Ignoring the Handsome CEO

1465 Words

Napakunot ang noo ni Cedric. Saglit siyang natigilan. Dinama niya ang kamay ng dalaga na nakahawak sa pisngi niya. “Mukha ba kong kuya? Maka-kuya ka riyan,” aniya habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng dalaga. “Bakit ka ba kasi naglasing?” aniya habang inaayos ang nagulong buhok nito. May kakaibang nararamdaman si Cedric habang pinagmamasdan niya ito. Magaan ang loob niya sa dalaga na para bang matagal na niya itong kakilala. Sa halip na sumagot sinunggaban siya ng yakap ni Thea. Mahigpit na mahigpit na halos masakal na siya. “Teka lang!” ani Cedric habang pilit kinakalas ang mga kamay ng dalaga sa leeg niya. “I miss you, Kuya!” sambit ng dalaga. Napakunot ang noo ni Cedric. Napaisip tuloy siya kung sino ba ang kuya na tinutukoy ng dalaga. Kuya, na kapatid o kuya-kuyahan na lihim n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD