Chapter 6

1144 Words
Kryssa's POV At gaya nga ng sinabi ni Titus ay nagpalit ako ng damit. I decided to wear a simple black gown na may slit sa gilid kaya medyo kita yung left leg ko. Hindi ko naman kinalimutang maglagay ng g*n pocket para mapaglagyan ng b***l ko. I wore a black five-inch stilletto-heeled boots. I let my hair fall freely on my shoulders. Naglagay lang ako ng light make up and lipstick then bumaba na ako. Pagbaba ko ay nakita ko naman si Titus na naka-suit and tie. Nginitian niya naman ako nang makita niya ako at pumunta na kami sa labas. Pagbubuksan niya na sana ako ng pinto ng kotse pero pinigilan ko siya. "Sa motor bike ako sasakay." sabi ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Seriously? Naka-gown ka tapos magmo-motor bike ka?" tanong niya. "What's wrong with that? At syempre para na rin mapadali ang escape plan natin. Ang bagal mo pa naman kumilos, baka madamay pa ko." sabi ko saka sumakay na sa motor bike at pinaandar ito. Isusuot ko na sana ‘yung helmet pero pinigilan ako ni Titus. "Ako na sa motor bike. Ikaw na sa kotse." sabi niya. Umalis naman ako sa pagkakasakay sa motor at ibinigay niya sa akin ‘yung susi ng kotse niya. "Seryoso ka?" tanong ko. "Yeah. Wag mo lang ibabangga ‘yan. Wala pa kong pambili ng bago." sabi niya saka sumakay sa motor ko. I just shrugged at sumakay na sa kotse niya. I started its engine at sinundan si Titus na nakasakay sa motor bike ko.   ---   Nandito na kami ngayon sa parking lot ng venue ng party. Ibinigay ko kay Titus 'yung susi ng kotse niya at ibinigay niya naman sa akin 'yung susi ng motor bike ko. "Isuot mo ‘to." sabi niya sa akin at ibinigay ang isang half-mask na black na may gems sa gilid. Binigyan niya rin ako ng earpiece. Masquerade pala ang theme ng party. Sinuot ko na ang mask at earpiece at ganun din ang ginawa ni Titus. Pagkatapos ay sumakay na kami sa elevator at naglakad papunta sa loob ng venue. Sumalubong sa amin ang maiingay na mga usapan ng tao at ang musika. Binigyan naman kami ng isang waiter ng wine at kinuha namin iyon saka nag-ikot-ikot. Ang mission ni Titus ay ang bantayan si Zinnia dahil makikipagtransact ito. Para daw kasing may mali sa transaction na ‘yun kaya kailangan nandoon kami kung sakaling may masamang mangyari. Walang nakakaalam na nandito kami para bantayan si Zinnia maliban na lang kila mom at dad. Palihim na nilagyan ni Titus si Zinnia ng mic at tracker. Kaya rin naming ma-track ang phone niya pero hindi masisigurong hindi mahihiwalay sa kaniya ang phone niya kaya sa damit niya na mismo inilagay ni Titus ‘yung tracker. Mabuti na lang at isinama siya ni Zinnia nang mamili ito ng susuotin para ngayong gabi. "Nakarating na siya dito sa venue. Any second, papasok na siya." rinig kong sabi ni Titus. Napatingin ako sa pinto at nakita kong pumasok si Zinnia kasama ang lima sa mga tauhan namin. Kahit naka-mask siya ay madali ko siyang nakilala dahil sa hugis ng mukha at hubog ng katawan. She's wearing a red gown that hugged her curves perfectly. Para siyang model sa magazine. Ilang minuto din siyang nakipag-usap sa mga tao dito. Matapos ay umalis na siya kasama ang mga tauhan. Hindi muna namin siya sinundan dahil baka makahalata siya. "She's at the parking lot." bulong sakin ni Titus at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman ako sa kaniya. Doon kami sa fire exit dumaan at tumambay muna doon. "What's your offer?" tanong ni Zinnia. We can hear them because of the microphone attached to her. "Pistols and revolvers all the way from Canada and Austria." sabi ng isang