Kryssa's POV
"Hey Lavelle!" tawag ng isang pamilyar na tao.
Napalingon ako at nakita ko si Zinnia. Sumabay naman siya sa akin sa paglakad.
"Bakit wala ka kagabi?" mahina kong tanong sa kaniya.
"May task ako eh. I was busy. Nabalitaan ko ‘yung nangyari." sagot niya.
"Of course. You're a gossip girl." I said as I roll my eyes.
"You can say that again." natatawang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong makakasalubong namin si Gavin Ryou but I immediately composed myself.
Sh*t. Bakit siya nandito?
I can feel his gaze on me. Nang makadaan kami sa harap niya ay pasimple siyang bumulong sa akin.
"I know what you did, Kryssa Lavelle Vaughan." bulong niya.
Nakakakilabot ang boses niya dahil napakalalim nito. It’s my first time hearing him talk, now that he’s older, and I can say that he's kind of scary. But I'm not scared of him.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Humiwalay na sa akin si Zinnia dahil nasa ibang way ang classroom niya. Nang malapit na ako sa room ay bigla namang may lumapit na estudyante sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay for him to be intimidated and he was. "L-Lavelle, p-pinapatawag p-p-po kayo s-sa p-president's o-office n-ni Ms. V-Vega." nauutal niyang sabi.
"Ganyan ka ba talaga magsalita?" irita kong tanong.
Napalunok naman siya. "H-Hindi p-po." sagot niya.
"Tss." sabi ko saka pumunta sa president's office.
Pagdating ko doon ay mayroong mga pulis na nagbabantay. Pinapasok naman nila ako nang sinabi ko ang pangalan ko.
"Miss Vaughan." bati nung isang pulis at saka inilahad ang kamay niya.
Hindi ko iyon pinansin at umupo na sa sofa. "Bakit niyo ako pinatawag?" tanong ko sa sekretarya.
"Kailangan lang makuha ng mga pulis ang statement mo sa nangyaring pagpatay kay president." sagot niya.
"Okay."
"So Miss Vaughan, anong napag-usapan niyo sa loob bago mabaril si president?" tanong ng pulis.
"Biodata ko." sabi ko. "He just stated my name, my parents' and my siblings.’"
"Why would he do that? Are you a new student?”
“Beats me. I’m not new here. And I don’t really know what’s going on in that man’s head.”
“Is that all?”
"Yeah. And after that, nakita ko na lamang na he was shot on his head. Hindi ko narinig 'yung putok ng baril." sabi ko.
"The g*n used by the killer is a mamba pistol. There must be a silencer on it." sabi ng pulis at saka nagsulat sa papel niya.
I know but I need to play innocent. Na hindi ko alam ang mga bagay tungkol sa g*n and silencer na iyon kaya hindi na ako nagsalita. The school looks normal on the outside, and it’s the school’s protocol not to let anyone from the outside know that most students in this academy are elites from different families who manage illegal organizations.
"He was shot by an outsider, right? Galing sa labas?" I nodded then naglista ulit siya sa papel niya. "Thank you for your cooperation." sabi niya.
I smiled at him saka tumayo para umalis. Bago pa man ako makahakbang ay pumasok si Gavin Ryou na siyang ikinagulat ko pero hindi ko ipinahalata.
Sh*t. Tetestigo ba siya? Sasabihin niya kaya? Ugh! I didn’t want to complicate this matter.
"Mr. Ryou, anong ginagawa mo dito?" tanong ng secretary.
Tiningnan ko lang si Gavin Ryou saka naglakad na paalis. Nang malapit na ako sa pinto ay hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako. Sinubukan kong makaalis sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Leche. Kung wala lang 'tong mga pulis na 'to, pinatay ko na si Gavin Ryou.
"Let go." I said through my gritted teeth.
"I came here to..."
I looked at him, waiting for what he will say.
"What is it?" tanong nung pulis.
"I came here to fetch Ms. Vaughan." he said then hinila niya na ako paalis.
Nang makaalis na kami sa building ay marahas kong inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko. Tiningnan ko siya nang masama saka naglakad paalis.
"You should thank me!" sigaw niya.
I rolled my eyes as I continue to walk away. I already bribed that police officer that’s why he easily accepted my claims, without asking any further. Even if that Ryou told them the truth, it won’t make much of a difference, though it will surely complicate things for me. In conclusion, I don’t have the obligation to thank him.
*RIIINNNGGG!*
Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag.
‘Titus Calling...’
Sinagot ko ang tawag. "What?"
[Nasan ka?]
"School. Pauwi na ko."
[Sige. Kita na lang tayo sa bahay niyo.]
"'Kay." sabi ko at in-end na ang call. Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa kotse. "Sa bahay." sabi ko sa driver.
Tumango naman siya at nagdrive na pauwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagpasok ko sa living room ng kwarto ko ay nakita ko naman si Titus na prenteng nakaupo sa sofa habang kumakain ng ice cream at nanonood ng movie.
Napalingon naman siya nang maisara ko ang pinto at ibinalik niya rin naman agad ang tingin niya sa TV. "Hey Lavelle." bati niya.
"Tss. Ang kapal ng mukha mong pakialaman ang TV at DVD ko. At kumuha ka pa ng ice cream sa ref ko ha." sabi ko sa kaniya.
"What are friends for?"
"Kailan pa tayo naging friends?"
"Kanina lang?"
"Ewan ko sa’yo. Magbibihis lang ako." sabi ko at pumasok na sa bedroom.
Inilagay ko muna ang mga gamit ko sa study table at saka pumasok sa isang room. It's my walk-in closet. Dito nakalagay ang iba't ibang mga klase ng damit ko at sapatos.
Karamihan ng mga damit at sapatos dito ay regalo lang or binili nila mom at dad para sa akin. I’m not really into shopping clothes.
Nagpalit na ako ng damit at lumabas na ng walk-in closet saka dumiretso sa private room.
In-unload at nilinis ko ang mga b***l na ginamit ko noong mga nakaraang araw. Then ibinalik ko na ang mga iyon sa lalagyan nila.
"Trip mo talaga ang mga b***l, noh?" rinig kong tanong ni Titus mula sa likod ko.
"Yup." sagot ko.
Kumuha ako ng dalawang Beretta 92FS saka nilinisan ito at nilagyan ng bala.
"Let's go?" aya ko.
"Huh? Saan?" takang tanong ni Titus.
I rolled my eyes and walked past him. "Duh. Alam kong tumawag ka kanina kasi magpapasama ka sa mission mo." sabi ko at lumabas na ng private room.
"You really know me, Lavelle." sabi niya sabay ngiti.
I smirked. I’m excited!
"But your outfit won't do. Kailangan mong magpalit. We’ll be attending a formal party." sabi niya at nagsimula nang maglakad palabas ng room ko. "I'll wait for you downstairs."