Chapter 3
*Rachel*
"Tigilan mo nga ako, Melissa. Hindi ko kailangan ng hardenero bakit sa akin mo siya pinapasa?" Malakas kong saad at hininaan ng kaonti ang boses nang dumaan si Robert.
May dala siyang maliit na pala at gloves. Mukhang kagagaling niya lang sa pag-aayos ng halaman dahil may ilang lupa pang nakadikit sa pantalon niya. Ang hindi ko maiwasang titigan ay ang katawan niya. Hindi ba uso ang uniform o damit dito dahil wala man lang siyang baro pang itaas.
Hindi naman masiyadong mainit pero parang biglang uminit nang dumaan si Robert. Litaw na litaw ang walong abs niya. At ang perfect v-line niya ay mas lalong nakadagdag ng appeal niya. Malapad at matipuno ang dibdib at balikat. Hindi rin nagpatalo ang mga braso niya. Hardenero ba siya o body builder?
Sa itsura niya pa lang ay hindi na ako magtataka kung bakit pinagseselosan siya ni Liam. Umangat ang mga mata ko sa mukha niya at hindi talaga maitatangging gwapo siya. Nang tignan ko ang mga mata niya ay sa akin siya nakatingin!
Agad akong nag-iwas ng tingin. Nakakapaso! "Mmm, ang lagkit," mahinang bulong ni Melissa kaya matalim ko siyang tinignan.
"Malagkit ang tubig. Nakakauhaw 'no?" Wika niya pero may malalim na kahulugan.
"Bigla yatang uminit dito?" Patay malisya kong tanong dahil sa namumuong pawis sa noo.
"Oo nga. Ang init no'ng dumaan si Robert," wika niya at hinaluan pa ng mahinang hagikgik.
"Kaya kayo nag-aaway eh," wika ko sa kaniya at wala sa sariling napainom ng tubig.
Dumaan lang naman siya pero bakit gano'n? "Sa'yo ko na siya ipapasa ha? May garden ka naman sa bahay mo kaya pwedeng-pwede siya," nakangiting saad ni Melissa at umiling ako.
"No. Ayoko. Sa iba mo na lang siya ipasa. For sure maraming tatanggap sa kaniya," wika ko at muling napainom ng tubig.
Sigurado talagang maraming gustong tanggapin siya. Sa itsura pa lang niya at katawan, naku, baka may mag-away na namang mag-asawa.
"Please," wika ni Melissa at pinagsaklob ang dalawang palad. Nag-puppy eyes pa siya sa harap ko. Alam na alam niya kung paano ako mapapayag. Napabuntong-hininga ako.
"Alright. Pagdating talaga sa'yo, I always don't have a choice. Grabe, kaibigan mo ba talaga ako? Bakit feeling ko palagi mo akong nai-scam," wika ko at tumawa naman siya.
"Sempre, spoiled ako sa'yo eh," natatawang wika niya.
"Spoiled brat," madiin kong wika at pareho kaming natawa. Madali lang naman, magiging hardenero ko si Robert. Wala namang issue sa'kin pero parang big deal na tanggapin ko siya sa bahay ko.
"So, kailan mo siya iuuwi?" Makahulugang tanong ni Melissa at kinagat pa ang ibabang labi. Nagsisimula na naman siya.
"Anong uwi, pinagsasabi mo diyan? 'Wag mo nga akong paandaran ng ganiyan, Melissa," banta ko sa kaniya at tumawa na naman siya.
"Isabay mo na mamaya pag-uwi mo. Para pagbalik ni Liam bati na ulit kami. Don't worry about his salary dahik ibibigay ko agad sa kaniya. Ang iisipin mo na lang ay ang susunod na sahod niya sa pagtatrabaho niya sa buhay mo, este sa bahay mo," makahulugan niyang saad at hinaluan pa ng nagniningning na mata. Alala mo'y nakakita ng diyamante.
"Brilliant idea, Melissa," pikon kong sagot.
"Oo naman. Ako pa ba? I'm the genius chef in town," pagmamalaki naman niya.
"And I'm the most victim chef in town. Palagi akong biktima sa'yo!" Singhal ko sa kaniya.
Tumawa naman siya ng malakas kaya natawa na rin ako. We are both laughing nang dumating si Liam. He's angry. Kaya nang makababa sa kotse ay dere-deretso siyang pumasok sa bahay na hindi man lang nililingon si Melissa.
Wow! As in gano'n kalala ang away nila dahil kay Robert? "See. Kaya iuwi mo na si Robert. Baka hanggang sa pagtulog ay hindi niya ako kausapin," wika ni Melissa at biglang nalungkot sa huling sinabi.
"Oo na. I'm doing this for you, spoiled brat," wika ko sa kaniya at ngumiti siya sa'kin.
Hapon na nang magpasya akong umuwi na. Nagulat pa ako nang bigla na lang nilagay ng mga katulong ni Melissa ang dalawang malaking bag. Kay Robert yata 'yon? Hindi naman yata siya atat na paalisin si Robert? Parang harap-harapan na 'tong pagpapalayas eh.
Wala akong nagawa kundi panuorin na lang silang ilagay ang mga gamit ni Robert sa likod ng kotse. "Thank you, Robert," wika ni Melissa at inabot kay Robert ang puting sobre. Sweldo yata niya 'yon.
Narinig ko siyang nagpasalamat bago tinanggap ang pera. Naglakad siya palapit sa akin at tinuro ko na lang kung saan siya uupo. Pinanlakihan ko ng mata si Melissa pero tinawanan lang niya ako. Nabudol na naman ako.
Sa passenger seat siya sumakay kahit na tinuro ko naman sa likod. Hindi pa nagsisimula ang trabaho pero hindi na marunong sumunod sa instruction. O nabingi lang kaya hindi niya narinig?
Sumakay na lang ako sa driver seat at binuhay ang makina. Kinabahan ako bigla dahil ang lapit niya sa'kin. Bagong ligo pa siya. Hindi tulad kanina na, marumi siya dahil sa lupa. Pero ngayon ay fresh na fresh siya. Naghahalo ang sarili niyang amoy sa sabong ginamit. Nanunuot sa ilong ko ang amoy niya at naghahatid 'yon ng kakaibang kilabot sa sistema ko.
Bumuntong-hininga na lang ako. Kumaway ako kay Melissa. "Alagaan mo siya Robert ha?!" Sigaw ni Melissa habang kumakaway.
Napailing na lang ako dahil sa kaniya. Nang makalabas sa gate ay nilingon ko siya. Nakatitig lang siya sa labas ng bintana. "Baliw talaga si Melissa. Buti natagalan mo?" Pabiro kong tanong para maibsan ang awkwardness dito sa loob ng sasakyan.
Isang beses lang niya akong nilingon at tipid na ngumiti. Ngunit ang ngiting 'yon ang nagpakabog ng puso ko. What is happening to me? Ngiti lang 'yon pero iba na naman ang naging epekto?
"Wala po 'yon, Ma'am Rachel," magalang niyang sagot. Halos manginig ang tuhod ko dahil sa baritono niyang boses. Humina ang tapak ko sa gas nang marinig ang pangalan kong binanggit niya.
Nababaliw na yata ako? Pilit ko na lang kinakalma ang sarili at nagmaneho. Nanatili na lang akong tahimik dahil baka maaksidente pa kami kapag magsasalita siya ulit. Nakakapanghina kasi bigla. Aakalain mong may mahika bawat salita niya.
Hindi ko yata siya kayang iuwi kung ganito ang epekto sa'kin. Baka sa mental ako mauwi.