Chapter 7

700 Words
Kryssa's POV I heard a gunshot and I thought I will be a dead meat, but strangely, I'm not. Nakita kong natumba ang lalaking bumaril sa akin kanina. Dadating lang si Titus kung kailan sugatan na ako. Tsk. "T-Titus, buhatin mo si Zinnia . . . I-I think she's unconscious." nanghihinang sabi ko. "Oo, Lavelle. Andyan na ko." sabi niya. Alam ko. Don't state what's obvious. Teka, bakit sa earpiece ko nag–? Nagulat ako nang may bumuhat sakin. "S-Sabi ko si Zinnia . . . ang buhatin mo." sabi ko habang pilit na binubuksan ang mga mata ko kahit unti-unti na itong pumipikit. "Don't talk. Mas lalong lalala ang kondisyon mo." sabi niya sa akin at naramdaman kong nagsimula na siyang maglakad. Teka, hindi 'yun boses ni Titus. Baka namamali lang ako ng dinig. My senses are getting weak because of my injury. I just closed my eyes because my eyelids felt heavy.   ---   I opened my eyes slowly and was blinded by the light for a short moment. Nang naka-adjust na ang mata ko ay tiningnan ko ang paligid ko. The hospital. "Kryssa, thank goodness you're awake na sis. Teka, I'll just call the doctor." sabi ni Lucy saka lumabas ng room. Dahan-dahan akong umupo kahit medyo nahihilo pa ako at leche, ang sakit ng katawan ko, lalo na ang paa, dibdib at braso ko. Ano bang nangyari? Ahh, oo. Nakipaglaban nga pala kami sa isang grupo na ang hinala ko ay taga-Setsu organization. Bumukas naman ang pinto ng kwarto at pumasok si Lucy kasama ang isang doktor. "Miss Lavelle, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nung doktor sa akin. "I feel like sht doc." sagot ko. Tumawa naman siya nang mahina. Natawa pa siya dun? So heartless. Chineck niya ako kung okay na ako and whatsoever, then umalis na siya. "Na saan sila mom?" tanong ko kay Lucy. "Sa company. I called them already. They're on their way." sagot niya habang kinakalikot ang phone niya. Hindi ko na ulit siya kinausap pagkatapos at hinintay ko na lang na dumating sila mom. And after several minutes ay dumating na rin si mom kasama sina dad at Lawn. Umupo naman si mom sa upuan sa tabi ng kama. "How are you, Kryssa?" tanong niya. "I'm fine. My leg, arm and chest hurt though." sagot ko. "Diyan kasi tumama 'yung bala, anak." "How's Zinnia and Titus?" tanong ko. "Zinnia's at the next room. She's awake since yesterday and Titus is fine. He'll be visiting you later." Dad answered. "Oh. Si Titus naman kasi, ang late dumating eh." sumbong ko. Natawa naman sila. "Yeah, sinabi niya nga 'yun. Are you aware na nandoon si Gavin Ryou nung gabing iyon?" tanong ni Lawn. Napatingin ako sa kaniya. "What? I'm not aware of that. I thought it was Setsu organization?" sabi ko. "You're right, Kryssa. The enemies were from Setsu. But Gavin Ryou was the one who carried you and brought you here in the hospital." sabi ni mom. My eyes widen. "What?! I thought it was Titus." "Nahuli ng dating si Titus dahil may nakaalitan pa siyang ibang taga-Setsu, bukod sa nakalaban niyo. 'Yung kalahati ng Setsu ay umatake kay Titus at 'yung kalahati, kila Gavin Ryou. Nakita si Titus ng mga taga-Setsu na umatake kila Ryou at sinugod din siya." kwento ni Lawn. That explains it. Pero bakit kami tinulungan ni Gavin Ryou?   ---   Na-discharge na ako sa ospital at nandito ako ngayon sa living room ng kwarto ko at nanonood ng descendants habang kumakain ng refrigerated cake na ginawa ni Zinnia para sa akin. *knock knock knock* Pinindot ko ang isa sa mga button sa remote. Bumukas naman ‘yung pinto at nang makita ko kung sino ang nandoon ay kinuha ko kaagad ang b***l ko sa mesa. Ikinasa ko iyon at itinutok sa kaniya. "Whoah! I mean no harm." sabi niya. Gray Conner. Isa sa mga leaders ng Yagami organization. "Anong kailangan mo?" tanong ko. Lalapit na sana siya pero binaril ko ‘yung spot sa sahig na medyo malapit sa kaniya kaya napatigil siya sa paglapit. "Any step closer and my bullets surely won’t miss again." sabi ko. "May p-pinapabigay si Gavin sa’yo." sabi niya at ipinakita sa akin ang isang papel. Tumaas ang kilay ko. Ano namang kailangan ng lalaking ‘yun sa akin? “Basahin mo." utos ko. "Ano?!" gulat niyang tanong. Tiningnan ko naman siya nang masama. "Sabi ko nga, babasahin ko na–ehemm–meet me at your secret haven tomorrow after school." "That's it?" "Yeah." "You may go." sabi ko saka bumalik sa panonood at pagkain. Narinig ko naman ang pagbukas-sarado ng pinto.  Meet me at your secret haven tomorrow after school. Tss. So siya pala ang kumukuha ng mga pagkain ko doon. Humanda siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD