Ika Apat Na Kabanata

2195 Words
Naalala ni Lea yung unang nakilala niya sa f*******:, parang ganon din. Panay message sa kanya pero nung nagkita sila, sabi ayaw daw niya ng nag tetext kasi tamad siya mag message. Isang beses niya lang nakita yung lalaking yun pero tinandaan niya ang sinabi nito ' Nurse kasi yun. napakunot noo siya "Ha, ano yun? " tanong ulit ni Lea pero nung ipinaulit niya para I confirm ngumiti lang ito na parang walang narinig. " Alam mo Lea madaming nagagawa ang pera, kaya nitong bilhin kahit ang mga akala mo ay kaibigan at nagmamahal sayo". Minsan ayaw niyang umayon sa mga ndi magandang katutuhanan. Pero yun kasi ay realidad, marami ang ipagpapalit ang pagkakaibigan, yung mabuti mong nagawa at naitulong para guminhawa lang ang buhay nila. Nakita niya na lang tumutunog na yung phone niya at ng sagutin niya, narinig ulit yung nakakaaliw na puntong Batangenyong salita ni Alfred. " Oy video call eto' na parang ndi alam ni Lea eh obvious nman dahil kita niya ito at ang malaking aso habang hinihimas ang balahibo bago niya ipakilala kay Lea. " Si Tropa ito, hehe, bumati ikaw kay Lea. " Hi musta ka Tropa, inunahan na lang ni Lea dahil ndi naman tlaga makakapagsalita yung aso. "Arf arf " , parang may isip na kumahol kahol si Tropa. " Mabuti daw, sagot naman ni Alfred" nagkatawanan sila na parang interpreter si Alfred ng mga aso. Dalawa tong aso namin, Yung Isa maliit at cute si poochie. Noon ndi pa nakaranas mag alaga ng aso si Lea kaya hanga siya sa mga taong matiyaga na nagaasikaso sa mga nakakatuwang mga pets nila. " Ito muna ang pinagkkaabalahan ko ngayon, habang wala pa akong trabaho. Mabait at masiyahin si Alfred, pero pag obserbahan mo siya parang meron siyang mga bagay na gustuhin niya man sabihin ay ndi niya magawa. " Me problema ba?" tanong niya kay Alfred dahil parang meron siyang iniisip at kita yun sa kanyang mata. Ngumiti siya ng bahagya " Birthday ko na kasi next week" , kaso wala pa akong pera. hahaha. Kung ibang babae madali lang ma turn off kapag walang trabaho ang Isang lalaki, pero ndi maipaliwanag ni Lea kung bakit meron nman nagkakagusto sa kanya na magaganda ang work pero sa mga walang trabaho siya nagkakagusto. Sa isip niya kasi sila yung humble, haha o talaga lang ndi siya compatible sa ibang mayaman at professional na nanligaw sa kanya. "Advance happy birthday sayo" Maligayang bati" English Tagalog ang version ng greetings niya kaya natawa si Alfred baka gusto mo na rin akong kantahan ng Happy Birthday" request ni Alfred. " Oo ba, pero sa birthday mo na lng". Kelan ba yun?.sa 23 sagot naman ni Alfred. " kung makakadelihensiya ako ng pamasahe, yung pang handa na lang ang kulang. hahaha. imbis ma turn off parang lalo pa nahulog ang loob ni Lea sa binata, cguro me pagka enggot lang tlaga si Lea " Lakas ng tawa mo ah, tutuo yun haha. " pero kung ayos lang sayo na magkita lang tayo para kasama kita sa birthday ko salamat in advance hehe. Medyo naawa si Lea na gusto nito makipagkita sa kanya pero wala itong pera. Nun nkalipat sila ni Ron sa apartment ng lola niya ndi na siya gaano nagigipit kumpara sa noon asa lipa pa siya. Mula kasi nagsimula siya mag trabaho siya na ang tumayong bread winner ng pamilya. Panganay sa 5 magkakapatid pang " Malaala Mo Kaya" ang istorya ng buhay niya, pero tinanggap na niya. " What to do, that's life"." Sige Sige kahit kkb na lang tayo.". haha, ndi Naman nag blush ang mukha ni Alfred, ibig sabihin ayos lang yun sa kanya.. Mamaya ulit Lea, igagala ko lang si Tropa doon sa damuhan. " Sige" , matipid na sagot ni Lea. Itinaas ni Alfred ang paa ni Tropa, mag babay na ikaw kay Lea, nag flying kiss si Alfred at sa isip ni Lea " hayys, ano bang pag kaka cute naman nareng si Alfred. Sakto namn pang tatlo na siya sa pila ng jeep puntang opisina. Sa byahe nilibang ni Lea ang sarili sa pag tingin sa mga old pictures niya. Madami na palang nangyari, yung cute na baby boy na si Ron ngayon ay binata na. Andon yung picture nila ng mga kapatid niya, nanay niya mga pamangkin, lola at mga pinsan, mga dating kaibigan at mga present na friends. Madami siyang masasayang alaala na sa