Ika Anim na Kabanata

1393 Words
Tumawag si Emily para kamustahin siya, good vibes palagi pag si Emily ang kausap niya. Pero this time ndi siya pede maging okay pag nagbalita ng malungkot na pangyayari. " Musta na, ano bagong ikukwento mo sa akin", huminga siya ng malalim, bago sinabi yung tungkol Kay Bam. " Nawala na yung isa sa kaibigan ko sa opis" ." Ha? , saan siya nagpunta medyo curious na tanong ni Emily sa kanya" meron mga bagay na mahirap sabihin ng diretso kaya minsan gumagamit tayo ng mas magaan na salita at umaasa na maiintindihan tayo ng kausap natin. " Nagkasakit kasi siya tapos ngayon wala na siya", Mahirap talaga sabihin ang salitang namatay o patay kasi alam mo ndi mo na makikita ulit yung mga taong dati ay naging bahagi ng buhay mo, tumulong sayo sa panahon ng pangangailangan at kasama mong tumawa at mag celebrate sa magagandang yugto ng buhay mo. Kahit ndi niya kita batid niya nalungkot si Emily para sa kanya. " Malungkot talaga pag nawawalan ng kaibigan, pero lahat naman mamatay,. Iiyak ka ba pag nawala ako? ," kahit biro ndi siya natuwa sa tinuran ni Emily, kahit pa nga lahat nanan mawawala sa mundo. " Ano ka ba ang pangit naman ng tanong mo". Ndi pa niya matanggap sa puso niya ang nangyari kay Bam tapos ikaw naman ang susunod. " Wag ganon, habang umiiling siya para alisin ang masamang ideya. Sa isip niya madami pa tayong magagandang lugar na pupuntahan, masasayang pagsasamahan. Si Emily ang best friend niya mula pagkabata, ito ang nakasama niya sa mga pinaka mahihirap na panahon ng buhay niya. Siya yung umiyak nung iwan siya nung ex nya at nag text don sa girl bakit nila ginawa yun sa kanya. Wala pa siyang nakilala na kaya siyang ipagtanggol sa kahit kanino pa ng tulad ni Emily, maliban siguro sa lola niya. " Alam mo Lea, kung sa langit naman pupunta wala kang dapat ipagalala. Bihira ka makakakilala ng tao na ang concepto ng buhay ay ndi naka depende lang sa buhay sa mundo, si Emily ay isa doon. " Ano bang itsura mg langit?," nagkatawanan sila sa tanong ni Lea. " Sa bible , ang description nito ay " Isang lugar ng walang-hanggang pag-ibig at kapayapaan, kung saan ang Diyos ay nangingibabaw at nagbibigay ng kagalakan sa mga taong naniniwala at sumusunod sa Kanya. Ito ay isang lugar ng walang sakit, walang luha, at walang pagdurusa, kung saan ang mga tao ay makakasama ang Diyos at magtatamasa ng walang-hanggang buhay." Sa sobrang relihiyosa ni Emily madali lang sa kanya ang mga ganitong tanong. " Sa langit ndi ka huhusgahan sa kung anong mga materyal na bagay ang meron ka, ndi sa dami ng pera o taas ng posisyon, kundi sa pananampalataya mo sa Diyos.' Kaya Lea kung iiyak ka man pag nawala ako, iisipin mo plagi mas magandang lugar ang pupuntahan ko. Wala namang taong ayaw pumunta sa langit pag namatay. Kaya kung merong paraan para mahikayat natin ang iba, gawin natin. Sa mumunting paraan, tulad ng magbigay ng lakas ng loob sa mga nalululumbay o na dedepress o wag dumagdag sa stress ng kapwa. Meron mga taong kasiyahan na pahirapin ang sitwasyon ng kapwa tapos ay kunwari tumulong dahil nasiraan na ito ng bait sa stress o depression na dinulot rin naman nila. " Plagi ka lang magdadasal" bilin ni Emily, kasi yung discernment makukuha mo pag malapit ka sa Diyos. Ibig sabihin alam mo kung kelan ka gina gaslight o pinaniniwala sa isang huwad na realidad ng mga galit sayo at kukumbinsihin na kunwari na nasisiraan ka ng bait." Lea madaming tao ang gumagawa nito para makapag higanti at gawing miserable ang buhay ng kapwa. Kaya napaka importante ng pag darasal palagi." Parang Isang liwanag sa dilim ang mga salitang tinuran ni Emily. Naghanda na ng tanghalian si Lea para sa kanilang mag ina. Nagprito siya ng spam at kumuha ng prutas sa ref. Pagkataoos kumain gumawa na ng assignment niya si Ron habang binasa ni Lea ang bagong message ni Alfred. " Kumain ka na ba? Oo, sagot naman ni Lea. Anong ulam mo? pinicturan ni Lea ang kanin at