Chapter 29 *Rachel* “Get rest when your tired,” makahulugang wika ni Bruce. “Just call me if you need anything,” saad niya na parang walang balak na umuwi. Umiling ako. “I’m fine. Umuwi ka na. Salamat,” wika ko. “Ayos lang sa akin kung dito ako,” saad niya. Muli akong umiling. “I’m fine, Bruce. Bukas… nandito na rin si Lisa. . .my maid,” saad ko. Tinitigan niya ako na parang binabasa ako hanggang sa bumuntong-hininga siya at tumango. “Thank you, Bruce,” saad ko nang ihatid siya sa gate. Sumakay siya sa sasakyan niya at isang beses akong sinulyapan bago tuluyang umalis. Pagkasara ng gate ay agad akong bumalik sa bahay. Umakyat ako sa kwarto para kunin ang susi ng sasakyan ko. Pupuntahan ko siya. Hindi agad ako maniniwalang gano’n lang ‘yon. Na gano’n lang niya kadaling iwan at bit