lalaki. *silence* "This is called the Pistol 80, Glock 17. Semi-automatic and its calibre is 9x19mm parabellum." "Ba't ba kasi hindi mo pinalagyan ng hidden cam?" mahina kong tanong kay Titus. "Baka mahalata niya." sagot niya. "And this is how you use it." Nakarinig kami ng pagkasa kasunod ng tatlong putok ng b***l. I also heard Zinnia gasped kaya it's a sign na there's trouble. Sunod-sunod na ang narinig naming putok ng mga b***l kaya kumilos na kami. Lumabas kami ng fire exit at nagtago sa isa sa mga pader ng parking lot. Nakita kong nakikipagbarilan pa si Zinnia at mukhang isa na lang ang natitirang tauhan namin. Masyadong marami ang kalaban. Sumugod na si Titus at nakipagbarilan. Nakita kong tumakbo paalis si Zinnia at sumakay sa kotse. Nagdrive siya paalis at sinundan naman siya ng iba. Binaril ko na 'yung iba para kaunti na lang ang matitirang tatapusin ni Titus at nung isang tauhan. Tumakbo ako papunta sa motor bike ko at saka iyon pinaandar. Sinundan ko sila Zinnia. "Titus, sinusundan ko si Zinnia." sabi ko. "Sige. Kami na ang bahala dito. Susunod ako." sagot niya. It's a good thing na may earpiece kami para may connection in case of emergency. Nakasunod ako sa dalawang van na nakasunod kay Zinnia. Pinapaputukan naman nila si Zinnia. Bakit ba hindi siya lumalaban? "Sh*t. Saan ako pupunta? Think Zinnia, think." rinig kong sabi ni Zinnia. "Sa old building!" Old building? Saan ‘yun? Isa lang ang alam kong lumang building. Sana tama ang mapuntahan ko. Nag-iba na ako ng daan dahil nakakahalata na rin ‘yung mga nakasakay sa kotse na sinusundan ko sila. Nauna na ako doon sa old building at humanap ng perfect spot. Nang makahanap na ako ay narinig ko si Titus. "Nasa old building ka na?" tanong niya. "Yeah." sagot ko. "Sige. In five minutes, nandiyan na ko." Narinig ko naman ang isang kotse na dumating kaya sumilip ako sa isang butas na paglalagyan sana ng bintana. Nakita ko namang dali-daling bumaba si Zinnia ng kotse niya at tumakbo papasok dito. Kinuha ko ang isa ko pang b***l at ikinasa. Sunod namang dumating ang dalawang van at bumaba ang 25 kataong lalaki na may dalang mga b***l. Kaunti na lang pala. Nakita kong papunta sa direksyon ko 'yung sampung lalaki at ‘yung iba naman ay sa kabila. Babarilin ko na sana sila nang may marinig akong putukan ng b***l sa kabila. Napatingin din doon 'yung sampu at tatakbo na sana sila papunta doon pero binaril ko na silang lahat. "Lavelle?" "Still alive." sagot ko kay Titus. Tumakbo na ako papunta sa kabila at nakita kong nakatago si Zinnia at mukhang may mga tama na siya. Any minute now, pwede na siyang maging unconscious. Nang malapit na sa pwesto niya 'yung isang lalaki ay tumalon ako pababa at binaril ito. Napatingin sa akin ‘yung iba at babarilin na sana nila ako pero naunahan ko sila. Napatago ako sa isang pader dahil nadaplisan ako sa braso. Pito na lang ang natitira. Takte. Ang tagal naman nila Titus. "Antagal nyo." sabi ko. "Nagkaroon ng problema but we're almost there." sabi ni Titus. Tss. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at pinagbabaril 'yung mga kalaban. Dalawa na lang sana ang natira pero nabaril ako ng isa sa paa kaya nawalan ako ng balanse. "Ahh! Sh*t." daing ko. "Lavelle?! Anong nangyari?!" rinig kong sabi ni Titus. Nakita ko naman ang dugong umaagos sa paa at braso ko. Nagawa kong barilin ‘yung isang kalaban pero nabaril ako ng isa niya pang kasama sa dibdib kaya nabitawan ko ang b***l ko at napasapo sa dibdib. Nakita kong itinutok niya ang b***l niya sa ulo ko. BANG!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD