Kryssa's POV "Sino ka?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang bahagyang pagngiti niya. Siguro kung sa paningin ng iba’y magandang ngiti ang ibinibigay niya sa akin, but I knew better. Sa likod ng mga ngiting iyon ay ang nakakakilabot niyang aura na parang may masama siyang plano o balak. Lumapit siya sa akin saka kinuha ang kamay ko at hinalikan ito. Hinila ko naman ito agad pabalik. "I'm Death Tsz. Nice to meet you, Kryssa Lavelle Vaughan." nakangiti niyang sabi. Tiningnan ko siya nang maigi. He looks so familiar, now that I can see his face as a whole. Pero hindi ko maalala kung saan ko siya unang nakita. "Lavelle." rinig kong tawag ni Zinnia. Nilingon ko siya. "Bakit?" tanong ko. "Pinapatawag tayo ng dad mo." mahina niyang sabi. Tinanguan ko siya saka nilingon ulit si Death