picture niya na lng makikita. Nangiti siya dahil pictures lang ang naipon niya, walang pera. Noong bata pa siya mataas naman tlaga ang ambisyon niya. Gusto niya makabili ng bahay, sasakyan at magkaroon ng sariling pamilya. Naalala niya medyo malapit na sana siya doon sa mga plano niya, pero ndi yun nangyari ng tugma sa inaasahan niya. Kapag ba ndi umayon sayo ang tadhana o nawala sayo ang mga bagay na dati ay meron ka, mag gigive up ka na lng ba? Kay Lea wala ito sa bokabularyo niya. Makikita niya sa harap niya na gumuguho lahat ng nasimulan niya, o nawala yung ibang mahalagang bagay sa buhay niya, pero patuloy pa rin siyang magpupursigi. Iyon kasi ang nagagawa ng pagasa at pananampalataya. Pinapalakas nito ang loob natin. Mahaba pa ang byahe ng jeep at sa durungawan nakita niya ang dalawang batang babaeng naglalaro.. Ganito kami dati ni Emily, walang problema, chill chill lng. Nakangiti siya habang inaalala ang carefree days, yung panahong wala pang masyadong mga problema. Sa probinsya kung saan sila lumaki nangunguha sila ng siit o maliit na sanga ng puno para gawing pang gatong sa maliliit na palayok na nilalagyan nila ng kanin at konting asukal. Si Emily ang nanay at siya palagi ang anak. Napangiti siya sa idea na ndi kasi siya magaling sa gawaing bahay, ndi katulad ni Emily. Sobrang matured na magisip kahit kung tutuusin 4 years lang naman ang agwat ng edad nila pero madami na itong alam sa buhay " O Ayan luto na" , wika ni Emily habang inilalagay ang kanin sa dahon ng saging. Ganito noon ang laro ng mga kabataan, since ndi pa uso noon ang celfon at computer. Tuwang tuwa sila na kumain tapos kukuha sila ng isda kapartner ng niluto nilang matamis na kanin.' Alam mo Emily pede naman tayong sumandok na lang ng kanin sa kaldero nyo di ba? Nausukan ka pa tuloy. haha tawa si Emily kasi ndi naiintindihan ni Lea na iba kasi pag pinaghirapan mo, iba yung pakiramdam. Oo na lng ang sagot ni Lea kahit pareho lang naman ang lasa. Nakita niya ulit kumakaway si Dhez signal na meron ulit siyang reserve na upuan at ndi siya malalate sa trabaho. ' Mi daliaan mo 10 mins na lang" Ano ka ba Dhez last time nga 7mins umabot pa ako. hehe, ngisi ni Dhez sa sobrang kampante ng kaibigan niya. " Kaw bahala mi, ndi naman parepareho ang panahon". Dali daling nag login si Lea sa computer, Isa dalawa tapos tatlong try pero incorrect password. Tawa ng tawa si Dhez sa itsura ni Lea na nagsisimula ng mag antanda habang pabulong na nagdadasal. " Sabi ko na sayo Mi.' 4 min na lng ng maalala ni Lea na nagpalit pala siya ng password. "Haisst , ga hibla na lang ng buhok, untik na ko ma late." lakas ng tawa ng dalawa sa sobrang taranta ni Lea". Nag ready stats na siya at nag accept ng call kahit mabagal na bumubukas pa lang ang mga system tools sa computer. Panay lang ang rapport niya sa customer kasi ndi pa nya maibigay ang eksaktong sagot. Merong mga customers na ma appreciate yung nakipag usap ka muna sa kanila, small talk , human connection pero merong mga nag mamadali na ayaw ng paligoy ligoy." Grabe, buti mababait yung mga nauna kong kausap, cguro sa dami na ng naikwento nila tungkol sa anak nila, asawa nila, sa trabaho nila halos kilala ko na sila, pero ang gusto lng naman malaman ni customer ay kung magkano babayaran niya sa existing service niya at kung me available bang internet sa address niya Masaya si Lea pag andyan si Dhez, swerte magkapareho sila ng team kaya halos Araw araw silang nagkikita sa opis. Bilang sa daliri ang itinuturing ni Lea na kaibigan, ndi kasi siya miss congeniality, pag meron kakausap sa kanya sa opis, kakausapin niya din pero ndi lhat pede mo pagkatiwalaan. Meron mga kaibigan na sasamahan ka sa hirap o ginhawa pero merong ipapahamak ka for their own benefit. Si Dhez at Bam.ang itinuturing niyang close friends sa opisina, Meron nmang mababait din tlaga sa kanya, acquaintance o mga kakilala. Wala si Bam nung araw na yun, kaya nag alala siya sa kalagayan ng kaibigan. Last week nagpunta pa sila sa birthday nito at binilhan niya pa ito ng cake. " Dhez bakit absent SI Bam?" pabuntong hiningang sumagot si Dhez." Ang alam ko mi, me