationality naman ang tumatawag, ina adjust din ni Lea ang pakikipagusap niya.
Emphaty, compassion at willingness to listen, ilan lang yan sa mga qualities para maging effective sales and customer service agent. Natawa si Dhez ng narinig niya si Lea habang kinausap yung Asian customer niya. " Don't you worry I am here, and I will not leave you, by the way you're English is good". Me mga pagkakataon nasasabihan si Lea na ndi siya magaling mag English, pero para sa kanya inaadjust niya ang paraan ng pakikipag usap depende sa kakayahaan ng customer niya. Ndi naman tayo nakikipag usap para mag pa impress kundi para makipag communicate.
Mabilis lumipas ang oras, me pagkakataong mag papaalam mag restroom si Lea para pumunta sa locker at tignan kung nag message si Alfred, Bukod pa ito sa break at lunch na maka ilang ulit niyang ichecheck yung messenger hoping na naalala siya ng binata. Panay ang pag stalk niya sa mga pictures nito, pati sino sino ang mga nag cocoment at naglilike sa mga post. Para siyang si Sherlock Holmes kung magimbistiga, Bukod pa sa pag aanalyse Ng mga maliit na detalye sa hashtag Ng post nito. Hindi niya minsan maipaliwanag kung bakit automatic na sa kanya ito.
Naalala niya tuloy kung kelan nga ba nagsimula ang hobby niya sa pag stalk, Ah! , nung hinahanap niya yung ex niya. Panaka nakang bumalik ang alaala , niya kung sino sino nga ba ang napadalhan niya ng chat nung panahon na hinahanap niya yung ex niya na ndi nagpakita sa kanila. " Umuwi na po kasi yung mister ko, alam niyo po ba kung saan siya pumunta".Ganon kagulo ang isip niya noon. Sunod sunod ang pangyayari na tila ba isang delubyo na bumuhos sa kanya. Ndi niya nga maipaliwanag kung paano niya nalagpasan ang lahat, pero batid niya merong mga angel na ipinadala ang Diyos para tulungan siya nung mga panahon na yun. " Mi, Lea tulala ka na naman" sabay tinapik siya ni Bambi na noon ay kasabay niyang kumakain sa Canteen. Nagkatawanan na lang sila ng kaibigan dahil ndi naman ito ang unang pagkakataon na biglang nawawala sa realidad si Lea bago bunabalik ulit. " Me naalala lang ako." Halos kasing edad ni Lea si Bambi, pero meron siyang kompletong pamilya. Nung nagsisimula pa lang si Lea sa kumpanya ndi naman na lihim sa lahat ang pinagdaanan nito ."Me 15 minutes pa mi, kaya mag yoyosi muna ako, paalam ni Bambi dahil ndi niya naman maaya ang kaibigan since ndi naman ito naninigarilyo"
Tinitigan ni Lea ang kaibigan, meron siyang napansin na parang mapulang ugat sa mata nito" napaano yung asa mata mo? " Naku mi, papatignan ko nga ito sa duktor next week." sagot ni Bambi na medyo nag aalala. " Gusto mo igoogle natin kung ano yan. " Napatawa na lang si Bambi kasi halos lahat ng bagay igino google ni Lea, hahaha ," Sige mi, tapos mamaya mo na sabihin ang sagot." Tumayo si Bambi, pero nakaramdam ng pag aalala si Lea sa kaibigan, " wag ka na kasi masyadong manigarilyo Bam, tinawag niya ang kaibigan sa palayaw nito. " Yes mi, noted po" . sabay smile sa kausap.
" Hoy logout na po" reminder ni Dhez kay Lea na noon ay hindi pa tapos mag complete ng notes. Akala ko ba mi, kakain tayo sa labas? Oo nga pag confirm ni Lea, asan na ba si Bam.' " "Present", sabay taas ng kamay para patunay na kasama siya sa lakad. " Saan ba tayo pupunta.? Siguro sa Shakeys na lang. Tutal sweldo naman ngayon para maiba naman. Suggestion ni Dhez, na leader sa tatlo kahit siya yung pinaka bata. Haha, galing talaga ng boss natin. Natawa na lng ang tatlo, habang binilisan na ni Lea ang notation para sa last customer na nakausap niya..Parang ilang tumbling lang at andon na sila sa restaurant, sobrang accessible ng location ng opis nila Lea sa mga kainan. " Eto na lang mga momshie, 3 bunch of lunch, para me spaghetti,pizza mojo's at chicken, tapos order na lang tayo ng drinks." simple pero rock. mungkahi ni Bam at sinangayunan ng lahat."
