Prologue
Prologue
HAILEY SOPHIA MEDRANO
TODAY is our third wedding anniversary.
Kanina, bago siya umalis, sinabi ko sa kanya na umuwi siya nang maaga matapos ang interview niya para sa kanyang new album. Sinubukan kong gawing casual ang tono ko, parang ordinaryong araw lang.
"Titingnan ko," matabang niyang sagot.
'Yun lang ang naging sagot niya. Walang kasunod. Walang pangakong uuwi ng maaga.
Nakiusap pa rin ako. Kahit ngayon lang. For the first time in five years.
"Let's celebrate," sabi ko. "Kahit simple lang."
Hindi na siya tumingin pabalik nang tuluyan siyang lumabas ng pinto.
Tatlong taon na kaming kasal, pero ni minsan, hindi namin ipinagdiwang ang araw na ito. We married by mistake. Isang maling desisyon na naging habang-buhay na tanikala, at ako ang dahilan kung bakit siya nakatali.
"I am his Wife but I can't tell the World"
Three years na kaming kasal, pero hanggang ngayon, sikreto pa rin ang lahat sa amin. Walang nakakaalam, ni pamilya ko na may asawa ako, ni pamilya niya. Nagpakasal kami nang palihim dahil nabuntis niya ako matapos ang isang gabing pagkakamali.
Sa umpisa, okay naman kami. May konting lambing, may pag-aalaga. Siguro naging ganoon siya dahil dinadala ko ang anak niya. Pero panandalian lang pala iyon. Nang makunan ako, doon nagbago ang lahat.
Sinisi niya ako sa pagkawala ng bata.
Simula noon, naging malamig na siya, malayo, walang pakialam. Mas masaya pa siya kapag may kasamang ibang babae, ibang tao kaysa sa akin na legal niyang asawa. At doon ko unti-unting naintindihan ang totoo. Hindi niya ako pinakasalan dahil mahal niya ako, kundi dahil nabuntis niya ako.
Pero umaasa pa rin ako. Pag-asang walang patutunguhan.
Dahil ngayong gabi, papalayain ko na siya.
Nasa bag ko ang annulment papers. Handa na ang pirma ko. Matagal na niya itong hinihingi, dahil hindi siya masaya. Dahil mali raw ang marriage namin. Dahil may ibang mahal ang puso niya.
Masakit. Sobrang sakit. Pero ibibigay ko ang kalayaan niya. Lalayo ako kasama ang batang dinadala ko ngayon, at sisiguraduhin kong hindi niya kailanman malalaman.
Abala ako sa kusina, tinatapos ang mga niluluto ko. Inayos ko na rin ang balkonahe doon kami magdi-dinner. Ako lang mag-isa, gaya ng nakasanayan.
Wala kaming katulong. Ayaw niyang may makaalam. Tatlong taon naming itinago ang kasal namin dahil sikat siya, isang singer na minamahal ng lahat. At mas bata siya sa akin ng tatlong taon. Ako ang kailangang mag-adjust. Ako ang kailangang magtago.
Sumulyap ako sa relo ko. 6:00 PM.
Dapat ayos na ang lahat bago mag-7. Siguradong darating na siya.
Pagkatapos kong mag-ayos, nagsuot ako ng simpleng dress. Walang engrande. Pero sinigurado kong maayos ako. Kahit minsan lang, gusto kong maging sapat sa paningin niya. Sana ngayong gabi mapansin man lang niya ako. Makita ako bilang ako, ang babaeng nagmamahal sa kanya.
Huminto ako sa harap ng salamin. Mapait akong ngumiti.
"Happy anniversary," bulong ko, kahit walang sumagot.
Inayos ko ang mesa. Nilapag ang lahat ng niluto ko. Umupo ako at huminga nang malalim.
Sana maging memorable ang gabing ito.
Dahil ito na ang huling magkakasama kami.
Isang oras ang lumipas.
Walang pintong bumukas. Walang yabag. Walang pamilyar na boses na tatawag sa pangalan ko.
Tumayo ako. Kinuha ang cellphone ko. Tatawag na sana ako, kahit ipinangako ko sa sarili kong hindi na, nang may pumasok na notification mula sa staff ko sa clinic.
Doc, please watch TV. Channel 08.
Nanginig ang daliri ko. Dinampot ko ang remote. Binuksan ko ang TV. Sa channel 08.
At doon ko siya nakita.
Si Brayden.
Nakangiti. Masaya ang mukha kahit pawisan. May hawak siyang mic. At sa harap niya... si Kathryn.
Sikat na actress. Maganda. Kumikinang. Katulad niya, parehong minamahal ng mundo.
Narinig ko ang boses ng host. "Brayden has something special to say tonight."
Lumapit siya kay Kathryn. Hindi siya nag-alinlangan. Walang pag-aalinlangan sa mata niya, walang takot dahil kumikislap ito sa pag-ibig niya sa babae
Lumuhod siya. Parang may tumanggal ng puso ko mula sa dibdib ko.
“Kath,” sabi niya, boses na puno ng lambing na hindi ko kailanman natanggap. "I've been wanting to say this for a long time. I think this is the time no more hiding." He smiled sweetly.
Parang tumigil ang oras sa paligid ko.
"You came into my life unexpectedly," dugtong niya. "And suddenly, everything made sense. You make me happy. You make me feel alive."
Napahawak ako sa tiyan ko. Bigla akong kinapos ng hininga.
"Can you be my girlfriend?" tanong niya, nakangiti. "I promise, I'll love you right. I'll protect you. I'll make you feel like the queen you are."
Tumango si Kathryn. Naiiyak. Kita ang labis na kasiyahan sa muka niya.
"Yes," sagot niya. "I've been waiting for this."
Nagpalakpakan ang lahat. Sigawan. Maraming tuwang-tuwa para sa kanila. Lumakas pa ang palakpakan 'nung nagyakap silang dalawa. Kumalas si Brayden, yumuko at hinagkan sa labi si Kathryn mas lalo ang naging hiyawan sa audience. Ang daming kinilig, natuwa at masaya para sa kanila.
Ako naman, napaupo sa sofa. Nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Nanghina ang mga tuhod. Parang may humigpit na kamay sa lalamunan ko.
Ang sakit sobrang sakit.
Sa loob ng tatlong taon, ni minsan hindi niya ako tinawag na mahal. Ni minsan, hindi niya ako ipinaglaban. Hindi niya ako tinignan na parang sapat na ako.
Pero siya, si Kathryn, tinuring niyang reyna sa loob ng ilang minuto.
"Congrats, Brayden! Kathryn!" sigaw ng host.
Napatawa siya, sila. Masaya. Malaya.
"Deserve niya 'yan," sabi ni Brayden. "Deserve niya ang buong puso ko. I love you so much, Kath." Sigaw ni Brayden sa mic at nagkiss sila ulit.
Doon na tuluyang bumigay ang mga luha ko.
"Brayden..." bulong ko, parang naririnig niya ako. "Five years. Limang taon kitang pinili, kahit hindi mo ako kailanman pinili."
Mahigpit kong hinawakan ang tiyan ko. Para bang doon lang ako kumakapit sa batang hindi pa naiisilang.
"Pinili kitang pakawalan," hikbi ko. "Pero bakit parang ako pa rin ang talo?"
Humagulhol ako, tahimik na hagulhol. Yung iyak na durog na durog, 'yung iyak ng babaeng natalo kahit wala naman siyang kalaban.
Happy anniversary sa'yo, bulong ko sa isip ko habang pinapatay ang TV.
Sa araw na pinili kitang mahalin, at sa gabing natutunan kong palayain ka.
Ito na ang huli. Pangako.
Sa gabing ito, pinalaya na kita. Paalam, Brayden. Sana... sana piliin ka rin ng taong pinili mo.