Gavin's POV "What is the meaning of this?!" galit na tanong ni Mr. Ryou saka ibinalibag ang mesa. "Hindi rin po namin alam kung paano nangyari iyon. Basta bigla na lang pong––” "Biglang ano?! Bigla na lang nilang naagaw ang spot natin with a blink of an eye?! From nothing, naging no. 2 sila?!" tanong ni Mr. Ryou. "Masakit mang isipin pero iyon ang totoo." Lahat kami’y napatingin sa nagsalita. Agad naman kaming yumuko, bilang paggalang, nang makita kung sino iyon. Si lolo, nandito. Mukhang napakalaki na nga talaga ng problema namin kaya nandito na siya para tumulong. Matagal niya nang ipinaubaya kay Mr. Ryou ang pamamahala sa Yagami at hindi siya kailanman nakisawsaw sa mga problema nito, maliban na lang ngayon. "Papa." masayang bati ni mom kay lolo saka niya ito nilapitan saka niya

