Ika Labing Pitong Kabanata

1082 Words
Maagang gumising si Lea, naisip niyang dalawin ang pamilya niya sa Lipa. Me pasok naman si Ron nung araw na yun kaya ndi siya nakasama kay Lea. Matagal na panahon na din nung huling napuntahan ni Lea ang kanyang ina at mga kapatid. Nakita niyang nag didilig ng halaman ang lola niya kaya marahang inabot ang kamay nito at nagmano. " Aalis po muna ako nanay, pupunta lang po ako sa Lipa. " Ano na nga ba ang nangyari sa bahay niyo, sayang naman yun kung makukuha lang ng pagibig." Nanlulumo si Lea na maaring mawala yung hinuhulugan nilang bahay sa kahit ano mang oras. Naalala niya, kulang na lang ilako niya ito sa bilao para lang merong bumili. Kelangan kasi niya noon ng pandagdag para sa pambayad ng ex niya. Pero wala talagang bumili nito. Bukod kasi sa 20 years pa ang natitira sa payment terms, mahirap humanap ng magbabayad ng malaking halaga kung pede naman nila hulugan ang bagong gawang bahay. Madami na kasing nag labasan na rent to own. Gayon pa man ndi naman agad agad naremata yung bahay kaya doon pa rin tumira yung nanay at kapatid niya, hanggang ndi pa nakukuha ng pagibig. " Nanghihinayang lang ako kasi kaya ko binigay yung para sa inyo ni John ay para meron kayong pang down sa bahay na pedeng maging sarili nyo. Para ndi na kayo mangungupahan." Ramdam ang lungkot sa boses ng lola ni Lea kaya napayuko na lang siya habang marahang lumalakad palayo. Siguro meron lang mga bagay na ndi para sa atin. Kaya kelangan lang kaya nating tanggapin kung ano man ang dumating sa buhay natin. Minsan mayroong mga bagay na nawawala sa atin kasi ndi talaga para sa atin. Ndi dahil ito ay isang parusa ngunit dahil merong plano ang Diyos para sa atin. " Naniniwala ka ba sa karma?". Isang curious na tanong mula sa isang kaibigan ni Lea. " na bigla niyang naalala. " Ahmn, ndi, kasi mas naniniwala ako sa Diyos. Kasi ndi naman lahat ng mabuti ay umaasenso at ndi lahat ng masama ay naghihirap." Para sa akin kung masagana man o ndi ang buhay, matututo pa rin tayong magpasalamat." Sa dami ng mas naghihikahos sa buhay, yung mabuti ngunit ndi pa rin sinuswerte, kelangan pa rin natin patuloy lumaban sa hamon ng buhay ng me pagpapasalamat sa Diyos. Ang blessing ng Diyos ay ndi palaging sa materyal na bagay,. Yung kasama mo ang mga mahal mo sa buhay, walang sakit at kahit paano ay nakakaraos din. Ang kayamanan ay blessing din kung nagagamit natin ito bilang pantulong sa kapwa at ndi kasangkapan sa paghihiganti o pagpapahirap sa kapwa. Mabilis naman nakasakay ng jeep si Lea at ganon din ng bus puntang Lipa. Naaliw siya habang nakatingin sa tanawin sa may durungawan. Mula sa mga naglalakihang building until unting naging mga puno at luntiang mga palayan ang kanyang natanaw sa may bintana. Tumigil saglit ang bus at merong mga nagtitinda ang sumakay para mag alok ng ibat ibang pagkain. Natuon ang paningin ni Lea sa naka pink na dalaga na nagtitinda ng donut. " Bili na po kayo mam, ₱150 po isang box na. " Natuwa naman si Lea sa magiliw na tinig ng nagtitinda, bukod pa sa simple at mapanghalinang ngiti nito. Yung ngiti na tutuo na kahit medyo mahirap ang buhay ay naka smile pa rin ito. " Sige bigyan mo ako ng 2 boxes yung assorted." Bakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan na at last me bumili na rin sa kanya . Nakaramdam rin ng tuwa si Lea na bukod sa meron siyang pasalubong sa nanay at kapatid niya, meron na ding sales ang dalaga. " Thank you po mam, God bless". Nakakarelate si Lea, lalo na at siya man ay sa sales din nagtatrabaho. Kaya kapag me pagkakataon na mabilhan niya ang mga nakikita niyang nagtitinda mapa sampaguita man iyon, o lumpia o mani ay masaya na siya. Nakangiti siya habang tinitignan ang biniling donut, naalala niya nung mga bata pa sila ni Emily at isinama niya ito para bumisita sa lola niya. Pauwi na sila at iniabot sa kanya ni Emily ang pamasahe nilang dalawa pauwi ng Lipa " ikaw na ang maghawak ng pera para pambayad sa kunduktor pupunta lang akong saglit sa CR. " Ilalagay na lang ni Lea ang pera sa pitaka ng me lumapit sa kanyang nagtitinda ng donut. " Bili ka na ate, wala pa kasi akong benta". Medyo naawa naman si Lea sa nagtitinda at dahil gutom na rin siya agad niyang binilang ang pera at nangiti siya dahil sobra ng bente. " Magkano ba yang donut mo? " ₱10 pesos po ang isa. Agad naman niyang iniabot ang pera sa binatang nagtitinda. " Dalawang Bavarian lang", parang kumislap ang mata ng tindero na sa wakas nagka sales na rin siya. " Salamat po ng marami Ate". Sumenyas naman si Emily na sumakay na siya at susunod na ito sa kanya. Wala na halos bakante kaya doon siya tumabi sa upuan kung saan meron ng manong na nakaupo. Ngumiti naman si kuya manong dahil siguro natuwa din ito sa kanya. " Kuya wala pa po bang nakaupo dito, sabay turo niya sa dalawang bakanteng upuan. Wala ineng, sabay ngiti ng lalaki na sa tantya niya ay asa mahigit 40 years old na. Si Lea ay 18 pa lang noon at si Emily ay 22. Umupo na ang magpinsan at iniabot ni Lea ang isang pirasong donut Kay Emily. " Wow galante ah, me palibre ka pa talaga. " haha, tawa naman si Lea. " Asan na ang pamasahe natin?" pabulong na wika ni Emily. " Dito sa pitaka ko. " Ay siguraduhin mong walang nag patak at exacto lang yun". Biglang kinabahan si Lea kasi sa bilang niya ay sobra iyon ng bente. " Ano ka ba me sobrang ₱ 20 yun nung binilang ko". Agad namang kinuha ni Emily ang ticket na binayaran niya kanina nung papunta pa lang sila ng Maynila. Medyo kinabahan si Lea, pero mabilis na itong nagiisip ng paraan. " Hala ka talaga, kulang na ang pamasahe natin". Dahil nga mga bata pa sila, ngumiti lang si Lea sa katabing manong at humingi ng tulong. " Kuya pede ho kanyang maka hiram ng bente sa Inyo, nagkulang lang kasi ang pamasahe namin ng ate ko." Sige ineng, kung ndi mo lang kamukha si Sheryl Cruz ndi kita bibigyan". Nakita niyang tawa ng tawa si Emily sa tabi niya.. Haha, Sheryl ka pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD