Chapter 50 Hailey Sophia Medrano PARANG biglang naging mabigat ang hangin sa paligid. Wala sa sarili kong napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o talagang sinadya niyang tumingin doon. Samantala si Brayden naman ay parang walang napansing kakaiba. Ngumiti siya habang nakatingin sa mga kasama nila sa mesa. “Okay, okay,” sabi niya habang itinataas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga request. “I will sing,” dagdag pa niya habang tumatawa nang bahagya. “For everyone.” May sumipol mula sa kabilang mesa. “Yeah! Finally!” “Go, bro!” Pero si Kath ay biglang nag-pout, parang batang nagtatampo. “Not for me?” tanong niya sa pabebe ngunit halatang may lambing na tono. Bahagya pa siyang sumandal kay Brayden habang sinasabi i

