Chapter 30 *Robert* Ang itaboy siya ay isa sa pinakamahirap kong ginawa. Ang malayo siya sa’kin… ang panuorin siyang lumayo sa akin ay parang isang mabigat na parusa. Parusa na ikamamatay ko. Alam kong hindi ko kakayanin. Pinapanood ko pa lang siyang umiiyak ng dahil sa akin… gusto ko ng saktan ang sarili. Gusto kong parusahan ang sarili. Ayokong gawin. Pero ngayong malapit ko ng malaman kung sino ang inutusan ni Papa… mas tinatapangan ko ang sarili para kayanin ang hindi siya makita at makasama. Halos mawalan ako ng lakas nang marinig ko ang hagulgol niya noong nagmamakaawa siya sa akin. Gustong-gusto kong punasan ang luha niya. Gusto ko siyang yakapin pabalik noong niyakap niya ako. Gusto ko siyang patahanin pero hindi ko ginawa. Dahil kailangan ko siyang itaboy para malayo siya sa P