ulam na niluto niya para sa kanilang mag ina. Pareho ang paraan ng pag memessage nung unang nakilala ni Lea sa f*******: at ni Alfred. Pero mas mabait kausap si Alfred at ndi ito mayabang. " Ikaw ba kumain ka na?". Oo nagluto ako ng adobo. Mukhang masarap magluto si Alfred parang ganito ang itsura ng adobong niluluto ng nanay ni Lea sa probinsiya.. " Kain tayo, alok ni Alfred sa kanya. " Salamat " matipid na sagot niya. Naikwento rin ni Lea ang tungkol sa namatay niyang kaibigan , ' Hmmm. ganon ba, eh di namumugto ngayon ang mata mo sa pag iyak?. batid niya ndi ito si Alfred. " Oo na lang ang isinagot niya kesa itanong niya pa bakit walang habag sa paraan ng pagsagot nito. Sa Isang taong nagdadalamhati dahil nawalan ng mahal sa buhay, normal na mag sabi ng condolence o nalulungkot ako sa nangyari sa kaibigan mo. Pero iba iba naman ang tao kaya Oo na lng ang isinagot niya para tapos ang kwento. " Bukas pa kami pupunta doon para madami kaming kasama". Nagpadala ng picture si Alfred pero sa background meron isang babae na blurred ang kuha pero ndi naman iyon ang nanay niya. " Sino ang kasama mo dyan? " tanong ni Lea. "Wala ako lang". Nasabi na ito ni Emily kanina kaya batid na niya Isa itong uri ng gaslighting. Para kay Lea, ayos lang naman maging mabait pa rin sa ibang tao kahit batid mo ng meron silang ibang motibo. Paano mo malalaman kung sino sino sila kung ndi mo hahayaan muna ang gusto nila. Imbis mainis Kay Alfred naawa siya na kelangan nito magpangap.Sa isip niya ano kaya ang makukuha ni Alfred dito? Kahit alam niyang wala itong trabaho, ndi ito naghihirap, kasi maganda ang bahay nila at halos asa abroad lahat ng mga kapatid nito. Siguro mas mahigit pa sa pera ang dahilan nito kaya hinayaan niya para ma diskubre kung bakit nila ginagawa ito. Mas maaga kesa sa normal na pasok sa opisina ang balak ni Lea. Inayos niya ang susuutin ni Ron, nag order sa foodpanda at iniabot ang baon sa eskwelahan. Pagkapos magpaalam kay Ron, nagmano siya sa lola niya na noon ay nagdidilig ng halaman sa kanyang munting hardin. Lumakad na siya patungo sa sakayan ng jeep at tulad ng dati milya milya na naman ang haba ng mga pasahero byaheng Ayala. Nakasakay naman si Lea as usual, tinignan niyang muli ang mga litrato sa gallery niya at f*******: post. Me mangilan ngilan siyang friends sa f*******: na ndi niya personal na kakilala. Napa add lang sila noon panahon na hinahanap niya pa yung ex nya. Kung kani kanino na siya nag tanong dahil ndi naman sinasagot ng pamilya ng ex niya kung asan na ito.Alam niya lang nakauwi na ito pagkatapos niyang makiusap at halos mag makaawa sa mga boss ng pinagtatrabahuhang kumpanya. Kung nag sabi sila ng tutoo matatanggap namn niya. Pero ganoon pa man siguro mabigat ang dahilan nila. " Kaya mo bang ipagpalit sa pera ang kinabukasan ng kapwa mo?." Noong panahon na maayos pa ang samahan nila, naitanong na ito sa kanya nung Isang dating kaibigan niya. " Alam mo Lea, gagawin ko ang lahat basta mabili ko lang ang mga bagay na gusto ko, yung tipong ndi ako titinggin sa price tag kasi afford ko kahit ano. Wala naman masama mangarap o hanggarin ang maginhawang buhay, basta ndi mo kakailanganin ipahamak ang kapwa mo. Kasi walang kapantay ang halaga ng buhay lalo na at pamilya mo o malapit sa puso mo.", Alam mo Len, kung walang kondisyon ang pagyaman at wala kang ikokompromisong tao ayos lang yun, pero kung gaganda ang buhay mo kapalit non sisirain mo ang buhay ng iba.mali yun. Lalo at naging mabuti sayo ang taong ipapahamak mo.Ndi niya maintindihan pero habang tinitignan niya si Len ndi siya nakakita ng pagkabahala sa mukha nito. Basta tinignan lang siya nito. "Mi, tawag ni Dhez kay Lea, dito ka Mi umupo, tumango lang si Lea sabay nag thank you kay Dhez. " Akala ko ako naman ang mag rereserve ng upuan mo, pero ikaw pa rin mas maaga dumating. " Syempre Mi, sabay ngiti niya kay Lea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD