Chapter 61 Hailey Sophia Medrano TUMAYO si Brayden mula sa upuan niya. Kinuha niya ang jacket na nakasabit sa likod ng chair habang hawak pa rin ang cellphone sa kabilang kamay. Halos hindi niya ako tinapunan ng tingin. “Yeah, I’m coming,” sabi niya sa kabilang linya bago tuluyang pinatay ang tawag. Pagkatapos noon ay dumiretso siya sa pinto ng opisina. Saglit kong inangat ang ulo ko, gusto ko sana siyang tawagin pero wala ring lumabas na salita sa bibig ko. Binuksan niya ang pinto at lumabas nang walang lingon-lingon, parang wala akong presensya sa loob ng kwartong iyon. Naiwan akong mag-isa. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa pintuan na kakasara lang. “As always…” mahina kong bulong sa sarili ko. “Si Kath ang priority.” Masakit man, pero matagal ko na iyong tanggap. Ilang bes

