KATE POV
"Bal, totoo pala yung mga sinasabi ng iba." panimula ko.
"Na?" tanong ni Sandra.
"Na mas memorable yung High School Life experienced natin kesa sa College life, tulad ngayon." pagpatuloy ko sa sinabi niya.
"Yeah right. Kailan ba yung huling bonding natin with them?" pag sang-ayon niya sa akin.
"Last month pa." Yes. Graduating na kami ng College. Kinuha namin ni Sandra ay Accountancy para kung sakaling gusto kong mag Law School pwede 'tong pre-requisite.
Si Dhen lang ang lagi kong nakakausap sa squad maliban kay Bal. Siya lang kasi ang laging nangungumusta sa'kin in private. Sa group chat naman namin hindi masyadong active. Hindi ko nga alam kung naka-mute na yung sa kanila.
"Ang bilis ng panahon no, sa sobrang busy natin hindi na natin namalayan na graduating na pala tayo." sabi ko.
"Oo nga. Tapos ni isa man sa kanila walang paramdam sa group chat natin." reklamo niya sa akin. Siguro once a month lang kami mag bonding kasi sobrang busy namin tapos hindi man lang nagagamit group chat namin.
"Talaga ba, Bal?" Anong pinagsasabi nito? Hindi ko alam kung seryosong tanong yun or in a sarcastic way.
"Huh?" sabi ko at lumingo naman siya sa akin.
"Alam ko hindi ka nag-oopen about kay Dhen pero hindi mo matatago sakin, Kate." How did she know?
"Alam mo?" gulat kong tanong.
"Oo." daretso niyang sagot.
"How?" curious na tanong ko.
"Naalala mo nung nag-order ka ng coffee, sakto pagkapila mo may tumatawag sayo at nakita ko yung pangalan niya. Pagkabalik mo naging balisa ka, tiningnan mo ako kung napansin ko ba na may tumawag sayo kasi nakavibrate that time yung phone mo. Remember?" Tumango lang ako sa kanya.
"Then hindi ko pinahalata na nakita ko yung name niya kasi magdadahilan ka agad sa akin. Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mo sa akin, ang ayoko lang at for sure pati mga tropa natin na tinatago niyo 'to. Open naman tayo sa possibilities right, Kate?" seryoso siya ngayon dahil kanina pa niya binabanggit ang pangalan ko imbes na yung tawagan namin.
"Yes." sagot ko sa kaniya.
"Then why you didn't tell the truth? Kahit sa akin man lang sana, I'm your bestfriend for goodness' sake Kate." inis na sabi niya.
"I'm so sorry, akala ko kasi magagalit kayo sa akin, sa amin, kapag nalaman niyo. Alam niyo naman yung rule natin right? And ayoko lang naman ay ang magalit kayo sa akin, sa amin." paliwanag ko.
"So anong balak niyo?" tanong niya.
"Sa ngayon, wala pa." kahit ako hindi ko din alam.
"Kayo na ba?" pranka na tanong ni Sandra.
"Huh?" hindi ko inasahan ang tanong niya.
"I said kayo na ba?" pag-uulit niya.
"Hindi pa." sagot ko.
"What?!" sigaw niya.
"I said hindi pa." pag-uulit ko sa sagot ko.
"But Why???!" naguluhan ako sa tanong ni Sandra.
"Anong but why??" tanong ko sa kaniya.
"I mean, sa 4 years na paguusap hindi pa pala kayo?" I nodded as an answer. Hindi ba pwede yun? "Isa lang masasabi ko sayo Kate." dagdag na sabi niya.
"What's that?" tanong ko naman.
"Hindi siya seryoso sayo." sagot ni Sandra. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi niya dahil hindi naman siya mali.
"Seryoso siya, Bal." paniniwala ko.
"Hindi siya." pilit ni Sandra.
"Ako yung may ayaw." sabi ko at natigilan siya sa ginagawa niya.
"What?!" gulat na tanong niya.
"Ako ang may ayaw, hindi siya. Takot akong magcommit, takot akong masaktan." paliwanag ko sa kaniya.
"Aray!!!" Ang sakit ng kotong niya.
"Eh sira ka pala!!! Of course, if you risk your love for someone you will expect two outcomes either you will get hurt or be happy forever!" sigaw niya na para bang bingi ang kausap niya.
"I know!!!" sigaw na sagot.
"Ay ewan sayo Bal!" Biglang dumating yung Prof namin kaya hindi na kami nakapag-usap pa.
"Bal kanina pa nagriring yang phone mo sagutin mo na kaya baka important eh." utos sa akin ni Sandra.
"Si Dhen 'to." sagot ko.
"Bakit hindi mo sagutin?" tanong niya.
"Napaisip lang ako sa sinabi mo kanina." sabi ko habang nakatitig lang sa phone ko.
"Pwede pakivibrate nalang. Ang ingay, ang dami na kasing nakatingin sa'tin ngayon." Ay shocks!!! Nasa coffee shop pala kami ngayon. Natulala ata ako kaya hindi ako makagalaw kanina. Nakakahiya.
"Sorry." hingi ko ng paumanhin kay Sandra.
"It's ok." sabi ni Sandra.
"Bal, ano na gagawin ko?" tanong ko sa kaniya habang patuloy sa pagtawag si Dhen.
