" Mi dito ka umupo me bakante pa dito." Anyaya ng isa sa mga ka opismate ni Lea. Mabait at pala kaibigan si Loi na isa sa mga SME sa kumpanya nila. Trainee for supervisory position ito, kaya nung araw na yun ndi siya tatanggap ng calls bagkus ay mag aasist sa mga mangangailangan ng tulong. " Thank You", sabay ngiti sa kausap na nagbalik ng parehong positive energy kay Lea. " Welcome po mi".Marahang nilagay ni Lea ang headset para muli ay tumanggap ng tawag mula sa mga kinagigiliwan niyang mga customer. Medyo hirap magsalita ang unang caller ni Lea, nakaramdam siya ng awa dahil batid niyang pinipilit ng ginoo na ma express ang sarili niya kahit nahihirapan siyang magsalita dahil sa kundisyon.niya. Matiyaga namang nakikinig si Lea hanggang makatapos ang customer maipaliwanag ang reason for call. Pag ganitong sitwasyon mas mahalaga ang empathy, ndi lahat ng customer ay parepareho kaya kasama sa trabaho nila ay mag adapt sa pangangailangan ng mga tumatawag sa kanila. Masaya naman ang customer dahil nabigyang solusyon ang enquiry niya bukod pa sa nakatulong si Lea na mabigyan ng savings ang ginoo sa produktong ini offer niya dito. Narinig niya ang tawa ng kausap at kahit ndi niya man nakikita ang customer alam niyang kahit paano ay nakatulong siyang maibsan ang suliranin nito. " Happy to serve", wika niya bago matapos ang call. Naging maganda naman ang pasok ng mga tawag kay Lea nung araw na yon. Me bahagyang tumapik sa kanya at paglingon niya, nakangiti si Dhez sa kanya.
" Lunch na mi", tumango si Lea sabay status ng Lunch break. " Mauna ka na doon sa pantry at susunod na lang ako". Tinungo ni Lea ang locker at kinuha ang fon bago umupo katabi ni Dhez. " Kasustansiya naman ng ulam mo, nakangiti si Lea habang tinuturo ang ginisang ampalaya sa lamesa. " Oo mi, mabuti ito sa puso natin. Kahit batid ni Dhez ndi kumakain ng gulay si Lea inalok pa rin niya ito., " Di ba paborito mo ang papaitan, magkasing bitter lang ang dalawa" ngumiti si Lea sabay tanong niya kay Dhez. " Pero alam mo ba kung ano ang mas bitter? " Ano", batid naman ni Dhez na mag lalatag ng pick up lines si Lea at hinayaan na lang niya bilang pag galang sa nakakatanda sa kanya. Nakatingin lang si Dhez habang hinihintay ang sagot. " Ampalayain ka, boom.' Haha, tumawa na lang din si Dhez para ndi lugi ang nag joke.
Tumunog ang fon, kaya sinagot na muna ni Lea. Natuwa siya kasi naalala siyang kamustahin ni Alfred " Musta, kumain na ga ikaw?". Ndi pa,, eto at nakapila ako sa canteen para pumili ng ulam. " Ah, ano ano ga ang tinda diyan? Pinicturan ni Lea ang mga lutong ulam saka pinadala ito kay Alfred. " Kasarap ga nyan, pero kung ako yung adobo ang pipiliin ko. " Ah oo mukhang masarap nga yun, haha. Nakita na ni Lea yung kare kare kanina pa, at sa tutuo lang yun talaga ang gusto niyang bilhin. Pero minsan pag people pleaser tayo, gusto na lang natin sundin yung mungkahi ng iba. " Sige yun na lang ang bibilhin ko. " Adobo na lang, salamat. ". Siya kumain muna ikaw at ako ay magluluto na rin ng tanghalian namin" " Ah, buti naman, ano ang iyong lulutuin? " Areng kare kare". Sa isip ni Lea, Edi Wews."
Maayos naman natapos ang araw tulad ng normal na araw, siguro mag iiba lang ng konti kung tatama siya sa lotto. Makakabili na siya ng sariling bahay, sasakyan, business at makakatulong sa mga nangangailangan. Ito talaga ang pangarap niya pero hanggang ndi pa nangyayari, doon muna siya sa normal na araw kahit paulit ulit man ito. Nakita ni Lea si Ron na gumagawa ng assignment, gusto niyang maging engineer at nasabi na ito ni Ron sa daddy niya at pumayag naman ito na pag aralin ang anak sa kursong gusto nito. Para kay Lea mas importante ang peace of mind. Sa matagal na panahon tinanggap na niya na ang purpose niya sa buhay ay gabayan ang anak at kung magkakaroon ng kakayahan tumulong kahit ndi man sa pinansyal sa ngayon, para sa mga mahal sa buhay o kahit sa mga nakakausap at nakakasalamuha niya sa araw araw.
" Lea musta ka na, gusto mo bang makipagkita sa akin sa off mo" si Emily ang nag message sa kanya. " Sige, bukas off ko at ipapasyal ko din sana si Ron sa Market Market. " Ah sige kung maisasama ko ang anak ko para magkita din silang magpinsan." Sige ate bukas na lang lunch time". Saglit lumabas si Lea para muli ay pag masdan ang kumikislap na buituin sa langit, maliwanag ang buwan at nangiti siya dahil naalala niya ang palagi nilang ginagawa ni Emily sa probinsiya. Pag blackout, naglalaro sila sa liwanag ng buwan. Naisip din ni Lea ang kanyang ina at mga kapatid, siguro isang araw makakapunta din siya ulit sa probinsiya para madalaw ang kanyang pamilya. Pumasok na siya sa loob ng bahay at tinignan muli kung me message is Alfred sa kanya. Kanina pa ito naka online pero busy siguro ito sa ibang bagay. Marahang ipinikit ang mga mata at bumulong ng isang panalangin.Sa isip ni Lea salamat sa Diyos at ndi siya nawawalan ng pag asa kahit mahirap man ang buhay at ito ang pinaka mahalaga.