Ndi na masyadong iniisip ni Lea kung possible ba na yung kachat ni Alfred ay yung kakilala niya, para sa kanya ndi naman natin mapipigilan ang tao kung saan nila gusto. Mas importante malaman niya kung sino ba talaga ang nag utos kay Alfred at kung paano niya maayos ang problema na ito. Ndi man direktang sabihin batid ni Lea na darating ang panahon na matutukoy din niya kung sino sino ang mga kasama ni Alfred. Merong mas higit na kahulugan ang mga binibitawang salita at kung me kakayahan tayong obserbahan ito ng mas mabuti malaman natin ang tinatago nilang kahulugan. Naalala niya noon habang nag punta sila sa isang salon na habang ginugupitan siya ng buhok ng isang hairstylist tinanong nito si Alfred. " Taga Batangas ka rin ba?", tumango lang si Alfred at nawika ng mangugupit, " Sa tingin ko ndi naman na iistress si mam, sabay tingin kay Lea," , ang ngiti ay naging isang malakas na halakhak " Kumunot ng bahagya ang noo ni Lea, " Isa siguro ito sa mission ni Alfred, at medyo nakaramdam siya ng pag aalala na kahit ndi niya mga kakilala ay merong alam sa nangyayari sa kanila.
Bakit kaya merong mga taong pumapayag maging kasangkapan sa paghihiganti sa kapwa. Kung pede niya na lang maayos na kausapin yung tao kesa ginusto niyang hiyain sa karamihan. Ang kasalanan sa kapwa ke maliit man o malaki ay parehong kasalanan. Minsan sa pagtataas natin sa sarili nakakalimutan natin na tayo din ay nagkakasala. Nakakalungkot kung sa pagkukumbinsi natin na mabuti tayo at ang iba ay masama na sa huli yung pilit nating hinuhusgahan ay napunta sa langit at yung humuhusga at nag manipula ng kapwa ay sa impyerno. Walang kahit sinuman ang me karapatang manghamak o magparusa ng kapwa upang patunayan ang kapangyarihan nila. Ang totoong mabuti ay ndi nag eenganyo ng bullying, pagpapahirap sa kapwa at pagsasali sa ibang tao para mamuhi sila sa mga kaibigan, sa kapwa, sa kapamilya o kahit sa Diyos. Kailangan muna natin tangapin na ndi tayo perpekto at wala tayong karapatang manghamak ng kapwa kahit pa meron tayong position, kayamanan o impluwensiya sa lipunan.
Sobrang tahimik ni Alfred habang nakatingin lang sa kanya si Lea at natandaan niyang yumuko lang ang binata habang panay parin ang ngiti ng nag gugupit ng buhok. Meron mga bagay na mas mabuti kung ndi na natin itanong pa kung alam naman natin na ndi aaminin ng taong involved, maaring ndi pa siya handang sabihin o mabigat ang dahilan niya sa ndi pag amin. Nagulat na lang siya na naalala siya ulit na i message ni Alfred.
" Musta ka na Lea, kumain ka na ga?". Nagulat si Lea na biglang nag chat si Alfred sa kanya. Mahigit dalawang araw na ndi nag message ang binata kahit nag online at offline status ito at ndi binabasa ang message niya. Medyo naapektuhan siya sa ginawa nito kahit pa batid niyang isa ito sa mga paraan ng mga taong me pakay na saktan siya. Ganon pa man tinanggap niya at inihahanda ang sarili sa kung ano ang susunod. " Mabuti naman, kakatapos lang namin kumain ni Ron. " Ikaw, musta ka naman?. " Ayos lang naman ako, andito lang ako sa bahay, bahite kaya ndi makagala,haha." Natawa rin si Lea sa tinuran ng binata. " Pero mamaya meron akong pupuntahan, meron kasi akong gagawing drawing tapos tattoo kaya me sideline ako,hehe." Mabuti kung ganon" Tipid ang mensahe ni Alfred at nagpaalam ito agad agad kay Lea. " Good luck galingan mo". Masaya si Lea at meron pagkakakitaan si Alfred. Nararamdaman niyang mabait ito ngunit minsan mas nanaig ang pangamba o pagsasa alang alang niya sa mga personal na layunin o mga mahal sa buhay. " Ingat ikaw palagi Lea" matipid na message niya. " Ikaw din Alfred".
Mabagal ang oras nuong araw na yun kaya nanood lang muna si Lea sa fon na madalas niyang ginagawa. Natuon ang attensyon niya sa isang content kung saan inilagay sa isang garapon ang pula at itim na langgam. Maayos namang namumuhay ang parehong uri ng insekto kahit magkaiba ang kulay nila. Mayamaya ay kinuha ng binata ang garapon at mabilis na inalog ang lalagayan. Ilang saglit pa ay nag away away na ang mga langgam sa loob ng garapon. Merong mga namatay at ang iba ay pilit isinasalba ang sarili habang marahang lumalakad palabas ng garapon.Ang mga kaawa awang langgam ay napilitang lumaban na lang dahil nakasarado ang garapon kaya ndi sila makalabas. Tawa pa ng tawa ang content creator at parami ng parami ang mga nag comment at nag susubscribe sa Channel niya. Habag ang naramdaman ni Lea sa mga langgam, dahil gusto lang naman nilang mabuhay ng tahimik. Ndi ang pula o itim na langgam ang tutuong magkalaban ngunit dahil meron mga taong gustong gumawa ng pera kahit ndi maganda ang kanilang content kelangan nilang iligtas ang sarili. Kung tutuusin yung naglagay sa kanila sa garapon at nag alog ng bote ang tunay na kalaban at me masamang intensyon.
Manipulation ang isa sa tawag sa pagkakamit ng kapangyarihan habang ineenganyo ang iba na kalabanin ang kapwa kahit wala itong kasalanan sa kanila. Marami sa mga tao sa mundo ang ndi batid na isinasali sila sa isang laro ng mga taong asa mataas na posisyon o kapangyarihan. Ang nakakalungkot ndi nila batid na pinag uusapan na sila ng mga tao at sila ay bahagi na ng isang content at pinag uusapan sa group chat ng ndi nila alam.
" Kumusta ka na Lea" si Jane ang nag message sa kanya at binati niya rin ito katulad ng dati. " Malapit na akong magbakasyon dyan sa Pinas, message kita tapos magmeet tayo ha". " Oo sige, matagal na nga noong last kitang nakita" reply ni Lea " Kaya nga, eh musta na kayo ni Alfred". " Mabuti naman, Pero dalawang araw siyang ndi nag message sa akin kahit naka online naman, ndi ko na lang tinanong kung bakit". " Baka busy lang," sagot ni Jane sa kanya. " Pede nga na ganon". " Ay siya sabihan na lang kita kung kelan ako uuwi, bye na" ." Sige Jane ingat ka dyan palagi. Umasa naman si Lea na tutupadin ni Jane ang pangako niya.