sakit siya asa ospital . Nakaramdam ng lungkot si Lea, lalo naalala niya yung huling usap nila sa bhay nito nung birthday niya. " Oy mi Lea, kilalanin mo muna ng mabuti yung mga tao bago ka magtiwala sa kanila. Baka magaya yan doon sa huling nakilala mo na pinadala lang para lokohin at saktan ka. Madaming taong magpaplanong ipahamak ka kesa alamin muna kung ano talaga ang pinagdaraanan mo. Mula ng nauso ang group chat naging paraan na ito ng iba para mam bully, gumanti o pagkakitaan ang content na tungkol sa buhay na iba. Masaya sila nag uumpukan at binabash ang kapwa gayong sila ay ndi rin naman. perpekto. " Wag ka mag alala sa akin Bam, kung ano naman ang mangyari ndi ako pababayaan ng Diyos, sabay thank you sa kaibigan dahil naramdaman niya ang genuine at sincere na concern nito sa kanya. Mula ng dumaan si Lea sa matinding pagsubok sa buhay imbis panghinaan siya ng loob mas lalong siyang naging matatag. Bukod sa mga taong ibinigay sa kanya ng Diyos para tulungan siyang malampasan ang lahat ng mahihirap na pagsubok, direkta siyang nanalangin para humingi ng tulong st tawad kung nagkakamali siya. Hindi madali ang buhay para sa Isang katulad ni Lea, habang ang iba ay nagtatamasa ng mga materyal na bagay sa mundo kelangan niyang patuloy na pagtibayin ang pananampalataya niya sa Diyos. Ibig sabihin sa mga dinadasal niya madalas ndi exactong yun ang ibibigay ng Diyos pero palagi niya pinagkakalooban si Lea ng pang unawa at lakas ng loob para ndi mawalan ng pag asa. Ndi parepareho ang katayuan natin sa buhay, merong mayaman, mahirap, merong sobrang mas nangangailangan. Ang mas nakakaangat sa buhay na may kakayahang tumulong ay merong mas malaking obligasyon sa kapwa. Kung matutulungan nila ang salat sa yaman, bonus point nila iyon sa langit. Subalit choice pa rin naman nila iyon. Datapwat kung ndi natin kayang pagaanin ang problema ng kapwa, Sana wag na lang tayo dumagdag sa pasanin nila. " Dhez dadalaw ba tayo sa ospital?, Siguro mi intayin na lang muna natin siya mag message sa atin. Nung gabing iyon nag chat si Bam sa kanya. " Hi Lea , musta kayo ni Dhez, dito ako sa ospital " na lungkot siya sa sinabi ng kaibigan " Bam, hope you will be fine..take care, ano sakit mo? " Meron akong bato sa liver", " Hala kelangan ba ng operasyon? ff up na tanong ni Lea" Siguro kasi mas mahal kung lazer asa 50t ang magagastos. " meron naman sila healthcard na bigay ng kumpanya pero kung minsan ndi lang naman yung gastos ang inaalala, pati yung mismong taong may sakit, kung gagaling ba o kakayanin ng pasyente. Nag flash back sa isip ni Lea lahat ng naitulong ni Bam sa kanya, kung gaano ito kabuting kaibigan. Madalas siya nitong pinagtatangol at pinapayuhan " Bam thank you, sana gumaling ka agad para sa pamilya mo. Kahit ndi niya ito nakikita ng personal batid niya mabigat ang pinagdaanan nito, " Noted Mi". sagot lang nito sa kanya. Madilim na sa labas ng dumating' si Lea sa bahay. Bilog ang buwan kaya maliwanag ang paligid. Tahimik pero me mangilan ngilang taong naglalakad, yung iba nagtitinda. Malaki na ang ipinagbago ng lugar. Gumanda na ang bahay ng lola niya gayon din ang mga katabing tahanan. Marami sa naninirahan sa Lugar na Yun ay nakapag abroad, yung iba nagtayo ng negosyo. Iniisip ni Lea kung ano kaya ang naging buhay nila ng kapatid niya kung ndi namatay ang tatay niya. Kakagraduate pa lang nito sa kolehiyo bilang navy officer nung nagkasakit ng leukemia. Siguro naging mas maayos ang buhay nila, baka meron na din silang sariling bahay. Pero higit sa lahat mas masaya ang buhay nila bilang kompletong pamilya. wala naman talagang nakanaalam. Ang buhay ay isang misteryo, ndi natin tanto ang darating. Pumasok siya sa loob ng bahay at sinilip muna ang natutulog ng anak. Narinig niya ang message sa fon at nag goodnight na si Alfred sa kanya. " Goodnight, sweet dreams" tapos me icon ng pulang lips. Kahit batid na ni Lea na merong ibang nag memessage sa account ni Alfred, gusto niya pa rin malaman kung sino at kung ano ang pakay nito sa kanya. Batid niya rin ndi naman sila pababayaan ng Diyos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD