Chapter 33 Hailey Sophia Medrano KALALABAS lang ni Mara ng opisina ko para ayusin ang schedule ng mga pasyente nang biglang tumunog ang Messenger notification sa phone ko. Agad kong kinuha iyon mula sa mesa. Galing kay Brayden. Hindi ko mapigilang mapansin na iba ang bilis ng t***k ng puso ko kapag pangalan niya ang lumalabas sa screen. Binuksan ko agad ang message ni Brayden. Landed. Romblon. Mainit dito. And guess what? Sunod agad ang isang picture na pinakita. Napangiti ako. Isang malaking bilao ng mangga. Dilaw na dilaw. Hiniwa na ang iba, naka-arrange nang maayos, may kasamang maliit na lalagyan ng bagoong sa gilid. Mukhang bagong pitas. Ready na for tomorrow. Special request ng buntis. Maasim enough? Napahawak ako sa labi ko para pigilan ang ngiti. Nag-reply ako. Ang dam

