Sa pag-uwi ni Cedric muli siyang naglakas-loob na katukin ang pinto ng dalaga. Halos pagsabayin na niya ang pagpindot sa buzzer at pagkatok pero hindi pa rin ito nagbukas ng pinto. “Wala riyan si Thea. Nakita ko kaninang umalis dala ang mga gamit niya sa pagpipinta. Malamang nasa park na naman ‘yon at nagpipinta,” sabi ng katapat niyang unit. Napasulyap siya sa suot niyang relo, alas- kuwatro na na noon ng hapon. “Kilala mo si Thea?” tanong ni Cedric sa babae. “Oo, mabait ‘yon. Tahimik lang at parang walang pakialam. Pero kapag may nangailangan ng tulong dito, nauuna pa ‘yong lumabas sa guard,” nangingiting sabi ng babae. “Kaibigan mo siya, Miss?” “Oo. Kaibigan niya ang halos lahat ng tenant dito. Pero ayaw niyang dumikit sa amin ngayon. Malas daw kasi siya at ayaw niya kaming ma

