Chapter 2:

1419 Words
"Ang talento ay mas mura pa kaysa sa asin. Ang pagkakaiba ng talentado sa matagumpay ay napakaraming pagsisikap at pagpupunyagi." Ashlee pov Mabilis lumipas ang mga araw... Ngayon na ako sasabak sa pagrarampa. Sanay naman na ako kaso nakakakaba parin kasi nga dito nakasalalay ang pambayad ko ng pang OJT ko. "Handa ka na ba Ash?" maarteng sabi nito. "Oo naman... pero sandali hindi kaya over iyang makeup mo?" tanong ko dito. "Manonood sila papa ano ka ba... Hindi pwedeng mamukhaan nila ako. Ang paalam ko may trabaho ako kaya di ako makakapunta." loko talaga tong taong to... " And Ash galingan mo ah... May tiwala naman ako saiyo kaya good luck..." yumakap ito sa akin. "Salamat Gel..." isa isa na kaming tinawag para sa intermission number... Naitawid ko naman ng maayos lahat... isa nalang talaga... Question and answer nalang... bumunot ako ng isang papel. Dito nakadepende kung anong itatanong sa akin. "What will you do if you find out your current parents are not your biological parents?" hindi agad ako nakaimik dahil ang tanong na ito ay totoong nangyayari sa buhay ko ngayon. Pakiramdam ko pinili ito para talaga sa akin. Naghiyawan ang mga tao sa paligid ko. "Booooooo, lakas ng loob mong dumayo, wala ka rin palang maibubuga." "Ganda lang pala ang meron ka." "Naku sayang, ikaw pa naman ang manok ko." "Huwag kang magpanic candidate number 3..." "Kaya mo yan miss.." at kung ano ano pa. Kinalma ko ang sarili ko... "Bago ko po sagutin ang tanong ay nais ko po sana munang magpasalamat sa inyong lahat sa pagkakataong ito na ibinigay sa akin." ngumiti ako sa mga judges at ganun na din sa mga audience. Tumahimik naman ang lahat. Nakita ko ang kaibigan ko sa gilid na alanganin ang ngiti at ang magulang nito na proud na proud na nakangiti... ginantihan ko din sila ng ngiti. "Certainly, I will feel sad, these are people have stayed all my life with, they have been responsible for all the success have achieved in life so, definitely, I will never stop seeing them as my earthly parent regardless of the circumstances because my situation is not different from the question given to me." Taas noong sagot ko dito. "Miss candidate number 3, how come you are not different from the question, are you adopted?" tanong pa nito. Nag-ingayan ulit ang mga tao. "Thank you for the question. How? Because I raised alone by my Inay kahit hindi niya ako tunay na anak. And to my biological parents... If you are watching right now, sana bigyan niyo din ako ng pagkakataong makilala kayo because I don't know who you are..." may tumayong isang judge. kung di ako nagkakamali ito ang isa sa pinakamayaman sa kabilang bayan. Si Mr. Harold Aragon... "Anything you want to say sir Harold?" tanong ng emcee. Nilapitan niya ito at inabot ang mikropono. "Miss candidate number 3 I am giving you a chance para manawagan sa mga magulang mo. I hope sa pamamagitan nito makakatulong kami saiyo. " sabi niya . "Thank you sir." pasasalamat ko. "Hi mama, papa, I am Alexia Ashlee Montero. Napulot po ako ni inay sa tabi ng basurahan. Kung natatandaan niyo po ang pangalang sinulat niyo sa papel bago niyo ako iniwan. Ay iyon parin po ang pangalan ko. I am already 24 years old so I am hoping po na sana makilala ko na po kayo..."nagpasalamat ako dito.Napasinghap naman ang mga taong nanonood. "Kawawa naman pala siya..." "Sana makilala na niya ang tunay niyang magulang." "Ay tiyak mananalo na yan." "Matalino din naman siya, maganda pa." Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila sa akin. Madaling araw na nong tuluyang matapos ito pero worth it naman. Mayaman siguro ang nagsponsor dahil malaki ang papremyo. At syempre ako ang panalo... Ako ang nakoronahan bilang Ms. Town fiesta ng Bolinao Pangasinan. Tuwang-tuwa ang magulang ni Rogelio. Sila pa ang tumayong magulang ko. Proud pa nilang pinagsisigawang "Girlfriend ng anak ko yan." natatawa nalang ako na naaawa sa kanila dahil hindi nila alam na bakla ito. "Iha sa bahay ka ba matutulog ngayon?" tanong ng mama nito. "Opo tita...napag-usapan na namin ni Gel kanina." sagot ko dito. "Ah sige iha... kumusta na pala ang inay mo?" "Tulad pa din po ng dati..." malungkot kong sagot. "Bakit hindi