Off ngayon ni Lea saktong payday din. Sunday off kaya naisip niyang ipasyal si Ron. Market Market ang pinakamalapit na mall sa tinutuluyan nila. Isang sakay lang ng jeep tapos andoon na sila. Maagang gumayak si Lea inayos na din niya ang susuutin ni Ron at sinabihan na din niya itong lumigo. Pagtapos matuyo ang buhok ni Lea, saktong nakalabas na din si Ron ng banyo. Ndi na sila nag almusal dahill 10:30 na din naman. Doon na sila maglulunch mag ina. Ndi man nagsasalita masyado si Ron batid niyang masaya ito dahil ibang lugar ang pupuntahan nila at ndi usual na eskwela at bahay. Pasado alas onse na rin nung makarating sila sa Market Market. Ndi naman ito ang unang pagkakataon na nakapasyal sila dito na mag ina. Dumeretso sila sa 2nd floor kung saan kumain sila sa McDonalds tapos nanood sila ng sine. Inside out ang pamagat ng pelikulang kanilang pinapanood. Pareho silang mag ina mahilig sa cartoons. Ang kwento ay tungkol sa 11 year old na batang babaeng, si Riley. at kung paanong ang paglipat nila ng tirahan ay nakaapekto sa emotion ng bata. Naka relate si Lea sa kwento at naramdaman niyang ganoon din ang kanyang anak. Nakailang beses kasi siyang transfer ng school at ganon din si Ron. Mahirap talaga mag adjust pag kelangan mong umalis sa isang lugar na nakasanayan mo na. Malungkot iwanan ang mga dating kaibigan, kakilala o kapamilya. Ganon ang nangyari Kay Riley sa istorya at nakatingin lang si Lea kay Ron kasi batid niya kahit ndi ito nagsasalita iyon ang naramdaman ng anak niya. Bago sila lumipat sa Maynila meron silang rent to own na bahay na hinuhulugan. Madaming good memories sa bahay na yun, mga kamag anak na nakasama nila at tumira kasama nila. Ndi naman niya ipinag damot ang tahanan na yun lalo na at makakatulong ito sa iba. Nag aral si Ron sa isang Christian school at doon meron siyang ilang nakasama na tinuturing niyang kaibigan. Maraming mababait at matulunging estudyante Kaya comportable si Ron sa eskwelahan na yun. Ganunpaman kelangan na nilang umalis sa bahay na yun kasi wala na silang pambayad..
Tumitingin sa taas tapos binabalik niya ang tingin kay Ron kasi habang gusto na niya humagulhol sa lungkot ng istorya nakatingin lang si Ron sa big screen habang kumakain ng popcorn. Siya na lang ang umiyak, kasi pag malungkot naman talaga choice mo na umiyak, Ganon ginawa ang emosyon pero ndi naman lahat ng tao ay parepareho, kaya pagtapos niya pahirin ang luha, tinanong niya si Ron kung maayos lang ba ito. Bahagyang tumingin sa kanya ang anak sabay sabi ng opo. Madalas ganito talaga si Lea pagnanood ng sine maliban na lang pag si Emily ang kasama niya, kasi alam niyang aasarin siya nito pag bandang iiyak na siya kaya imbis maiyak tatawa na lang silang dalawa.
Me oras pa para pumunta sa timezone, gusto niya sulitiin ang off kasama ang anak kaya pumila siya para mag pa load 150 sa card na naitabi na niya sa wallet, Nag selfie sila mag Ina para remembrance na nuong araw na yun pumasyal silang dalawa. Para kay Lea importante ang mga litrato kasi bukod sa mababalikan mo ito sa panahong gusto mo mag senti, ito na lang ang matitignan ng mga mga mahal mo sa buhay kapag ikaw ay nawala na sa mundo.. Natapos ng masaya ang araw at nag post na din si Lea ng mga litrato sa f*******: niya. Marami pa noong mga kaibigan at kamag anak ang nag like at nag comment sa f*******: niya. Dati mahalaga pa kay Lea kung naglike ba yung mga importanteng tao sa buhay niya. Pero dadating pala sa panahon na para ma protektahan ang sarili niya at mga mahal sa buhay mas pipipliin na lang niya maging private.
