Kryssa's POV
Laking pasasalamat ko naman nang alisin niya na ang tingin niya sa akin at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi ko namalayan na pigil pala ang hininga ko, so I exhaled silently.
What the hell was that?
Matapos kumain ay nagpaalam na rin kami para umalis. Bago kami makaalis ay nakita ko ang nakakakilabot na ngiti ni Gregor Ryou habang nakatingin sa akin.
I just shrugged it off and drove away. Ano bang problema nun?
---
The next day...
Papunta na ako sa room nang biglang may nagpaputok ng b***l papunta sa direksiyon ko. Agad naman akong umilag kaya tumama lang ang bala sa pader. Mahal ko pa ang buhay ko.
Tumingin naman ako sa direksiyon na pinagmulan noon at nakita ang isa sa mga taong kinaiinisan ko kasama ang tropa niya. Tiningnan ko sila nang masama at binigyan naman nila ako ng mapang-asar na ngiti saka naglakad palapit sa akin. Pinalibutan nila ako.
"Hello there, Lavelle." sabi ni Augustus Nox.
I crossed my arms. "What's your problem, Augustus?" inis kong tanong.
"Gusto lang sana kitang yayain for lunch later." sabi niya.
I scoffed. "Really? I thought you want me dead."
"Meh. I just wanted to get your attention, and I know that shooting you is the only way."
"Ano ba kasi talagang kailangan mo?!"
"I told you, I'm asking you to have lunch with me later."
"What if I don't want to? And can you just let me pass already? May klase pa ako." sabi ko saka itinulak 'yung mga kaibigan niyang paharang-harang sa daanan ko at naglakad na ulit.
I felt Augustus' arm draped on my shoulders. Sisikmuraan ko na sana siya pero may humila na sa braso niya palayo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang sunod-sunod ang mga suntok na ibinigay ni Gavin Ryou kay Augustus. Marami na rin ang mga estudyanteng nanonood sa kanila. Naisipan kong umalis na at baka madamay pa ako.
Nakasalubong ko naman ang bagong president ng school pero nagdire-diretso lang ako sa paglalakad. Narinig kong inawat niya 'yung dalawang nagsusuntukan at wala na kong pakialam doon.
"Ms. Kryssa Lavelle Vaughan!"
Napahinto naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko. Lumingon naman ako at nakita kong nakatingin sila sa akin.
"Follow me to my office, Mr. Nox, Mr. Ryou and Ms. Vaughan." sabi nung president saka naglakad paalis.
Padabog naman akong sumunod sa kaniya. Sumunod naman sa akin 'yung dalawang bwiset.
Mapapatay ko talaga 'yung nagdamay sa maganda kong pangalan. Pati na rin 'yang dalawang attention seeker na 'yan.
Pagdating sa president's office ay umupo na kami habang nakatayo naman sa harap namin si President.
Tahimik lang sila kaya ako na ang naunang nagsalita. "President, wala akong kinalaman dito. Male-late na ako sa klase ko." sabi ko.
"Pero sabi ng mga witness ay ikaw ang pinag-aawayan nina Mr. Nox at Mr. Ryou." sabi ni President.
"What the–? Hindi ako ang pinag-aawayan nila."
"Ano bang pinag-aawayan niyong dalawa?" tanong ni president doon sa dalawa.
Hindi naman sila sumagot at nanatiling tahimik.
"O…kay. I'll call your parents." sabi ni President at saka nagsimulang magdial sa telepono.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong tinawagan niya rin si dad. Nang matapos na siyang makipag-usap ay agad akong nagsalita.
"Bakit naman kasama ang parents ko?!" tanong ko.
"Dahil kasama ka sa gulo." sagot niya saka umupo sa swivel chair niya.
Gusto kong kunin 'yung b***l ko at barilin siya.
"Wag mo siyang barilin kung ayaw mong madagdagan pa ang gulo." rinig kong bulong ni Gavin Ryou na parang alam niya kung ano ang iniisip ko.
Tss.
---
Dumating na ang mga magulang namin at naupo sila. Napatingin sa akin saglit si dad na kasama si mom bago nagtanong sa president.
"Ano bang nangyari?" tanong ni dad.
"Anong ginawa ni Gavin?" tanong naman ni Mr. Ryou.
Napansin ko namang naging tensed si Gavin Ryou sa upuan niya.
"May nangyari pong g**o. Nagsuntukan sina Gavin Ryou at Augustus Nox." sabi ni President.
"Pero siya ang nauna. Bigla akong hinila ng Gavin na 'yan at sinuntok. Malamang, lumaban ako to protect myself." sabi ni Augustus.
"Wait, what is my daughter's concern here?" tanong ni dad.
"Well, sabi ng mga witness ay si Ms. Lavelle Vaughan daw ang pinag-aawayan ng dalawa." sagot ni President.
"Is that true?" tanong ni Mr. Nox sa akin.
"Don't ask me. I have nothing to do with them." sagot ko.
Mukha namang nainis siya sa sagot ko kaya ibinaling niya na lamang ang atensiyon niya sa anak niya at dito nagtanong.
I recognize Mr. Nox as Yagami's no. 1 business and mafia rival. Their mafia is called Ace mafia. Their mafia is said to be deadly and they’re in the 3rd rank, by the way.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko na naman ang nakakakilabot na ngiti ni Gregor Ryou habang nakatingin sa akin. I forced out a smile and diverted my gaze.
"I don't know, dad. Maybe you should ask Gavin. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako sinugod bigla." sabi naman ni Augustus.
Napatingin sila kay Gavin Ryou, expecting for an answer or an explanation, rather. Habang ako naman ay kinuha ang phone sa bag at nagsimulang maglaro ng Battlegrounds.
The hell I care with them.
"Yes, it's true. I only did that because he was being a perverted moron on Lavelle! He totally deserves that." Gavin Ryou said, then he stormed out of the room.