KEN POV
"Anak, bumangon ka na diyan at ng makabalik tayo ng maaga." gising sa akin ni Mama.
"Opo, Ma." pinilit kong imulat ang mga mata ko para tongnan si Mama.
"Sige bababa nako." sabi ni Mama kaya nagstretch muna ako bago bumangon sa higaan.
Agad akong naghilamos at bumaba na. Nagkape muna ako bago kami umalis ni Mama para maggrocery. Dahil off ni Mama ngayon, gusto niya siya ang maggrocery.
"Ma, tara na." tawag ko na sa kanya pagkatapos kong magkape.
"Tara." sagot ni mama at sinarado na ang pinto.
15minutes ang layo ng supermarket from our home. At dulo pa kami ng subd. kaya malayo layo talaga.
"Anak, ano palang kukunin mong kurso?" tanopng ni Mama.
"Hindi ko pa alam Ma, hindi pa ako makapagdecide." sagot ko.
"Dapat ngayon palang alam mo na kasi malapit na ang enrollment mo." habilin ni Mama sa akin.
"Ma, paano kung magdoctor ako? Kaya ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Kung yan yung gusto mo anak." sabi ni Mama.
"Hindi pa naman sure Ma, pakaisipin ko muna. Nandito na tayo Ma." sabi ko at nagpark na ako.
"Oo nga no. Sige sige baba na tayo." naunang bumaba si Mama at sumunod naman ako.
Namili lang si Mama ng mga kailangan namin sa bahay at tapos na. Agad din kaming umuwi kasi may tinatapos siyang mga paper works. Ako naman, hindi ako sure kung Medicine ba talaga gusto ko or Law. Alam ko dapat may i-take ka munang isang pre-course before ka mag Law and hindi ko alam kung anong ita-take kong pre-requisite na course.
SANDRA POV
*phone ringing*
"Bal!!! Tara nood tayong sine!!" aya ko kay Kate.
"Sorry pero pass muna ako today. Day off kasi ni Mama." paliwanag niya.
"Ah ganun ba. Sige sige pwede pa naman bukas. Bukas nalang tayo manuod." sabi ko sa kanya.
"Sige sige." sagot naman niya.
"Hindi daw pwede si Kate today. Day off ni Tita." sabi ko sa mga kasama namin.
"Ganun ba. Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Mik.
"Puntahan nalang kaya natin siya Sandra." suggest ni Dennis.
"Hindi pwede Dennis, ayaw ni Tita. Kahit kasi day off niya may ginagawa pa din siyang mga paper works. Ayaw niyang naiistorbo." paliwanag ko.
"Eh hindi naman tayo magi-ingay dun." reklamo ni Dennis.
"What I mean is, syempre aasikasuhin niya tayo maaalintana yung trabaho niya." paliwanag ko at naintindihan naman nila.
"Ganun ba. Kumain nalang tayo then bukas nalang ulit." sumuko din siya sa pangungulit.
"Tara!!" sagot naman ng iba.
"Par, cr lang ako saglit." paalam ni Dhen.
"Sige Dhen, text ka nalang namin kapag nakahanap na kami ng makakain." sabi ni Dennis.
"Pizza nalang tayo guys!" suggest ni Sexy.
"Gusto ko yan!!!" Parang mga bata pag nakadinig na ng pagkain.
"Ako din!!!!" Mga timawa talaga tong mga 'to! Hahaha
At yun na nga, sa isang mamahaling pizza nila naisipang kumain na para bang ang dami naming pera. Kahit hindi natuloy ang lakad namin atleast magkakasama kami diba?
*ting!*
Ah baka si Bal to. "Hi Sandra." tiningnan ko ang text ni Kate pero sa unknown number nagmula ang text.
Huh? Sino naman kaya to? "Who's this?" reply ko sa text niya.
"Ken." agad na reply niya.
"Ken?" reply ko. Kailan kong manigurado.
"Prada." omg!!! Siya nga!
"How did you get my number?" tanong ko.
"Anong silbi ng isang kasabihan kung hindi ko gagamitin?" sabi niya.
"Ok." reply ko. Balakajan.
"Ok kalang, Sandra?" tanong ni Dennis.
"Oo ok lang ako." sagot ko sa kanya.
"Parang sira to." sabi ni Dennis sa akin kaya tumingin ako sa kanya.
"Kumain ka nalang! Dami mong tanong!" sabi ko at kumuha ng isang slice ng pizza, nirolyo ito at isinubo ko sa bibig niya para tumahimik..
"Isang beses lang akong nagtanong madami agad?" Hindi ko nalang siya pinansin baka mag away pa kami!
Bakit kasi hindi na siya nagreply!!! Bakit ba kasi hinihintay mo Sandra!!!! Baliw ka na nga!
"Guys I want to go home." sabi ko.
"Kakatapos lang natin kumain eh." sabi ni Sexy.
"Basta ako uuwi na. See you tomorrow!" paalam ko.
"Daya mo!!!!" sigaw ni Mik.
"Bawi nalang bukas guys!!!" sigaw ko habang papalayo sa kanila.
NagGrab nalang ako pauwi tutal malapit lang naman bahay namin. Agad kong tinext si Bal para ibalita ang chismiss ko sa kanya!
"Bal!!!!" Bagal naman magreply ni Kate baka busy siya. Bukas nalang.
"Oh Bal bakit?" Ayun!!! Nakapagreply din. Kaya agad ko siyang tinawagan.
"Si Ken!" sigaw ko sa kanya.
"Napano?" walang gana na tanong ng bruha. Hindi man lang nagpanggap na interesado.
"Nagtext siya sakin!!!" masayang sabi ko.
"Tapos??" Dry naman kausap neto!
"Tapos?" pag-uulit ko sa tanong niya.
"Nagpakilala palang siya." mahinahon na sabi niya. "Ano ba sabi?" dagdag niya.
"Siya daw si Ken Prada." sagot ko kay Kate.
"Ano pa?" tanong niya.
"Wala na Bal." sagot ko naman.
"Akala ko naman umamin na kung makatawag ka wagas." sira talaga tong bestfriend ko kahit kailan.
"Hindi pa siya nagrereply hanggang ngayon." sabi ko.
"Bakit? Obligado ka bang hintayin ang reply niya?" tanong niya sa akin kaya medyo naalog ang ulo ko sa sinabi niya.
"Hindi." dismayadong sagot ko.
"Hindi naman pala eh." I know Bal!!! Umaasa lang si bakla.
"But- -" hindi niya pinatapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"No Buts!! Baka nangti-trip lang yan, baka nga hindi si Ken yan eh." pahayag niya ng opiniyon. 'Siguru nga.'
"Siguro nga... sige sige hilamos na ko. See you tomorrow Bal!" sabi ko at nagpaalam na.
"Huwag mo nalang muna seryosohin ang text niya at baka mabaliw ka diyan. Sige na, bukas nalang." paalam din ni Kate.