Umuwi sina Lea at me dala siya pasalubong para sa lola niya Ngumiti ito sa kanya at nag thank you kay Ron. Palaging masaya at nagpapasalamat ang lola niya kahit sa simpleng bagay na maibibigay mo sa kanya. Ndi niya ito naririnig mag reklamo at sobrang positibo ng pananaw sa buhay. Pumasok silang mag ina sa bahay at sa pagod nakatulog agad si Ron. Kanina niya pa naririnig ang notifications sa fon niya, pero mas minabuti niya na lang itong basahin pag dating sa bahay. " Hi Lea, musta ka na. kumain ka na ba? " message ni Alfred sa chat. Ikinuwento ni Lea ang nangyari sa buong araw at napansin niya din na nag like si Alfred sa post niya. " Nag enjoy naman kayo sa bonding nyo ni Ron? " tanong na obvious ang sagot na message ni Alfred. " Oo" , matipid na response ni Lea. " Oi wag mo kalimutan, magkikita tayo sa birthday ko". Hindi agad sinagot ni Lea ang chat kasi nag iisip pa siya. Kaya inulit ni Alfred ang tanong. Napiilitan na lang si Lea.na sumagot " Sige. " Sleep ka na ba? tanong ulit ni Alfred. " Oo ".. " Goodnight sweet dreams" ,tapos me heart sa dulo na reply ni Alfred. Hindi na masyado pinagtuunan ng pansin ni Lea kung si Alfred ba o ndi ang nag memessage sa kanya. Gusto niya lang malaman kung sino sino ba ang gagawa ng ganito sa kanya.
Mahimbing ang tulog niya nung gabing yun, merong mangilan ngilan imahe ang nakita niya sa kanyang panaginip. Isang lalaking naka jacket ang nakatitig sa kanya. Nakamasid ito at dahan dahang lumalapit. Ndi niya mawari kung ano ba talaga ang pakay nito sa kanya pero galit ang itsura nito. "Pssttt.. dito ka pumunta dali.", tinig ng Isang babae ang kanyang narinig. Nakaputi ito at mukhang nag aalala sa kanya. Ndi na niya tinanong kung bakit, basta sumunod na lang siya sa pakiusap nito. Naglaho ang lalaki at nang mag papasalamat na siya sa babae ito ay nawala din sa kanyang paningin. Napabangon siya para kunin ang fon niya dahil sa sunod sunod na tunog ng notification. Laking gulat niya sa masamang balita na natanggap niya nuong araw na yun.. " Mi Wala na si Bam". galing kay Dhez ang chat. Tumulo ang luha niya at naisip niya siguro si Bam yung napanaginjpan niyang babae st kahit doon tinulungan pa rin siya nito.
Ganito ang buhay, ndi mo masasabi kung kelan ba at paano matatapos, Tinignan niya ulit yung mga pictures nila at yung last message nito sa kanya. " Mi pag labas ko sa ospital mamasyal ulit tayo nila Dhez, bibili tayo dun sa bancheto na malapit sa opisina" Sige Bam, sa ngayon magpagling ka muna, magpa lakas tapos lahat ng plano mo gawin natin yan. Puno ng pagasa si Bam na gagaling siya, noted Mi" tapos ndi na ulit nag reply ang kaibigan niya. Napatingin ulit siya sa message ni Dhez. " Mi inaayos pa nung family ni Bam yung paglalabas sa kanya sa ospital, ka chat niya yung anak ni Bam at nagbibigay sa kanya ng update." Dhez pupunta ba tayo mamaya kina Bam" tanong niya Kay Dhez. Mi bukas na po, para madami tayong kasama." reply ni Dhez. Marami din kaibigan si Bam sa opis, bukas mag rerent sila ng sasakyan para after shift diretso na sila sa mga ito.
Ndi na siya nakatulog muli pasado alas singko pa lang at nang sumilip siya sa labas nakita niya ang lola niya na nagwawalis. Kahit mahigit 80 years old na ang edad nito malakas at masigla pa rin. Ndi mo mahahalata sa kanya ang edad dahil madami pa rin itong nagagawa sa bahay at kahit yung munting tindahan na kanyang binabantayan araw araw ay nagppatunay ng tiyaga at sipag. Madaming magagandang kwento kung paanong sa mahirap na buhay ay unti unti nilang naitaguyod ang pamilya. Lahat ng pitong anak napag tapos nila ng pag aaral. Bihira lang ang samahan na tumatagal ng ilang dekada, na patuloy ang pagmamahalan at pagiging devoted sa isat Isa, pero ang lola at lolo niya napatunayan na possible itong mangyari.