Chapter 20 Hailey Sophia Medrano 10:00 p.m na. Eksaktong tumama ang oras sa relo ko habang nakapark ako sa usual spot ko sa parking lot sa condo. Tahimik ang paligid, iilang sasakyan lang ang nakaparada at may iilang palabas at papasok. Nakapatay ang makina ng sasakyan ko pero bukas ang ilaw sa loob. Para madali niya akong makita. Wala pa ang motor niya. Tiningnan ko ang pwesto kung saan siya laging nagpaparada. Wala ang itim na motor niya at ang sasakyan niya ay wala rin. “It’s fine,” bulong ko sa sarili ko. “Ten pa lang.” Sabi niya ten. Hindi naman sinabi kung ten sharp. Puwede namang ten-ish. Kilala ko ang klase ng trabaho niya. Practice. Banda. Setlist. Technical rehearsal. Hindi biro ang concert. Kaya kong maghintay. Five minutes. Kahit fifteen. Kahit thirty basta wala pang e

