Chapter 1:

1530 Words
Ashlee pov "Nay sa susunod na linggo po si manang Nora muna ang titingin sa inyo ah... Isinali kasi ako ni Rogelio sa isang pageant doon sa kabilang baranggay baka doon na din ako matulog sa kanila. " paalam ko dito. "Mag-iingat ka doon anak ah, Huwag kang sasama sa kung kaninong lalaki." paalala naman niya. "Opo nay." sagot ko dito. "At nay mamaya po pala punta kami sa palengke kasama si Camille. Mag-uukay kami ng gagamitin ko mahirap kasi manghiram-hiram." "May pera ka ba anak? May naitabi pa naman akong pera dito. Iyon muna ang gamitin mo." saad niya. "Ay hindi na po inay. May tira pa naman po sa kinita ko nong nakilabada ako. Pagkasyahin ko nalang po." "Anak dalaga ka na... Napakaganda mo. Sana kapag dumating ang araw na mamaalam na ako sa mundo ay makilala mo na ang tunay mong magulang." biglang sabi niya. Kapag ganito ang usapan kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi nagpapaalam na ang isang tao sa akin. At iyan ang hindi ko kakayanin. Ang mawala si inay. "Nay naman eh, huwag kang magsasabi nang ganyan. Kinakabahan ako. " naiiyak kong yakap sa kanya. " Sinasabi ko lang naman anak. O siya, sige na lumakad na kayo. Mainit na mamaya." taboy niya. Alam ko nahihirapan na din si nanay. Alam ko ding pahina na ng pahina ang katawan niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko alam kung anong sakit niya ang sinasabi lang niya lagi ay may ulcer siya. Kahit anong pilit kong ipagamot ito ay sobra ang pagtanggi niya. Mamamatay lang daw siya agad kapag magpahospital siya. Wala naman akong magawa kundi manahimik na lang. Ang dating tan na kulay niya ngayon ay pumusyaw na. Payat na siya noon pero ngayon mas pumayat pa siya. Awang-awa ako pero hindi ko naman pwedeng ipilit ang gusto ko. "Nay babalik din po kami agad ah. Inaantay na kasi ako nung dalawa sa may waitingshed. Gagamitin nalang daw namin iyong motor ni Rogelio. "Sige anak, sabihan mo iyang lalaking yan na mag-iingat sa pagmomotor ah. Madaming nadidisgrasya ngayon." paalala niya. "Opo nay. Alis na po ako." humalik ako sa impis niyang pisngi... "Larga na anak..." Ang laging sinasabi sa akin ng inay kahit noon pa ay kung ano man daw ang problema sa loob ng bahay ay dapat iwanan ito doon. Iyon daw ang susi para mapakitunguhan mo ng maayos ang mga taong nakapalibot saiyo. Kaya naman kapag nasa labas ako ay ibang-iba ang ugali ko sa loob ng pamamahay namin. "Wow si miss beauty queen rumarampa na..." bungad ni Camille sa akin... "Aba syempre muse kaya ako ng barangay natin." proud kong sabi. "Eh ano Gel, pwede na ba akong maging girlfriend mo for real?" paikot-ikot kong possing sa harap nito... "Ang chaka mo..." saad niya. "Ang gwapo mo ngayon..." sabi ko naman. And yes, gwapo... kasi ang alam ng lahat lalaki siya kaya kapag nasa labas siya ng pamamahay nila ay isa siyang machete... at ako ang tumatayong girlfriend niya kapag kaharap naman namin ang pamilya niya... Oh di ba? ang best friend kong bakla ginawa pa akong panakip-butas... "Cams tara na... " Aya ko dito. Pero di niya ako pinansin. "Hoy tara na..." tawag ko ulit, kaso wala parin. "Tulala lang ang peg?" sabi naman ni Rogelio. Sinundan namin ng tingin ang tinitignan niya... Kaso wala naman kaming nakita. "Kapag ikaw hinalikan ko baka mawindang ka." baritong sabi ng kaibigan namin. Kaso wala parin. Ilalapit na sana niya ang mukha niya sa mukha ni Camille pero bigla itong lumingon kaya ang ending naglapat ang labi nilang dalawa... Naitulak ito ni Rogelio ng wala sa oras. "It's a prank... Lambot pala ng labi mo Baks..." parang nangangarap na wika niya. "Tang'na naman eh... Gusto mo lang pala magpahalik di sana sinabi mo kanina para nginudngod na kita diyan sa poste. Yay... " kung nasa tagong lugar lang kami nito nagtitili na... "Selos ako, pakiss din Rogelio..." pinatulis ko ang nguso ko saka ako lumapit dito... "Kiss sweetheart... kiss me..." sabi ko pa. Lumaki ang mata nito. Pinagtitinginan dib kami ng mga dumadaan. Inilapat niya ang palad niya sa mukha ko. "Kayong dalawa tigil-tigilan niyo ako. Konting-konti nalang napipikon na ako..."bulong niya sa amin. Humagalpak kami ng tawa ni Camille. "Tama na nga yan... dahil kailangan ko pang umuwi ng maaga. Walang kasama si inay." saway ko na sa kanila. "Sa gitna ka Ash." sabi niya. "Okey..."sagot ko naman. Niyakap ko ang bewang nito. Sanay na kami sa ganun kaya wala na itong reklamo. "Ash, sasamahan ko lang kayo saglit. May pupuntahan kasi ako." paalam ni Camille habang tumatakbo ang