Chapter 25 *Robert* Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Bahagya pang nakabuka ang makipot niyang labi na tila kay sarap halikan. Napangiti ako. Ang sarap niyang panoorin habang natutulog. Ang mahinang hilik niya na parang kinikiliti ang sikmura ko tuwing naririnig. Ang sarap pakinggan, ang sarap niyang pagmasdan. Ang maganda niyang mukha ang siyang bumihag sa puso ko. Hindi ako magsasawang panoorin siya araw-araw. Hindi ko maalis ang paningin sa kaniya. Napalingon ako sa gilid ng lamesa nang marinig ang tunog ng cell phone. May tumatawag yata sa cell phone niya. Maingat akong gumalaw para tignan kung sino. Nahirapan pa akong alisin dahil nakapatong ang paa niya sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng isang lalaki. Bruce ang nakarehistro doon. Nilingon ko siya at mahi

