Chapter 27 *Robert* Pagkauwi namin ay pinauna ko na si Rachel sa taas nang makasalubong namin si Papa. Nginitian ko siya para isipin niyang ayos lang lahat. Pagtataka ang rumihistro sa magandang mukha niya pero sa huli ay ngumiti siya at tumango. Bukas ko na lang ibabalik ‘tong tricycle. Ipinaalam ko rin naman kanina kay Ninong. Seryosong awra ang ginawad sa’kin ni Papa. Nag-good night pa sa kaniya si Rachel pero hindi niya ito pinansin. Nakita ko pa ang matalim niyang titig kay Rachel. Kinuyom ko ang kamao. I hate it! Ayokong ginagano’n niya si Rachel. Gusto ko man siyang ilayo sa akin… hindi ko kaya. Ayokong malayo sa babaeng mahal ko. Alam kong iyon ang kailangan para maging ligtas siya pero anong gagawin ko kung may ama akong may taning na ang buhay at may nag-iisang kahilingan s