motor. "Saan ka pupunta naman aber?" tanong ko dito. "Makikipagdate..." biglang naipreno ng isa ang motor dahil may tumawid na aso. "Bwisit na aso yon kunh hindi ako nakapagpreno baka nadisgrasya na tayo." saad niya. "Okey lang ba kayong dalawa diyan?" tanong nito... Kinabahan ako kaya tanging pagtango lang ang naisagot ko. "Okey lang kami. Dahan-dahan lang Gel. Ayaw ko pang mamatay." paalala ng isa. Nilingon niya kami sa likod niya. Malapit lang naman ang palengke kaya mabilis lang kaming nakarating. "Ash sa may mga bikini tayo..." Sumunod na ako sa kanila nong nakita kong nakasunod na din si Rogelio. "Gel iyong pula maganda kay Ash di ba?" naabutan kong tanong nito. "Sa susunod Ash wag kang magsuot ng sexy kapag pupunta tayo dito sa palengke." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Gel. " Ha, bakit naman eh ganito naman ako manamit Gel ah." tanong ko dito. "Pagsusundutin ko mga mata ng mga yan eh." saad naman ni Cams. Napatingin tuloy ako sa paligid ko. Saka ako tumingin sa sarili ko sa salamin na nakita ko. Nakasuot lang ako ng maigaing short at naka v-neck t-shirt na fitted. Wala namang masama sa suot ko ah. "Problema ninyong dalawa. Okey naman ang suot ko ah. " dipensa ko pa sa sarili ko. "Okey? oo okey, pero tignan mo mga mata nila. Kulang nalang hubaran ka." naiinis na wika nito. "Naku nagiging lalaki ka na ba Rogelio?" mapang-asar na wika naman ni Cams. "Ah, so selos ka...?" tanong ko dito. "Lika nga dito... Ayaw ko lang na nababastos ang mga kaibigan ko. Kaya kayong dalawa umayos kayo ah." ah ayun naman pala... Humawak ito sa bewang ko. "Sweetheart ito gusto ko..." turo ko sa kulay pulang bikini na hawak ni Cams. " Masyadong revealing iyan sweetheart..." napangiti ako sa sagot niya. Nasusuka namang reaksyon ang nakita ko kay Camille. "Hahaha huwag masyado oy... baka magkatotoo yan." Bulong nito sa amin. "Tumigil kang bruha ka. Dito ka nga sa tabi ko. Yang suot mo ding babae ka nakakainis." pinasadahan ko ng tingin ang suot nito... Masyadong formal... "May date kasi sweetheart. Hayaan mo na..." kinurot niya ang bewang ko. "Huwag kang malandi. Ginagawa ko ito para hindi ka pagpantasyahan ng mga manyak. Tinawag nito ang salesboy... "Kuya bakit mga bra at panty ang paninda mo eh lalaki ang nagbabantay?" hindi mapigilang tanong ni Cams dito. " Ah eh, wala lang miss." sagot naman nito. "Siguro kuya pinagpapantasyahan mo yang mga paninda mo no na suot ng seksing babae. " napakamot naman ito sa ulo. Binatukan ko nga... "Kung ano-anong tinatanong mo... " sita ko dito. "Ash naman eh..." reklamo pa niya. "Kuya isa pang tanong... bibili kami lagi dito basta masagot mo lang tanong ko." aba eh di pa tapos? ano na naman kayang tatanungin nito. " Kuya anong size nyan?" Bumaba ang tingin niya sa ibaba nito... "Hoy, anong tinatanong mo diyan?" obvious naman kung ano pero tinanong ko pa. Namula ang lalaki. " Ah eh... sorry miss. " nahihiyang sabi nito. Nakasuot lang kasi ito ng cotton short kaya mahahalata mo talaga ang nasa ibaba niya. "Oo nga kuya, ano bang size nyan. Upo ba yan o talong?" tanong ko din... "Mamamatay ako sa hiya sa inyong dalawa!" sabi ni Rogelio. "Eh ikaw sweetheart anong size ng sayo? talong o okra???" agad namula ang mukha nito... humagalpak ng tawa si Camille. "Sili bestfriend, sili... " bulong nito. Pinitik naman ng isa ang noo naming dalawa. "Eh miss bibilhin niyo po ba yang hawak niyo...?" singit ng salesboy. "Ah oo, gusto mo bang isukat ko?" tanong ko pa dito. "Ay wag na po mam. hehe..." mabilis na sagot niya. "Sige na kuya, picturan mo siya para may model ka sa mga bikining tinda mo..." apila naman ni Cams. "Ay hehe, salamat na lang miss... Pero baka mabugbog ako ng boyfriend ni miss ganda." doon kami napatawa ng bonggang-bongga. "Si Rogelio??? hahaha" sumasakit na ang tiyan namin kakatawa... "Talagang bubugbugin kita kung hindi mo pa ibibigay sa amin iyang pinamili namin.!" buwelta naman ni bakla... Tumalim ang mga tingin niya sa amin kaya nagpeace sign kaming dalawa. "Oh ayan! Isaksak mo sa dibdib mong kasing-laki ng bao ng niyog." ipagduldulan ba naman sa mukha ko iyong panty at bra. Pero ang cute talaga niyang asarin... Hinila na niya kami para maghanap pa ng pwede kong maisuot. Nagpaikot-ikot kami sa loob ng palengke at ng makakuha kami ng pang gagamitin ko ay nagpaalam na din si Camille para naman sa date niya. Bumili na din kami ng pagkain sa labas. Doon na din kasi siya manananghalian sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD