C–08: For you

1773 Words
Chapter 08 Hailey Sophia Medrano MALAKAS agad ang tugtugin pagdating namin sa venue. Bass na ramdam hanggang dibdib, ilaw na paikot-ikot, at amoy ng alak at dagat na halo. Pero bago pa ako tuluyang makapwesto, nag-iba na ang eksena. Pagkakita pa lang kay Brayden, sabay-sabay na nagsigawan ang mga babae, mga bata, may mga hindi bata, parang wala nang pinipili. May ilang guard agad na lumapit at inakay siya palayo sa akin, diretso sa gilid ng stage. Napatingin siya sa akin, parang nagtatanong kung okay lang. Hindi na ako nagdalawang-isip. Tumango ako agad. “Go,” bulong ko kahit alam kong hindi niya maririnig. Mukhang kanina pa talaga siya hinihintay. The moment na umapak siya sa stage, mas lumakas pa ang sigawan. May sumipol pa. May sumigaw ng pangalan niya na parang sila ang may karapatan. Inabot sa kanya ang gitara. Sinukbit niya iyon sa balikat at pumwesto sa gitna ng stage, relaxed pero alam mong sanay sa ganito. Parang bahay niya ang entablado. Napabuntong-hininga ako at pilit na inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kailangan pahirapan ang sarili ko. “Hailey!” Napalingon ako at nakita ko si Karen, naka-ngiti at parang proud na proud. Lumapit siya agad, bineso ako sa pisngi bago ako akayin palayo sa crowd. “Come, come. Dito ka sa harap,” sabi niya. Bago pa ako makatanggi, iniharap na niya ako sa isang lalaki na nakatayo sa tabi ng mesa sa unahan. Tumayo ito nang makita kami. “Oliver,” sabi ni Karen. “This is Hailey. The dermatologist I told you about.” Ngumiti ang lalaki at iniabot ang kamay niya. “Nice to finally meet you.” “Nice to meet you too,” sagot ko, sabay abot ng kamay. Medyo natagalan bago niya binitawan. Hindi naman bastos, pero enough para maramdaman kong conscious ako. Nailang ako, pero pinanatili ko ang ngiti. Gwapo siya. Matangkad. Mukhang maalaga sa sarili. Mukhang… safe. Umupo kami. May inabot agad na drinks, may nag-alok ng pulutan. Normal. Maayos at civil. Pero parang may humihila sa atensyon ko. Napatingin ako sa stage, at doon ko siya nahuli. Nakatitig si Brayden sa akin. Hindi lang basta tingin. Nagsasalubong ang kilay niya, madilim ang mga mata. Hindi siya nakangiti. Parang may sinasabi ang itsura niya, parang babala. Napakurap ako. At bago pa ako makapag-react, inilapit niya ang mic sa bibig niya. “Good evening, everyone,” bungad niya, mababa ang boses pero malinaw. Tahimik agad ang venue. “Thank you for being here tonight.” Nagpalakpakan ang mga tao. Huminga siya nang malalim, tapos… tumingin ulit sa direksyon ko. “Before anything else,” dagdag niya, bahagyang ngumiti pero hindi umaabot sa mata, “I just want to thank someone special tonight. She made sure I’m here. She made sure everything worked out.” Parang nanlamig ang mga palad ko. Para ba sa akin ang mensahe niya? “This one’s for you,” sabi niya, diretsong nakatingin sa akin. At doon ko naramdaman, lahat ng mata, unti-unting napunta sa direksyon ko. Tension. Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti… o tumayo… o magtago. Itinaas ko ang hawak kong baso bilang tugon kay BJ. Isang maliit na gesture lang, pero ramdam ko kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko. Kumakabog. