Kryssa's POV
Binalot kami ng katahimikan nang umalis si Gavin Ryou. But the president decided to break the silence.
"So, I guess this is Augustus Nox' fault. Ms. Lavelle, you may go now." sabi ni President.
Tss. See? Wala naman akong nagawa dito, sinama pa ako.
Tumayo na kami ni dad saka umalis. Inihatid ko naman si dad sa parking lot.
"Sorry for disturbing your work, dad. I'll see you later." paalam ko saka hinalikan siya sa pisngi.
He smiled at me, then he got inside the car. "Ang ganda talaga ng anak ko. Masyadong mahaba ang hair." natatawa niyang sabi saka isinara ang pinto at umalis na 'yung sasakyan niya.
And there he was, acting like a teenager, again. Tsk.
"Lavelle."
Napalingon ako nang marinig ang pangalan ko. "Mr. Ryou. Kayo po pala." sabi ko.
"You can call me ‘tito Greg’ na lang." nakangiti niyang sabi.
"Uhhh…I think I'm fine with ‘Mr. Ryou’." sabi ko.
He nodded. "As you say, dear." he said, then he walked past me at sinundan ko naman siya ng tingin.
Pinagbuksan naman siya ng pinto ng driver niya. Lumingon muna siya sa akin. "I hope I'll see you soon." sabi niya at pumasok na siya sa kotse.
Isinara na ng driver 'yung pinto at saka pumasok na rin siya sa sasakyan. I watched as the car drove off the parking lot.
Ba't napapadalas na ata ang pagkikita namin ni Mr. Ryou?
I just shrugged it off at naglakad na papunta sa cafeteria. It's already lunch time and I missed my class. Thanks to that freaking president.
The moment I stepped a foot in the cafeteria, the students’ attention turned to me. Agad kong inilabas ang b***l ko at itinutok iyon sa kanila kaya iniwas naman nila agad ang tingin nila.
Tss.
I grabbed a slice of pepperoni pizza, and a plate of fries. Pumunta na ako sa counter at umorder ng iced tea saka binayaran 'yung mga kinuha ko, pati na rin 'yung iced tea. Inilagay naman iyon ng staff sa tray, then kinuha ko na 'yung tray at pumunta sa usual table ko sa cafeteria – sa pinakadulong banda ng cafeteria, kung saan kakaunti lamang ang pumepwesto.
Inilapag ko na 'yung tray sa table saka naupo. Sinimulan ko nang kumain ng pizza habang nilalabas 'yung binigay na libro ni dad sa akin about the new released hand guns. I need to be aware of how those guns work dahil ganun 'yung binigay ni dad sa aking mga b***l. I won't be able to use it if I don't know its features and scopes.
Binabasa ko 'yung libro habang kumakain ng fries dahil naubos ko na ang inorder kong pizza. Kinakapa ko lang 'yung fries dahil ayaw kong alisin ang tingin ko doon sa libro. I am too absorbed in it.
Whoa! The 1970 HK VP70M's physical aspect and form is so cute. It's an 18-round semi-automatic-s***h-three-round automatic burst-capable pistol manufactured by German arms firm Heckler & Koch. Pretty cool, right?
Heckler & Koch P8 from Germany is kinda' cool, also. Its type is semi-automatic, calibre is 9x19mm parabellum, since 1993.
Napatigil ako sa pagbabasa nang hindi ko na makapa 'yung plate ko na may lamang fries. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Titus na nakatingin sa akin at nakaupo sa upuan na nasa katapat ko, habang nakangiting kinakain 'yung fries ko.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Can't you just buy your own fries?" inis kong tanong.
"Nope." sagot niya.
"Tss." sabi ko at itinago na 'yung libro.
"Kryssa Lavelle Vaughan's favorite expression, 'tss'. Noted." sabi niya habang patuloy pa rin sa pagkain ng fries ko.
"Ba't ka ba nandito?"
"Well, kalat na kalat na sa buong campus ang pagpapatawag ng bagong president sa inyong tatlo. Pati na rin 'yung bugbugan nila Gavin Ryou at ng pinsan kong si Augustus Nox."
Yes, pinsan ni Titus si Augustus. Second cousin, to be exact. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sa Ace Mafia sumama ang Kash family.
"So? Anong pake ko?" tanong ko saka uminom ng iced tea.
"Well, al–-"
"Hoy, Lavelle! Ang haba ng buhok mo, putulan na natin 'yan!" sulpot ng isang bruha.
Tiningnan ko siya nang masama. "Hindi mo kailangang sumigaw." sabi ko sa kaniya.
Nag-peace sign naman si Zinnia saka umupo sa katabi kong upuan at lumingon sa mga estudyanteng nakatingin sa amin.
"Anong tinitingin-tingin niyo?!" pasigaw niyang tanong.
Agad namang bumalik sa mga ginagawa nila 'yung mga estudyante.
"Sabihin mo nga sa akin, Zinnia. Nakalunok ka ba ng megaphone?" tanong ko.
"Hindi ah! Pano naman 'yun magkakasya sa bibig ko?" sabi niya naman.
"Pwede namang pira-pirasohin tapos saka mo kainin." sabi ni Titus.
"Edi sira na 'yun!"
"So? Nalunok mo pa rin naman."
"Nakakainis ka talaga, Titus Kash!"
"Mas nakakainis ka, Zinnia Rosen!"
"Tumigil na nga kayo! Para kayong mga bata!" sita ko sa dalawa.
"Sorry po, ‘nay."
"Anong sabi niyo?!"
"Sorry, Lavelle."
Tss.
"Mind if I join you?" Napatingin naman kami doon sa nagsalita at napailing na lang ako.
Tss. What is he doing here?