" What is our agenda for today? " tanong ni Bam na ndi pa updated sa mga happenings sa buhay ni Lea. Hahaha, tawang tawa na agad si Dhez dahil lovelife ni Lea ang pag uusapan nila. " O sige na mi I kwento mo na " , namumula pero kinikilig si Lea habang iniexplain ang mga pangyayari sa kanyang buhay. " Eh kasi mga friends meron akong ka chat na nakilala ko sa f*******:. Ndi naman maalis ang ngiti ng dalawa,na parang nakikinig sila ng love story mula sa highschool student. Ndi kasi magka mayaw ang ngiti sa mukha ni Lea habang ikinukwento ang kaganapan sa bagong yugto ng buhay pagibig niya. " So in other words, ndi ka pa nito nakikita sa personal?" Tama ba, paninigurado ni Bam kay Lea. " Oo bale sa Sabado pa kami magkikita. " Ah, pero yung mga pictures mo sa f*******: palang ang nakita niya, tama ba?. Tawang tawa si Dhez habang tumatango tango lang si Lea, sa tila ba ay pag iimbestiga ni Bam. " Mi, no offense ha, maganda ka naman, at your age siguro meron pang mga foreigners na magkkagusto sayo". ndi pa man tapos ang sinsabi ni Bam, ang lakas ng tawa ni Dhez ay abot sa kabilang lamesa. " Pero kasi iba yung itsura mo sa f*******: kesa sa personal" diretsahang paliwanag ni Bam kay Lea.
" Alam ko naman, kaya nga me disclosure akong binanggit na "pictures maybe, slightly diifferent in person" hahaha sabay tawa ng magkakaibigan. Saka Bam ndi naman siya foreigner. Mukha lang siyang me lahi. " Yun na nga mi, sa edad mo dapat mga foreigners na ang hinahanap mo, kasi kung Filipino tapos mas bata sayo, either dapat mayaman ka or at least me ipon ka. sabay tawanan ulit silang tatlo.
Masaya nman sila sa bonding nila.Marami silang npagusapan tulad ng lovelife ni Dhez, pag aaral ni Ron at pamilya ni Bam. Ndi nkalimutan ipaalala ni Lea na mag pa check up agad sa duktor si Bam." Noted Mi." sabay ngiti sa mga kaibigan.
Pasado alas 8 na ng dumating si Lea, meron siyang dalang Shakeys na bunch of lunch para sa anak na noon ay naglalaro ng games sa celfon. Binuksan ng anak ang pasalubong niya, masayang kumain ng hapunan habang nakangiti lang si Lea at pinagmanasdan ito.Proud siya kay Ron, pinilit niyang maka adapt sa normal set up ng society kahit sila ni Lea ay parehong nuero divergent. Ndi masyadong apparent ang mga symptoms ni Lea, since kaya niya maki salamuha sa iba na parang nuerotypical at iniinganyo niya din ang anak na makipagkaibigan.Bago matapos ang gabi ay tumawag si Alfred at nakumpleto ang araw niya sa mga nakakaaliw nitong kwento.