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, sa atensiyon ng lahat, o dahil sa kanya. Sandaling natahimik ang paligid. Ramdam ko ang mga matang nakatingin, lalo na ang mga babae. May mga kilay na tumaas, may mga bulungan, may mga mukhang nagtatanong kung sino ako. Pero hindi nagtagal ang awkward na katahimikan. Muling inilapit ni BJ ang mic sa labi niya. And then… he sang. Isang R&B love song. Hindi ko alam ang title, pero hindi na rin mahalaga. Sa unang linya pa lang, parang may humila sa hangin. 'Yung venue na kanina lang maingay at magulo, biglang tumigil. Walang sigawan. Walang hiyawan. Tahimik na ang lahat. Ang boses niya, malamig. Smooth. Parang may gaspang na sakto lang. Alam mo 'yung boses na hindi pilit, hindi sumisigaw, pero diretso sa dibdib? Gan’on. Parang lead vocalist ng Matchbox Twenty ang timbre niya. 'Yung tipong kahit hindi ka broken, mapapaisip ka. Kahit hindi ka in love, mapaparamdam sa’yo kung paano. Hindi ako gumalaw. Parang natunaw ako sa kinauupuan ko. Ramdam ko na lang na napahawak ako sa dibdib ko, sa bandang puso, parang sinusubukang pigilan ang nararamdaman. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta, sa paraan ng paghawak niya sa mic, sa bahagyang pagyuko ng ulo niya kapag umaabot sa mababang nota. Minsan, nagsasalubong ang mga mata namin. At sa tuwing mangyayari iyon, parang may kumikibot sa loob ko. Parang may sinasabi ang titig niya na hindi niya kayang bigkasin. Pero ako ang unang umiiwas. Huminga ako nang malalim at pilit na binaling ang atensiyon ko kay Oliver. “So,” sabi nito, bahagyang yumuko palapit para marinig ko siya, “you’re really close with BJ?” Ngumiti ako, pilit. “Yeah. We… go way back.” Tumango siya, pero ramdam kong napapatingin pa rin siya sa stage. “Lucky guy,” dagdag niya, half-joking. “People really love him.” Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kaya ngumiti na lang ulit ako. Pero kahit nakaharap ako kay Oliver, naririnig ko pa rin ang bawat nota, bawat linya ng kanta. Parang sinusundan ako ng boses ni BJ kahit saan ako tumingin. Pagkatapos ng kanta, sumabog ulit ang venue. Sigawan. Palakpakan. Girls went wild. May tumayo, may sumipol, may sumigaw ng pangalan niya na parang sila lang ang audience. May mga sumasayaw na, may mga umiinom nang mas mabilis, may nag-aaya na sa dance floor. Nagpatuloy ang kasiyahan. Pero ako? Naupo lang. Tahimik. At sa gitna ng ingay, may napagtanto ako. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya. At mas lalo akong natatakot. NIYAYA ako ni Oliver na lumipat sa dalampasigan. “Mas chill doon,” sabi niya, bahagyang yumuko para marinig ko. “May bonfire. Hindi masyadong maingay. I’ll introduce you to my friends.” Hindi na ako nagdalawang-isip. Tumango lang ako at sumunod. Pagdating namin doon, agad kong nakita ang bonfire, malaki, buhay ang apoy, sumasayaw ang mga apoy kasabay ng hangin. May mga bilog na mesa sa paligid, pero karamihan nakatayo lang sa gilid, may hawak na drinks, nagkukuwentuhan sa kanya-kanyang grupo. Iba ang vibe. Mas relaxed. Mas… tempting. “Guys, this is Hailey,” pakilala ni Oliver sa grupo niya. May mga ngumiti, may tumango, may agad nag-abot ng baso. “Drink?” tanong ng isa. “Sure,” sagot ko nang hindi na nag-iisip. Hindi ko namalayan na naka-apat na shot na pala ako. Malakas ang tama, ramdam ko agad yung init sa lalamunan, pababa sa dibdib, hanggang sa ulo. Medyo groggy na ako, pero hindi pa bagsak. Keri pa. At sa totoo lang, parang mas gumaan ang pakiramdam ko. “You okay?” tanong ni Oliver, nakangiti. “Yeah,” sagot ko, medyo tumatawa. “I’m good. Promise.” Nagpalit ang tugtog. Mas mabigat ang beat. Mas