" Palagay ko kasi pareho tayo', maikli pero makabuluhang tugon nito sa kanya.Ndi niya pa noon naintindihan ang ibig sabihin nito kaya inulit niya ang pakiusap kay Jane. " Sinasabi ko ito sa iyo kasi pakiramdam ko merong tutuong girlfriend si Alfred, kung malalaman mo ang tutuo, pede mo bang sabihin agad sa akin". Habang ka chat niya si Jane, nag message din sa kanya si Alfred. " Lea, andito na ako sa bahay, sinagot niya agad ang chat sa kanya ni Alfred ' Ah, mabuti naman, kachat ko ngayon yung kaibigan kong asa ibang bansa. " Sige magpahinga na muna ikaw". mabilis siyang nagpaalam kay Alfred para ma message ulit ang kaibigan. " Kasi Jane naobserbahan ko agad, sa pananalita niya at kung paano niya iniiba ang tingin niya sa tuwing meron akong itatanong sa kanya," Ndi na muli sumagot ito nung araw na yun. Sa isip ni Lea siguro busy lang si Jane sa trabaho. Kinabukasan napansin niyang magkasabay ang oras ng pag logout ni Alfred at Jane sa messenger, nagkataon lang siguro kasi marami namang coincidence na nangyayari kaya ndi iyon pedeng pagbasihan sa ngayon. Madalas idinadasal na lng ni Lea kapag merong mga pagkakataon na nagiisip siya ngunit wala pa namang basehan ang lahat. Yung kutob niya madalas tutuo. Minsan sinasadya niyang ikuwento ang isang pangyayarii o bagay para makita niya kung yung taong pinagsabihan niya at ang taong ikinukwento nya ay magkakilala. Madalas namang tumutugma, kasi bigla na lng siyang ndi kakausapin nung taong yun, ang nakakapagtaka ay ndi pa naman magkakilala ang dalawa, o maari din namang nagkakausap na talaga sila o pede ding pareho silang miyembro ng isang group chat.
Paano nga ba natin tatanggapin kung meron tayong mga mahal sa buhay o pinagkakatiwalaan na kaya tayong ipagpalit o ipagkanulo kapalit ng materyal na bagay o halaga. Patatawarin natin sila katulad ng pagpapatawad ng Diyos sa atin. Lahat tayo ay pansamantala lamang mabubuhay sa mundo, kaya mas mahalaga maisalba ang kaluluwa. " Good morning, musta Lea", maagang pagbati mula kay Alfred ang bumungad kay Lea. " Mabuti naman, nagayak na ako punta sa opisina", Cge ingat ka at Eat well mmaya".message ni Alfred sa kanya. Habang binabagtas ni Lea ang daan punta sa sakayan ng jeep, napansin niya ang isang malaking karatula. " Be still and know that I am God". Parehong signage na nakalagay sa underpass ng Market Market. Naisip niya mabait siguro ang nagpagawa ng karatula na iyon, at naniniwala sa pagpapatawad at Diyos. Sana manatili na ganon ang karatula na iyon para inspirasyon sa lahat ng kabutihan ng Diyos.
Ndi naman masyadong madaming taong nakapila sa biyaheng Ayala noong araw na iyon kaya mabilis na nkasakay si Lea.Tinignan niya ang mga pictures nila ni Alfred kahapon sa birthday nito. Mukha naman siyang masaya at nag enjoy sa birthday celebration niya kahit walang bisita at sila lamang dalawa. Siguro ngayon nag celebrate ng birthday niya si Alfred kasama ang totoong girlfriend nito. Kahapon pa kasi merong tumatawag sa binata at batid niyang nag uupdate ito sa kausap niya. " Lea, musta ang date mo kahapon?, si Emily ang nagsend ng mensahe at nangiti siya kasi ramdam niyang excited ang pinsan niya na marinig ang sagot niya. " Masaya naman, first time kong makapunta sa Vikings at kumain ako ng mapakaraming tempura. haha. Aliw na ikinuwento ni Lea Kay Emily ang nangyari. " So sa tingin mo tutuo sa iyo si Alfred?. Dahil batid ni Lea na pareho sila ni Emily magisip ibinalik niya ang tanong dito. " Ano sa palagay mo? ".Me emoji na wari ay nagiisip ang ipinadala ni Emily bago nito sagutin ang tanong. " Maaring gusto ka niya pero ndi ikaw ang mahal.hahaha Nagkatawanan sila habang magkausap sa chat. "Hays, sadyang ganyon ang buhay sa earth ate, kaya inihanda ko na rin ang sarili ko sa mangyayari. " nakangisi ang emoji ng pinsan nya sabay Sabi " Ay sadyang ganyan ka na sa simula, bakit kung ramdam mo palang ndi tutuo bakit mo pa tinutuloy? ' Kasi gusto ko malaman kung ano ang pakay niya at kung sino ba ang nag utos sa kanya. Kasi kung talagang me kasalanan ako doon sa nagalit sa akin, mag sosorry ako." Malaking laughing emoji ang pinadala ni Emily sa kanya. ' Yung ipinaloko ka na nga tapos mag sosorry ka pa?. Sabagay, para tumigil na, pero kasi Lea merong mga taong ndi marunong ng salitang pagpapatawad, sa kanila ang paghihiganti ay mas importante kesa sa mapunta sila sa langit. " Umayon naman si Lea sa tinuran ng pinsan niya. " Yung sa galit nila nag recruit pa sila ng iba para magalit din sa kapwa nila. basta sa ngayon ayos na din yung me nakakausap ako", mahirap talaga pag parang detective ang nagiging girlfriend nila". haha. Masaya man ang usapan nila ni Emily, batid niya ndi pa rin ito magaling, kaya kinumusta niya ulit ang kalagayan nito. " Nakabalik ka na ba ulit sa duktor? concerned na tanong niya kay Emily. " Siguro sa isang araw ulit", medyo marahan ang pag type nya ng mensahe kasi ayaw na sana niyang isipin ang pinagdadaanan ng pinsan." Ikaw ang isa sa pinaka strong at mabait na taong nakilala ko. Ndi na niya itunuloy ang mensahe kasi na gets na iyon ni Emily."Thank you".maikling reply nito sa kanya.
Gaya ng dati lumakad ulit siya para baybayin ang kalsada punta sa opisina, kahit paulit ulit man ang ginagawa sa araw araw nagpapasalamat siya sa Diyos sa trabahong ibinigay nito sa kanya. Nakakausap niya ang mababait na customer. Madami siyang natutuhan sa hanabuhay na ito at higit sa lahat kahit sa simpleng paraan ay nakakatulong matustusan ang pangangailangan nilang magina.