Shifting schedule ang trabaho ni Lea. Ngayong month Friday at Saturday ang off niya. " Emily, where na you?", Here na me." pag confirm kay Emily na andon na siya sa meeting place nila, me 30 mins na rin kasing nakatambay si Lea sa labas ng Starbucks kung saan sila magkikita. Si Emily ang best friend ni Lea, Mula pagkabata ito na ang kasa kasama niya. Kung merong Isa sa mga pinaka malalapit na tao sa buhay ni Lea, si Emily na yun Bukod kasi sa bestie niya ito, first cousin niya din ito. Marami sa masasayang sandali ni Lea, kasama niya si Emily". humahangos habang bitbit ni Emily ang paninda na balak niyang ipagbili kay Lea. Nanalo ng gift voucher si Lea dahil madami siyang naibentang mobile sa kumpanya. Meron silang 500 pesos na GC pang treat niya ng coffee at chocolate cookie kay Emily. Para sa ibang can afford ordinary lang ang bumili sa Starbucks pero ito ay luxury of life para kay Lea. natatawa siya sa tuwing pinapaliwanag niya ito sa iba. " Wow, tutuong Starbucks coffee na ang oorderin natin?, big-time na tayong dalawa. sabay nagkatawanan sa biro na medyo tutuo, Madalas kasi, kopiko ang iniinom nila. Inilapag ni Emily ang paninda niya sa tabi ng upuan. Tumayo naman si Lea para omorder ng Chocolate Frappuccino with 2 cookies on the side. " Dalawa po grande saka 2 cookies" isinulat nung cashier ang pangalan ni Lea sa lalagyan ng kape. Nung tawagin ang name niya excited na kinuha ni Emily ang pinapangarap na kape".Yes, this is it! ", sabay hagalpak sa tawa ang dalawa. Selfie selfie muna tayo, ngiting tagumpay ang dalawa na masaya kahit sobrang simple lang naman ng ginagawa nila. Kung meron siyang kino consider na soul sister, si Emily yun. Pagkatapos uminom ng Starbucks coffee, inilabas ni Lea ang sky blue na underwear na ibibenta niya kay Lea. " Meron ba red o kaya black, kasi ndi ako komportable magsuot ng ganitong kulay", ano ka ba paliwanag ni Emily " maganda yan kasi very fresh ang kulay". Pag si Emily na ang nag susuggest "opo" na lang ang sagot ni Lea. Bale akinse at katapusan,,, kumuha din si Lea ng bedsheet dahil gusto. niya rin matulungan sa sales si Emily. Malaki ang utang na loob niya dito kasi madalas siya ang shoulder to cry on niya at pag kapos siya nauutangan niya din ito." Ano nga pala ang topic natin ngayon. Nag beautiful eyes si Lea, na medyo ndi na bagay sa edad niya pero pinilit niyang maitawid. " Meron akong imemeet bukas na nakilala ko sa f*******:".
" Sure ka na ba sa gagawin mo?", kasi baka gusto mo lang makalimot sa nangyari sayo?, observation ni Emily, Masaya ka naman na, kasama mo yung anak mo at nagbibigay naman yung ex mo ng financial support." pagisipan mong mabuti. Kinunot ni Lea ang mukha, " Actually, napagisipan ko na, bukas makikipagkita ako sa kanya". Tinitigan ni Emily si Lea, di ba me slight power ka,hahaha. Yung medyo na prepredict mo yung mangyayari", wika ni Emily. " Kaya dapat alam mo kung mapapahamak ka ba sa gagawin mo o ndi." Kasi masaya ako pagkausap ko siya at mukha naman siyang mabait. Oo minsan nararamdanan ko parang me red flag" , pero batid ko kung ano man ang mangyayari, mkakaya ko ito. " Alam mo pag dumaan ka sa mahihirap na pagsubok sa buhay mo, Yung mga susunod magaan na lang, " .Pareho si Emily at Lea na pala dasal, malapit sa Diyos, madalas silang magsimba. Pero si Emily ndi kasing lakas ng loob ni Lea, kaya ndi siya plagi napapahamak. " Lea tandaan mo, meron ka din dating nakilala na nag take advantage sayo at alam mo kung bakit." Nakatingin si Lea kay Emily pero alam niya ang tinutukoy nito.
Meron nag create dati ng GC tapos isinali lahat ng sss friends niya na kapareho niya ng apelyido. Ndi nman na lingid sa kanya na meron siyang mga nagawan ng mali. Yung iba nakahingi na siya ng sorry at napag bayadan na niya yung kasalanan niya, pero merong iba na ndi pa siya napapatawad. Biglang kumabog ang dibdib niya, naging agam agam ang excitement na naramdaman niya kanina." Paano ko malalaman kung ndi ko susubukan, saka kasi meron ako kilala na friend niya sa fb.", cguro naman iba ito kesa sa nauna. Meron nagpadala sa kanya dati at nagpost ng tungkol sa karma, sa isip niya yung mga taong sumasali para sabihin na nakakarma siya ay mga taong natulungan niya dati. Mas higit sa lahat sa Diyos siya naniniwala, at kung merong mga taong ginagawa ang paraan na pahirapin ang buhay niya at isali ang ibang tao para magalit sa kanya, ndi karma yun revenge o cruelty, lalo kung wala naman siyang ginawang masama sa nga ito.