mo nalang siya ipahospital iha..." seryoso nitong saad. "Kahit po anong sabihin ko tita, ayaw talaga ni inay. Mamatay daw po siya lalo doon." umiling nalang ito. "Eh kumusta naman ang pag-aaral mo?" tanong naman ni tito. "Okey lang naman po." "Kung may kailangan ka huwag kang mahiyang magsabi dahil hindi ka na iba sa amin. Para din lang naman sa kinabukasan niyo ng boyfriend mo iyan." naubo ako sa sinabi nito... "Ah, eh... O-opo..." alanganin kong sagot. Jusko patawarin ako ng Diyos. Sumabay na ako sa kanila pauwi. Welcome na welcome ako sa bahay ng mga ito... At iisang kwarto ang tinutulugan namin ni Rogelio. "Kayo ba'y wala pang balak magpakasal?" biglang tanong ng papa niya. Saktong iinom naman sana ako ng tubig. "Po???" nasamid tuloy ako. "Honey binigla mo naman si Ashlee... Huwag mo na lang pansinin iha. Gusto na daw kasi magkaapo..." Rogelio pinapahamak mo talaga akong bwisit ka... "Iha dumiretso ka na sa kwarto niyo. Mamaya pa ang uwi nong batang yon. " tinanguhan ko lang ito. "Una na po ako tita, tito... Good mornight po." paalam ko. "Sige na iha para makapagpahinga ka na. Alam kong pagod ka..." taboy nito. Tumalikod na ako dito. Pagpasok ko sa kwarto ni Rogelio ay itibabi ko muna ang mga gamit ko. May 10k na ako. Sobra na ito para sa pang OJT ko. Napatingin ako sa frame na nasa ibabaw ng lamesita. Picture namin ni Rogelio. Kung titignan mo talagang maigi ay hindi mo siya mababakasan ng pagkabakla... sayang lang dahil babae din ang hanap. May kaya sa buhay ang mga ito tapos solong anak pa siya kaya. "Ash bakit di ka pa natutulog?" bungad nito sa maarteng tinig. "Iniisip ko kasi baks kung kelan tayo magpapakasal." biro ko dito... "Gaga... iyyyy." nanginginig na wika niya. "Hahaha, thank you bestfriend..." niyakap ko siya. "Para saan na naman yan?" tanong nito. "Salamat kasi nandiyan ka lagi para sa akin. " saad ko naman. May naisip akong kapilyuhan. "Naku... what are friends for nga di ba?" niyakap din ako nito pabalik. Pero wala pang limang segundo ay itinulak na ako nito. "Ash naman eh, huwag mo akong inaakit niyang mala bao-ng-niyog mong suso... dahil kahit anong gawin mo ay di ako tatablan ng alindog mo." padabog niyang tayo. "Hahaha, di daw tatablan ng alindog ko eh bakit ka lumalayo?" tumayo din ako saka siya sinundan sa may sofa. "Ash oo bakla ako... pero paano kung gahasain mo ako?" malakas akong tumawa... Tinakpan niya ang bunganga ko. "Huwag kang maingay, baka marinig tayo nila papa. Nasa baba pa sila. Babaeng to, para kang nasasarapan na ewan." saway niya. "Hayaan mo na marinig nila para isipin nilang may ginagawa tayong milagro." biro ko din. " Hmpt, ewan ko sayo. Matulog ka na nga..." sabi niya. Saka siya nagmartsa palabas ng pinto. "Hoy Rogelio... Ang gwapo mo ngayon..." sabi ko bago niya naisara ang pintuan. Iniisip ko kung paano namin gagawing lalaki ang kaibigan ko. Dahil ako man din ay gusto kong makita siya na magkapamilya. Lagi namin siyang inaasar pero wala sa bokabularyo ko ang patulan siya kung sakaling magpakalalaki nga siya. Kapatid o bestfriend lang talaga ang turing ko dito. Humiga na ako sa kama. Baka nagtataka kayo kung magkatabi ba kaming natutulog... ang sagot ay oo. Sa iisang kama at sa iisang kumot kami natutulog kapag nandito ako. And walang nangyayaring kung ano-ano... kasi binabae po talaga siya.. Oo gwapo siya. Escort ko nga lagi sa mga pacontest eh...biglang tingin masasabi mong may pagkakahawig sila ni Alden Richard, matangkad at maganda ang pangangatawan kaya walang mag-iisip na isa siyang bakla... Sabi niya may niligawan din naman daw siya noon, pero hindi daw niya itinuloy kasi mas kinikilig pa daw siya sa lalaki. Nagkakilala kami sa isang pageant na sinalihan ko. Siya ang nag-ayos sa akin. At sa di inaasahang pagkakataon nong minsang may lalaking pilit kinukuha ang number ko, siya din ang nagpanggap na boyfriend ko. Namukhaan daw niya ako. Pero siya ay di ko namukhaan. Doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin. Naging labandera din daw nila si inay noon kaya kilala nila ito. Nakaramdam na ako ng antok ngunit wala pa siya kaya matutulog na lang ako. Maaga pa akong pupuntang school bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD