Chapter 11 Hailey Sophia Medrano KINABUKASAN, nagising ako sa sinag ng araw na tumama diretso sa mukha ko. Umikot ako, pilit pang tinatakasan ang antok, pero bigla akong napabangon. Napangiwi ako agad nang maramdaman ang sakit sa buong katawan ko, lalo na sa pribadong bahagi ko. Napahawak ako sa noo at napasandal sa headboard. Napamura na lang ako nang sabay-sabay bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi. “Oh my God…” bulong ko. I lost it. My virginity. Last night. Nilinga ko ang bahag ng hinigaan ni Brayden. Bakante na iyon bagaman naroon pa rin ang bakas ng ulo nito sa unan. Napapailing ako at sinita ang sarili ko. Act normal, Hailey. Wala kang dapat asahan sa nangyari kagabi. Bumangon ako at tumayo, pero mas lalo akong napangiwi sa sakit, hapdi, kirot, lahat sabay-sabay. H

