Chapter 68 Brayden Jaydrian Madrigal HINDI ko na alam kung paano ako nakabalik sa condo ko. Basta ang alam ko, tuloy-tuloy lang ang lakad ko, mabigat ang mga paa, magulo ang isip. Hawak ko pa rin ang phone ko at paulit-ulit ko pa ring tinatawagan si Hailey kahit alam kong wala na akong makukuhang sagot. She was not answering. Or worse… she really blocked me. “Pick up… please…” mahina kong bulong habang nakatitig sa screen, pero ilang segundo lang, failed call na naman. Napamura ako sa ilalim ng hininga ko, napapikit nang madiin. “Damn it…” bulong ko, nanginginig na ang boses ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Nandito lang siya. Nasa loob lang ng condo niya. Galit lang siya. Nasaktan. Ayaw lang akong kausapin ngayon. Bukas… bukas aayusin ko ito. I’ll fix everything. I’ll explai

