Awang- awa raw sila noon kay Thea kaya inunawa na lang nila ang kagustuhan nitong mapag-isa. Kaya ang dating masayang building na ‘yon, naging malungkot na. Si Thea lang daw kasi ang nagpapasaya noon sa building dahil mahilig itong magpapa-party at imbitado ang lahat. Sa mga panahong ‘yon busy sa trabaho si Cedric kaya wala siyang kaalam-alam na may ganoong nangyayari sa building. Ni hindi niya nga alam na may magandang babae pala sa katabing kuwarto niya. Madaling araw na rin kasi siya lagi kung umuwi noon. Kung hindi nga lang siya namali ng unit, hindi niya makikilala si Thea. Wala siyang ideya na si Thea pala ang dahilan kung bakit naging friendly ang mga tenant doon. Natatandaan niya kasing wala silang pakialaman noon. Pero isang araw, bigla na lang bumait at naging palabati ang mga te