Madami din naman nakagawa ng kasalanan sa kanya, pero pinapatawad na lng niya, Minsan ndi na lang niya kinakausap. Pero Yung gumanti, wala yun sa bokabularyo niya. Madalas meron mga tao ititrigger ka para magalit tapos palalabasin na kasalanan mo.
" Hoy Lea, ndi ka na umimik dyan." Hahaha, para akong bumalik 25 years ago".Sabay kamot na lang sa ulo. " Lea basta ako andito lang, pag gusto mo ng kausap o naloko ka na ulit sa png 10 beses, basta imessage mo lang ako. Ngumiti lang si Lea, sabay inom ng malamig na tubig. "Salamat Ng Marami."
Gabi na pero ndi pa rin dalawin ng antok si Lea, naisip niya ang napag usapan nila ni Emily. "Meron mga galit sayo ang gagawin ang lahat para pahirapin ang buhay mo,, Kaya bago ka pumasok ulit sa alanganing sitwasyon, pagisipan mo muna ng mabuti", parang umalingaw ngaw ang mga binitawang salita ni Emily, ndi namalayan ni Lea na unti unti ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nakatingin siya sa imahen ni Jesus at nag dadasal siya ng taimtim."Diyos ko sana kung paano ko pinapatawad ang mga nagkamali sa akin, gayon din nawa ay mapatawad ako ng mga nagawan ko ng pagkakamali .Ang buhay ay maikli, at inaamin ko kung maibabalik ko ang nakaraan madami akong bagay na gustong baguhin.Gayun pa man nagpapasalamat ako na sa lahat ng ito at sa mga nagawa kong kasalanan, nagawan mo akong patawarin Ama, taimtim na panalangin niya sa Diyos.
Tumunog ang notification sa fon ni Lea, at nakita niya ang reminder na makikipagkita siya bukas kay Alfred. " Hi good evening, musta ka na, bukas na yung date natin, Sana dumating' ka. kasi malulungkot ako pag ndi ka nagpakita sa akin ,sabay sad face. Nakatulog na si Lea at ndi niya namalayan dahil sa sobrang himbing, Merong flashback at images ng mga taong nakilala niya dati ang muling nagpakita sa kanyang panaginip. ".Sorry, nabanggit niya sa lalaki habang nakatitig lang ito. Mabait ang anyo ng lalaki at malungkot ang mukha nito,. Ngumiti siya pero alam ni Lea sobrang sakit ng kalooban ang naidulot niya dito. Nawala ang lalaki sa kung saan at pumalit ang mga nagtatawanang babae na merong mukhang wariy nangungutya. " Siya ba" wika ng babae , at ang katabi ay marahang tumango tango. Nanlilisik sa galit ang mata ng dalawa at bago pa sila tuluyang makalapit kay Lea, ay naalimpungatan na siya at nagising." Grabe, nakakatakot naman" Ang lakas ng kabog sa dibdib niya ay ndi niya maipaliwanag. Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig.Tinignan ang tulog na anak, sabay bumanggon para magluto ng almusal.
Pag Meron siyang pinupuntahan, dinadala niya muna si Ron sa bahay ng Lola niya. Siya ang nagpaaral at nagpalaki kay Lea, andon din kasi ang kasambahay at ilang pinsan ni Lea plus merong wifi kaya ndi maiinip si Ron
" Good morning, Ms beautiful, excited to see you later". Nagpadala ng malaking Red Rose image si Alfred, kalakip nito ang picture niya na nakangiti. Ilang oras na lang magkikita na tayo. " Pagkatapos ng lahat ng nangyari mula kahapon at ngayon yung saya ni Lea ay naging takot. Huminga siya ng malalim, sabay reply sa message ni Alfred" See you later".
Gumayak na siya papuntang mall. Ndi na niya ininda kung ano ang sasabihin ni Alfred bahala na si Batman.Samantalang pinag drive na din ni Rochelle si Alfred puntang Maynila. " Don't forget ndi ka gagastos ng malaki sa date na to" nakaismid si Rochelle habang pinapaliwanag ang plano kay Alfred. Nakasimangot naman si Alfred habang nakasakay sa passengers seat .Binuksan niya ang radyo ng sasakyan at saktong tumugtog ang kantang, " Tadhana" ng UpDharmaDown.