"Sundin mo kung anong nararamdaman mo. Ikaw lang naman ang may alam niyan basta ang role ko lang ay alalayan ka." pahayag ni Sandra.
"Ngayon palang ang hirap na paano pa kaya kapag naging kami na." bulong ko.
"Its your choice anyway, panindigan mo." biglag sabi ni Sandra. Narinig pala niya ako.
Hindi ko sinagot mga tawag niya. Hindi naman niya ako mapupuntahan kasi nasa Manila siya ngayon. Pagiisipan ko muna magiging desisyon ko kesa naman laging ganito, walang label. Nagreview nalang kami for prelims and then umuwi na kami after. Ang rule namin bawal munang lumabas hanggang hindi pa tapos ang exam.
"Bal last subject for this prelims, wanna go out later?" tanong niya sa akin.
"Of course, where we gonna go?" tanong ko sa kaniya.
"Anywhere else! Basta enjoy tayo later (◕‿◕)." nagpunta nalang kami sa mall, nanood ng sine pagkatapos ay kumain. Nakaka-boring actually, kasi hindi kami kumpleto.
"Bal, si Dhen ba yun?" tanong sa akin ni Sandra habang nakatingin sa kaliwa ko.
"Imposible Bal, nasa Manila siya remember?" sabi ko habang patuloy kaming naglalakad.
"Look!!!" Kalabit niya sa akin kaya tiningnan ko kung saan siya nakaturo, (º~º) totoo nga! Bakit siya nandito? Natulala ako sa nakita ko, iniisip kung bakit nandito siya bigla sa probinsya namin. "Bal." sakit naman mag-alog ni Sandra. Yung braso ko parang matatanggal na.
Ni-text ko siya kung nasaan siya ngayon. Tsaka wala naman akong matatanong sa kanya sakali man na magkita kami. Hanggang phone lang naman ako madaldal, tsaka never kami nagsama ng matagal. Awkward lang kami pag nagkataon.
Hindi pa siya nagrereply kaya sinundan nalang namin siya. Hindi naman kami magpapakita sa kaniya.
"Bal may nasabi ba siya sayo kung bakit siya nandito?" tanong ni Sandra.
"Wala eh. Hindi nga nagrereply sakin." sabi ko sa kaniya.
"Ah ganun ba." Sinundan namin siya sa isang resto at may kinawayan siya sa bandang dulo. Sino siya? (o_O) "Sino siya?" tanong sa akin ni Sandra.
"Yan din ang nasa isip ko Bal." sagot ko sa kaniya. "Hindi ko siya kilala." bulalas ko.
"Sandra, tara na. May bibilhin pa pala ako sa bookstore." Nauna na ko kasi kapag hindi pa ako umalis dun baka hindi ko matantya sarili ko at magpakita pa 'ko sa kanya.
"Ah ok sige." nakuha naman ni Sandra ang ibig kong sabihin kaya umalis na kami.
"Bal kanina pa tayo paikot-ikot dito pero wala kapang napipili. Akala ko ba alam mo yung bibilhin mo?" tanong ni Sandra habang tumitingin ng libro.
"Hindi ko mahanap eh." sabi ko.
"Punta na muna ako sa watsons ah, may bibilhin lang ako saglit." paalam ni Sandra.
"Sige." sabi ko naman.
Bumili nalang ako ng kahit na ano para lang may mabili nang makita ko silang papadating kaya agad kong sinuot ang earphones ko. Ayoko silang makausap baka bumigay ako bigla. Nagpatay malisya ako pero nadinig ko si Dhen na tinawag ako pero hindi ko kayang humarap sa kaniya na may kasamang iba.
"Nasaan na ba si Bal!" inis na sabi ko. Umupo ako sa bench at ni-text siya kung nasaan ako. Gusto ko nalang na umuwi pero ang tagal ni Sandra.
Hala! Totoo ba 'tong nakikita ko? Papalapit na sila sa pwesto ko. ( ఠ్ఠᗣఠ్ఠ ) Lord help me please!!!!
"Hey, sorry I'm late." biglang sabi sa akin at boses lalaki ito.
"Ay palaka!!!" napasigaw ako sa pagsulpot ni Sandra.
"Shhhh relax." Tumango nalang ako. Ni-hug niya ako pero nakasubsob yung ulo ko sa dibdib niya para hindi ko sila makitang papadating. You're my savior.
"Its ok Kate, you can cry on me." thanks. Kahit na hindi ko masuklian yang ginagawa mo para sakin pilit mo pa din akong tinutulungan.
"Salamat Gian kasi lagi kang nandiyan kapag kailangan ko ng tulong." sabi ko.
"You're welcome Kate." sabi ni Gian.
Hinintay ko nalang si Sandra na puntahan kami dito tsaka na umuwi. "Bat kasama mo si Gian, Bal?" tanong ni sandra habang papalabas kami ng Mall.
"Bigla nalang siyang sumulpot kanina nung hinihintay kita sa may bench." paliwanag ko.
"Bakit kasi hindi mo ko pinuntahan dun?" tanong niya. Sarap batukan!
"Ang layo, kaya dun nalang ako naghintay." sabi ko.
"Bakit ko kayo nakitang magkayakap kanina." hindi patanong ang tono ni Sandra na para bang kilangan may sasagot ako sa kaniya.
"Ah ganito kasi yun..." panimula ko ng paliwanag sa kaniya.