Chapter 26

2498 Words

Chapter 26 *Rachel* Sa hapunan ay hindi sumabay ang papa nila. Mukhang masama ang loob. Hindi ko alam kung sa akin ba o kay Robert. Tahimik na lang kaming kumain kasama ng mama nila. Tahimik din kaya naging tahimik sa hapag. “Kuya, punta tayong peryahan mamaya? Bukas na raw sila kagabi pa,” nakangiting sabi ni Carol habang nagliligpit ng pinagkainan. Nilingon ako ni Robert. “Gusto mo?” Tanong niya. “Sige na, ate Rachel. Minsan lang ang fiesta dito. Kaya minsan lang din ako makapunta sa peryahan. Pumayag ka na, ate Rachel, please…” pangungulit niya. Napangiti ako. “Dahil hindi pa ako nakakapunta at nakakakita ng peryahan… sige, pumunta tayo,” nakangiting saad ko kaya napatalon si Carol. “Maghuhugas lang ako,” nagmamadaling turan niya. Napailing na lang si Robert. “Maraming tao do’n,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD