Nangiti si Lea habang inaalala ang experience nila ni Emily noong kabataan nila. Yung ngiti niya na naging tawa ay lubhang nakaistorbo sa ibang nakasakay ng bus. Nakita niyang nagbubulungan ang 2 babae na katapat niya ng upuan habang nakatingin ito sa kanya. Mahirap talagang maging kakaiba.sa mundo kung saan halos lahat ay pare pareho. Me mild ADHD si Lea at isa ito sa bagay na ndi mauunawan ng karamihan. Madalas hirap siyang sumunod sa mga instructions at ang focus niya sa ginagawa ay napakahalaga sa kanya. Nginitian niya na lang ulit ang mga nakatingin sa kanya na para na din niyang sinasabing "relax, don't worry everything is under control". Sa trabaho sobrang grateful niya sa mga opismates niya at management sa pang unawang binibigay nito sa kanya. Isa na ata sa pinaka magandang company pagdating sa employee management ang kumpanya niya sa Makati. Ndi sila nanghuhusga ng empleyado at naniniwala sila sa diversity at equality.
Mahaba pa ang byahe kaya tinignan niya muna ang messenger at nakita niya kumakaway ang icon na galing kay Alfred. " Hi musta, me work ka ba ngayon?". Sa isip ni Lea as usual ndi si Alfred to. Kasi kung si Alfred tagalog yung Work at yung ba ay ga. Pag kaya nating I distinguish yung pattern ng isang tao, malaman natin kung sila ba yung kausap natin o ndi. Sinagot pa rin ni Lea ang mensahe. " Mabuti naman ako, pupunta ako sa Lipa, nakasakay na ako sa bus". " Ha, pede ako pupunta don sa lipa tapos ipakilala mo na din ako sa pamilya mo, haha". Natawa si Lea sa idea ni Alfred pero naisip niya bakit nga ba ndi." Sige, kung gusto mo punta ka doon sa SM Lipa terminal, doon kasi titigil ang bus na ito" " Mga anong oras ka kaya makakarating sa SM , kasi ay naghahanap pa ako ng mahihiraman ng pamasahe, HAHAHA. Naisip ni Lea ndi nga pala ito naka schedule na lakad para kay Alfred, kaya kung makkadelihensiya siya ng pamasahe saka lang siya makakasama." Siya sige pagkagusto mong sumama mag chat na lang ikaw at gumayak, mahigit 1 hour pa naman bago ako makarating sa bus station. " Ay siya cge, see you later " Wews, sa isip ni Lea, at sinagot na rin niya ito ng " See You Later" para same same.
Tinawagan na rin niya ang inay niya para alam nitong dadating siya. Bago siya pumunta nag padala muna siya ng pera para siguradong me dadatnan siyang pagkain sa bahay. Parehong asa college pa ang bunsong kapatid ni Lea at ganon din ang sumunod kaya ang inay niya ay pinapadalhan niya ng pera dahil naka loan ang pension nito na inaasahan ng pamilya. Masisipag naman ang mga kapatid ni Lea at nag apply silang scholar sa Universidad na pinapasukan nila. Marami sa mga istorya na malulungkot ay tungkol sa panganay na anak. Kasi madaming ndi nakakaunawa sa sakripisyo nila para sa pamilya. Para kay Lea choice niya naman yun kung tutulong ba siya o ndi, pero sa estado ng buhay nila wala kasi siyang choice. Masipag at mabait ang nanay ni Lea, yung nakuha niyang pension mula sa namatay niyang ama ang tanging pinagkukuhaan niya ng pang supporta sa mga nakababata niyang kapatid. Mula kasi nung kinupkop siya ng lola niya sa Maynila lahat ng gastos niya sa pagkain, pagaaral ay ang lola na niya ang nagbigay. Maliban sa 1 taong na nag desisyon siyang subukan mag transfer ng school ngunit dahil sa financial reasons napilitang siyang bumalik ng Maynila.
Palagi noong gulo ang isip ni Lea kasi habang nag aaral siya gustong gusto niyang makatulong sa inay niya. Minsan napasok siyang service crew habang nag aaral sa kolehiyo. Walang panahon na ndi niya inisip ang inay niya at mga kapatid. Kung saan saang kumpanya na siya napadpad, pero ndi niya kinakalimutang padalhan ng pera ang inay niya dahil para sa kanya ito ay bahagi ng kanyang responsibilidad sa pamilya. Ilang saglit pa at tumigil na ang bus sa bus station. Sa isang lugar kung saan nag iintay ang mga susundo sa mga pasahero andoon si Alfred at nakangiti. Masaya siya nitong sinalubong at kinuha ang bitbit niyang ecobag na me lamang mga damit. " Bakit ndi ka bumili ng bag para ndi sa ecobag nakalagay ang mga damit mo?" Ndi alam ni Lea kung matatawa ba siya o mahihiya sa tinuran ng binata. " Eh kasi kung saan ako kumportable yun ang sinusunod ko. " Pero maganda namang ideya yung bumili ng bag" haha, natawa na lang si Alfred sa sinabi niya pero unti unti na nitong nahahalata na parang me kakaiba sa kanya.
" Saan ga yung bahay niyo dito sa Lipa? * " Sa me Sampaguita', pero malapit na din maging ndi amin kasi ay mareremata na ng pagibig". Ewan niya kung naawa ba si Alfred sa tinuran ni Lea, siguro naisip nito, ' saan na titira ang mga inay mo?", " Ndi ko pa nga alam kung saan titira ang mga inay at kapatid ko". Medyo nagulat si Alfred kasi sinagot na ni Lea yung tanong niya kahit iniisip niya pa lang ito. " Bakit alam mo na iniisip ko yun, itatanong ko nga sana sayo? " Kasi nakita ko sa itsura mo medyo nag alala ka. " Ah, okay" , sabay kamot ng ulo. Siguro naisip din ni Alfred na maswerte siya kasi yung bahay na tinitirhan nila ay sa kanila. Ibig sabihin walang magpapaalis sa kanila doon at ndi na nila hinuhulugan pa. Tumigil na ang tricycle sa isa mga bahay na me pinturang puti. Ndi single detached at kabit kabit. ang mga bahay doon kaya kung ndi ka pamilyar ay malamang maligaw ka doon. " Tara na '", sabay turo ni Lea sa bahay na me gate na blue. Andoon ang inay ni Lea at pamangkin, habang ang kapatid niyang dalaga ay asa school pa. " Si Alfred ho, ipinakilala niya sa inay niya ang lalaki na ndi niya pa man naikukwento sa mga ito. Naka tingin lang ang inay ni Lea dahil ndi niya alam kung paano magsisimula ng conversation dito. " Kumain na ga kayo?" natatawa si Lea sa reaksyon ng inay niya at sa pagkalito nito sa ndi inaasahang bisita. " Ndi pa, gutom na nga kami." Naghain naman ng pagkain at juice sa lamesa ang inay ni Lea.