Chapter 2

1014 Words
Chapter 2 *Rachel* Lumabas ako ng kwarto at agad kong nakasalubong si Lisa na nagpupunas sa may hagdanan. Nang makita niya ako ay agad siyang yumuko. Minsan naaawa rin ako sa kaniya. Ayoko siyang pagalitan, pero masiyado kasi siyang tanga. Palagi na lang nagkakamali. Dumukot ako sa wallet ko ng ilang libo at huminto sa harap niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Bumili ka ng groceries at 'yong sukli, ibili mo ng para sa'yo," wika ko sabay abot ng pera at nakita ko siyang nagulat. Napatitig din ako sa sapatos niya. Lumang-luma na pero ginagamit niya pa rin. Dumukot uli ako ng ilang libo pa. "Heto, mag-shopping ka na rin para sa sarili mo. Don't worry, hindi ko 'yan ibabawas sa sweldo mo," dagdag ko pa at mas lalo siyang nagulat. Umiling siya sakit at ayaw kunin ang ilang libong binibigay ko sa kaniya. "Naku, huwag na po, Ma'am Rachel. Nakakahiya po," nahihiyang saad niya. I smirk. "Take it. Kung ayaw mo, ibili mo na lang ng gamot ng lola mong may sakit," wika ko. Biglang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi. I remember my lola. Noong may sakit siya at nag-aagaw buhay sa hospital. Meron siyang sakit na asthma at hindi na naagapan. Hindi na rin kinaya ng katawan niya dahil matanda na siya. Napangiti ako nang kinuha niya ang pera. "S-Salamat po, Ma'am. Malaking tulong po ito," garalgal na boses niya. Hindi na ako sumagot at iniwan na lang siya. Ayokong makarinig pa ng mga nakakaawang eksena dahil bibigay ako. Matapang lang ako tignan, matapang lang ako sa pisikal. Pero sa loob-loob ko ay mahina ako. Yes, I am weak. Hindi ko kayang solohin lahat kaya natuto akong magbisyo. Natuto akong uminom para makalimot sandali sa mga hirap na pinagdadaanan ko. I have money and everything pero hindi pa rin ako masaya. Hindi lahat ay kayang bilhin ng pera. Hindi lahat ng pera ay mapapasaya ka. Dahil ang pera ay nauubos at nawawala. Pero ang saya, mananatili 'yon sa puso at ala-ala. Kaya kahit mag-isa na lang ako, kumakapit ako sa mga ala-alang masasaya noong kasama ko pa si Lola. Pagkalabas ng bahay ay dumiretso ako sa garahe. Sumakay agad ako sa kotse. Ang guard sa gate ay nagmadaling binuksan ang main gate. Binuhay ko ang makina at dahan-dahang nagmaneho. "Ingat po, Ma'am," wika ni Jose. Kumaway pa siya sa'kin hanggang makalabas ako ng tuluyan sa gate. Habang nagmamaneho ay naisip kong magpatugtog. Binuhay ko ang radio para makinig ng music. Buti na lang at naitaong maganda ang naka-play na kanta. Relax lang akong nagda-drive hanggang marating ang bahay nina Melissa. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa gate nila ay nakita ko na agad siya. She's crying. Kumunot ang noo ko dahil okay naman siya kanina sa phone noong kausap ko. Pagka-park ay agad niya akong nilapitan. Bumaba ako sa kotse at agad niya akong niyakap. "What happened?" Nag-aalala kong tanong. "Why are you crying? Where is Liam?" Magkasunod kong tanong at narinig ko siyang humikbi. Niyakap ko siya ng mahigpit para maibsan ang lungkot niya. Kung ano man ang iniiyakan niya ngayon. Gusto ko siyang i-comfort kahit na hindi ko pa alam ang rason. Niyaya ko siya saglit sa paborito naming tambayan, sa garden area. Pinaupo ko siya at sinenyasan ang isa sa katulong niya na kumuha ng tubig. "Bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari? Nasaan ba ang asawa mo?" Nalilito at magkakasunod kong tanong. I was worried about her. Hindi naman 'to umiiyak simula nang maging asawa niya si Liam. Like I said, sobrang lambing nila sa isa't isa at sobrang labo talaga na mag-away. "Nag-away kami ni Liam. Umalis siya at hindi ko alam kung saan pumunta," umiiyak niyang wika kaya nagsalubong ang kilay ko. "Okay ka lang kanina sa phone tapos ganito kitang madadatnan?" "Eh kasi... pinagseselosan niya palagi si Robert. Gusto niyang sesantehin ko. Kaya lang naaawa ako sa kaniya dahil wala siyang ibang mapapasukan. Undergraduate siya at bread winner ng pamilya. Nakakakonsensya kung basta ko na lang tatanggalin sa trabaho," paliwanag niya. "Si R-Robert?" Nabulol pa ang dila ko nang banggitin ang pangalan niya. Palagi akong kinakabahan sa taong 'yon. Hindi ko alam kung bakit. She nodded. "Eh, bakit naman niya pagseselosan?" Tanong ko at nakita ko siyang ininom ang tubig na kabibigay lang ng maid niya. "Hindi ko rin alam. Ang sabi niya ay bakit daw ako nag-hire ng lalaking katulong. Nangailangan kasi ako noon ng hardinero. Kasi 'di ba, nag-resign na 'yong dating gardener ko kasi nakapagpatayo na ng negosyo," wika niya kaya napatango ako. "Dahil masipag siya at mabait, hindi ko siya magawang sesantehin. Lalo pa nang malaman kong siya lang ang inaasahan sa pamilya niya," dugtong niya. Ako ay mataman lang na nakikinig. "Hindi ko tuloy alam ang gagawin. Ilang beses na kaming nag-away dahil sa kaniya. Wala naman siyang dapat ikaselos pero gusto niya ay puro babae ang trabahante namin dito." Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung papaano. Kung ililipat sa iba si Robert ay wala rin akong kakilala. Dahil lahat ng kakilala ko ay meron na. Pwede ko siyang ilapit sa agency kaya lang ang sabi ni Melissa ay bread winner ng pamilya. Paano kung matagalan pa bago siya matanggap sa trabaho. Siguradong malaking kawalan 'yon sa pamilya niya. Ang kailangan ay mabilis na kapalit na amo. Pero sino naman? Nagtititili si Melissa. Narindi ako kaya nalukot ang mukha ko. "Naku, Ra!" Masigla niyang wika at niyugyog ang balikat ko. Napasimangot naman ako sa kaniya. "Kanina lang ay para ka ng nagluluksa, tapos ngayon ang saya-saya mo bigla. Melissa, naka-drugs ka ba?" Taas kilay kong tanong at tumawa naman siya. "Hindi! May naisip na kasi akong solusyon. Kailangan ni Robert ng malilipatang trabaho agad-agad," wika niya at tumango ako. Iyon din ang naiisip ko kanina. "So?" "Anong 'so' ka diyan. Sa'yo ko na lang siya ililipat!" Masiglang wika niya at ako ay biglang naubo. Sa akin? Sa bahay ko? At bakit naman naisip ni Melissa 'yon. Hindi ko naman kailangan ng hardenero. At isa pa, stress na ako kay Lisa. Magdadagdag pa ba ako ng isa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD