Chapter 24 *Rachel* Napamulat ako ng mata nang gumalaw si Robert. “Saan ka pupunta?” biglang tanong ko. Para bang biglang nawala ang antok ko nang marinig ang pangalan ni Jessie. Nasa baba raw siya at naghihintay. “Magpahinga ka na, babe,” saad naman niya. Nakita ko siyang bumangon at naglakad na nakahubad patungo sa aparador niya. Napaupo ako. Mariin akong napapikit. “Aww,” bulalas ko dahil sa naramdamang kirot. Para akong napilayan sa singit. Tinignan niya ako. “Masakit?” Banayad niyang tanong. Gusto ko sanang sipain ang bibig niya dahil nagawa niya pa talaga akong tanungin kung masakit. “What do you think?” masungit kong tanong sa kaniya. Nagmamadali siyang ang magbihis. Kahit mahapdi ay hindi ko maiwasang mapansin ang magandang hugis ng pwet niya. Parang malaking dalawang buns.