raw. Mas… pang-bonfire. Oliver leaned closer. “Wanna dance?” Kung kanina may alinlangan pa ako, ngayon wala na. Tinanguan ko siya. “Let’s go.” Lumapit kami sa bonfire. May ilang kababaihan na sumasayaw na, paikot sa apoy. Walang paki kung sino ang nanonood. Walang na ang hiya–hiya. Sumabay ako. Hinayaan kong gumalaw ang katawan ko sa tugtog, sa init ng apoy, sa tama ng alak. May tumawa sa tabi ko. May humila sa kamay ko. Sumabay ako. Tumaas ang mga braso ko, umikot, napa-iling sa sarili ko. For once, wala akong iniisip. Walang label. Walang “ate.” Walang bawal. I'm free. Unti-unting nawala sa pandinig ko ang boses ni BJ. Napalitan iyon ng halakhak. Ng sigawan. Ng tunog ng apoy na pumuputok. Ng tawanan ng mga taong paikot sa bonfire, parang walang bukas. Sa gitna ng sayawan, sa gitna ng init at ingay, isang bagay lang ang gusto ko sa mga oras na ito. Ayokong isipin kung nasaan siya ngayon. Kasi kung iisipin ko, baka bumalik ang lahat ng sakit at takot na nasa dibdib ko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko. For once, I didn’t care. Kapag bumalik ako sa Maynila, trabaho na naman. Clinic. Patients. Routine. Pressure. Kaya ngayon, I let the night have me. Bigla kong naalala si Mara. Hindi ko pa pala siya natawagan. Napangiti ako sa sarili ko, mamaya na. I’m fine. I can handle this. Sumabay ulit ako sa tugtog. Mas mabilis na galaw, mas malakas na tawa. Parang walang bukas. Parang walang dapat isipin. Hanggang sa bumangga ang likod ko sa isang matipunong dibdib. Muntik na akong mawalan ng balanse. Nararamdaman ko na yung pagtabingi ng katawan ko pero biglang may humawak sa magkabilaang balikat ko. Pagtingala ko si BJ. Pawis ang noo niya. Basa ang buhok. Ang mga mata niya, matalim, madilim, parang may hinahabol na galit. Pero kahit gano’n, inalalayan pa rin niya ako, inilapit para hindi ako matumba. “Be careful,” sabi niya, mababa ang boses. Halos sa tenga ko. “You’re drunk.” Napangiti ako ng pilit. “I’m fine,” sagot ko, medyo slurred na yata. “Don’t act like—” Pero hindi ko na natapos ang sasabihin. Humigpit ang hawak niya sa braso ko. Kita ko sa malapitan ang pamumula ng mata niya, ang bahagyang pag-igting ng panga. Naamoy ko ang alak sa hininga niya. “You think this is fine?” singhal niya. “Look at you.” “BJ—” Bigla niya akong hinila palayo. Hindi na niya inintindi ang mga taong nadaanan namin. May napatingin, may napa-iling, may bumubulong, pero wala siyang pakialam. Ang kamay niya mahigpit sa pulsuhan ko, hindi masakit pero sapat para iparamdam na galit siya. “Hey!” protesta ko, sinusubukang kumawala. “Let go of me.” Huminto siya bigla. Hinarap ako. Mas malapit ngayon, halos magkadikit na ang mukha namin. “Stop,” utos niya, mababa pero matalim. “You’re not in the right state.” “At ikaw?” balik ko, nanginginig na sa inis. “You smell like alcohol too.” Kumislap ang mata niya. Parang may gustong sabihin pero pinigilan. Saglit siyang pumikit, huminga nang malalim. “Yeah,” amin niya. “I had a few drinks. But I’m not the one dancing like there’s no limit.” “Because maybe I don’t want limits tonight,” sagot ko, diretso sa kanya. Nagtagpo ang tingin namin. Ang paligid parang nawala, ingay, tugtog, apoy, lahat naging background na lang. At doon ko nakita. Hindi lang galit ang nasa mata niya. Hindi ko siya maintindihan. May halo iyong selos. Frustration. At takot na hindi niya kayang aminin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD